Eleven

169K 2.6K 69
                                    

*******Eleven*****

Vincent POV

It's Friday night and I can't sleep.

Maybe I'm excited kasi pupunta dito bukas si Xandra. Iniisip ko pa lang natutuwa na ako. Hindi ko mapigilang hindi mangiti.

Para akong baliw.

Hindi na ako teenager pero ang inaakto ko para akong teenager na excited na makita ang crush .

Hindi talaga ako makatulog.  Nakapagbilang na ako ng ten thousand na tupa pero wala paring epekto.

  

Kanina habang nakaupo kami sa may botanical garden ay nanlulumo ako kasi   hindi ko makikita si Xandra  sa loob ng salawang araw at iisipin ko palang naiirita na ako. Gusto ko lagi ko s’yang nakikita. Kasi everytime na nakikita ko s’ya  nakakaramdam ako ng kasiyahan kahit hindi halata.

  

Kailangang makaisip ako ng paraan para makasama ko s’ya bukas . Ayokong malungkot ng dalawang araw . Malulungkot ang puso ko.  Kung yayayain ko s’yang magdate sigurado akong hindi s’ya papayag. At 'yung idea na paglilinisin ko s’ya ng condo ko ang  naisip kong solusyon  na hindi n’ya matatanggihan sa aking problemang pangpuso.

Alam kong naging makasarili at  inconsiderate ako.

Kasi Saturday  ang araw na makakapagpahinga s’ya.

But I’m in love . Pag in-love ang isang tao hindi maiiwasang maging makasarili.

 Gusto ko lang naman s’yang makasama eh.

Kahit na magalit pa s’ya sa akin.

Kaya sinabi ko sa kanya ang naisip ko.   " "Kung may plinaplano kang gagawin bukas, huwag mo nang ituloy.” 

 Pumikit ako para hindi  makita ang magiging reaksyon n’ya. "I'm sorry . Anong sabi mo?" tanong  n’ya.

 I  opened my eyes and looked at her.

 " Sabi ko kung may gagawin ka bukas, ipagpaliban mo muna" ulit ko.

"At bakit?" tanong n’ya sa akin.

  "Kailangang pumunta ka bukas sa condo ko para maglinis at maglaba"  I answered .Inaamin ko na excited akong makasama s’ya.

  

"Seriously?Nagbibiro ka lang, diba?" hindi makapaniwalang tanong nya.  Pinigilan ko ang sarili kong matawa kasi kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkainis sa akin.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon