Three
Alex POV
Naging maayos naman ang first day ko sa bagong university. Mukhang tahimik naman ang mga kaklase ko and so far hindi ko pa na kita 'yung sinasabi ni Kris na Vincent and the gang. As if naman na gusto ko silang makilala. Sikat daw ang mga iyon dito , karamihan sa mga feeling celebrity ay mga mayayabang kaya baka ganoon sila. Ate ang judgemental mo naman react ng utak ko. Whatever! Sabi ko sa isip ko. Pagnakipagtalo pa ako sa sarili ko baka isipin ng mga sosyalerang mga students dito ay baliw ako , kaya ‘wag na lang.
Naglalakad ako papunta sa parking lot where I parked my motorbike. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi pagmasdan ang mga building sa university na ito. Ang ganda talaga ng pagkakagawa ng different colleges building dito parang mga building na nakikita ko sa mga magazines. Talagang ginastusan ng may-ari ang pagpapagawa . And as an architecture student talagang humanga ako.
"Hey! Tumingin ka sa nilalakaran mo!" nagulat ako sa biglang sigaw na narinig ko at may dalawang kamay na humawak sa aking magkabilang balikat. Ramdam ko ang higpit ng kapit ng nagmamay-ari ng mga iyon .
" Bakit ba kung saan-saan ka tumitingin habang naglalakad?" mariing tanong ng taong may hawak sa akin. Sa tono ng boses nya , masasabi kong galit sya.
Unti-unti kong itinaas ang aking mukha para makita ang mukha ng lalaking nakakapit pa rin sa aking mga balikta. Ramdam ko sa paraan ng pagkakapit nya ay naiinis sya. Alam ko din na kaya sya biglaang napakapit sa akin ay para hindi ako tuluyang bumangga sa kanya. Kitang-kita ko ang pares ng dalawang magagandang mata na matiim ang pagkakatingin sa akin. At tama nga ang hula ko na mukhang galit sya . S’ya lamang at wala nang iba ang kaninang may factory ng aircon sa katawan na naencounter ko sa parking lot. Si kuyang papable . Sa taas nyang 6 footer while I am only 5-4" kayang-kaya nya akong tirisin na parang kuto.
Teka nga bakit galit sya eh hindi ko naman sya tuluyang nabangga ah?
"Bakit galit ka eh hindi naman kita nabangga nang tuluyan ah at hindi naman tayo nagpagulong-gulong sa semento na parang nasa isang eksena sa romantic movie ?" inis na tanong ko. Kung galit sya hindi ako magpapatalo sa kanya kailangan ipakita ko rin na galit ako. Baka makalusot kasi alam ko naman na may kasalanan ako.
"Tssk! Really wala ba akong karapatang magalit? " sarkastikong tanong nya. "Tingnan mo nangyari sa kapabayaan mo" tinuro nya yung isang part ng semento. Ako naman sinundan ko nang tingin 'yung tinuro nya.
Oh My! hiyaw ng utak ko. Nakita kung ano ang dahilan ng pagkagalit nya . Nasa lapag lang naman ang kanyang cellphone. Kapareho ng cellphone ko na bigay ni Van sa akin. Dali-dali kong pinulot yung iPhone nya. I checked it . Ayaw mag on. Mukhang nasira ko ata. Mahal pa naman itong iPhone nya. Patay ! Sana nagpagulong-gulong na lang kami na kagaya sa isang romantic na movie imbis na nasira ko ang iPhone nya. Lihim kong naidasal.
"Well nangyari na . Ano pa ang magagawa natin?" Lakas loob na sinabi ko. Pero ang totoo medyo kinakabahan na ako.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...