׺°”˜'”°º× Twenty four׺°”˜'”°º×
Day 2 na hindi na slave si Alex
Vincent POV
Vacant time namin at nandito lang kami sa may Botanical Garden ng University nagpapalipas ng oras.
" Vincent kailan mo sasabihin kay Alex na ikaw si Van?" tanong sa akin ni Matheo.
Napatingin ako sa kanya. " Sa birthday nya" maikling sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap, hindi ko alam kung bakit parang ang tamlay ko. Baka dahil sa climate. Medyo mainit kasi.
"So anong gimik sa birthday nya?" tanong naman ni Caden.
Nagkibit lang ako ng aking balikat. Wala nga kasi akong sa mood na magsalita at sabihin sa kanila ang binabalak ko na gagawin sa birthday ni Alex. Yes, I volunteer to her parents na mag-arrange ng party para sa birthday nya. Doon nya rin malalaman na ako at si Van ay iisa lang. I know na magagalit sya sa big revelation at hinanda ko na ang rin ang sarili ko sa galit nya. I will do anything para mawala ang galit nya sa akin.
" Labo mo naman 'Pre.Bakit ayaw mong sabihin sa amin?" pangungulit ni Caden.
" 'Wag na lang. Baka masabi nyo pa kay Alex" sagot ko. Sa loob ng isang buwan alam ko na napalapit na rin sila kay Alex at may possibility na madulas sila at masabi pa nila kay Alex ang party na binabalak ko . So mas mabuti nang wala silang alam.
" Parang hindi ka kaibigan ah. Samantalang ang tagal na nangpinagsamahan natin. Naliligo pa nga tayo ng walang salawal noong mga bata pa tayo" nakangusong sabi ni Tommy.
" Tommy magtiggil ka nga dyan. Nakanguso ka pa. Para kang bading" sita ni Matheo sa kanya. "Teka 'Pre umamin ka nga bading ka ba?"
" Anong klaseng tanong 'yan ha?" galit na sabi ni Tommy. "Lalaking- lalaki ito!" inambahan nya pa ng suntok si Matheo.
"Kung lalaking-lalaki ka .Anong paborito mong movie?" tanong naman ni Ian.

BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...