chapter 42# part 2 windy&Vain

22 1 0
                                    

Lihim na nagkaroon ng relasyon sina Vain at Windy. Palihim ding nagdeDate ang mga ito.

Sa ika-labing walong taong kaarawan Ni Windy ay balak na sanang ipaalam ng dalawa ang tungkol sa lihim nilang relasyon.

Ngunit may kakaibang pahiwatig na sinabi si Vain sa dalaga, habang sya ay nagbabasa ng libro sa garden.

"Windy!..."

Tawag ni Vain na nagpapitlag sa dalaga. Ngunit agad ding naglaho at napalitan ng matamis na nguti.

Sa halip na gumanti ng ngiti ang binata ay matamis na halik ang iginawad nito sa dalaga.

Gulat na gulat so Windy sa ginawa ni Vain, agad syang dumistansya dito at agad nagpalingon-lingon upang siguraduhing walang tao.

Nakahinga ng maluwag si Windy ng makitang walang sinuman ang naroon kundi sila lang ni Vain.

Ang bilis ng tibok ng puso nya, halos hindi nagbabago kahit na alam na nyang may pagtangi rin ang binata sa kanya. Gaya ng dati nagba-blush pa rin sya twing hahalikan sya ng binata.

Napangiti naman si Vain at mabining pinisil ang kamay ni Windy.

"Relax Windy."

Naupo na silang dalawa sa upuan na nanduon. Tahimik lang silang dalawa ngunit magkasalikop ang kanilang mga kamay.

Si Windy ang bumasag ng katahimikan na kanina lumulukob sa kanila.

"Vain,.. Sa 18th birthday ko sasabihin ko na kina papa ang tungkol sating dalawa."

Hindi sumagot ang binata, bagkus ay nakatingin lang ito sa kawalan. Pinagmasdan ni Windy ang nobyo at may napansin syang nag iba rito.

Hinawakan nya ng madiin ang kamay ni Vain para mapatingin ito sa kanya.

"Narinig mo ba ang sinabi ko? Vain?"

"Yes... Off course."

"So, sang ayon kaba huh Vain?"

Tumango nalang ito bilang pag-sang ayon.

"Windy, kung ano't anu man ang mangyari, at anu man ang pwedeng mangyari lagi mong tandaan na mahal kita."

Naguguluhan man ay binaliwala nalang ito ni Windy.

Hangang dumating ang araw ng birthday ni Windy. Masayang masaya ang dalaga,dahil sa wakas ay hindi na nila kaylangan pang magtago ni Vain sa twing gusto nilang makasama ang isa't isa.

Ngunit ang magarbo at napaka sayang party ay nabulabog ng isang rebelasyon. Dinukot umano ni Devin si Vain.

Parang gumuho ang mundo ni Windy at sa kauna unahang pagkakataon ay lakas loob syang lumapit sa kanyang ama at mga kuya upang magsumamo.

"Papa--, pls... Save him pls, kuya Cloud, pakiusap iligtas nyo si Vain." Luhaang turan ni Windy sa ama at kapatid.

"Will see what we can do, sweet heart, but we need to prepare our selves. Devin is--"

Natigilan si Lord Lanthis sa pag pagsasalita ng sumigaw so Windy.

"No--!"

Sa pagsigaw na yon in Windy ay nagulat ang pamilya nya. Agad syang nilapitan ng ina at kinalma.

my only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon