Habang naglalakad ako palayo sa lugar na yon ay narinig ko pang tinawag ni Cloud ang pangalan ko, pero hindi ko sya tiningnan man lang.
Ngayon ay narito na ako sa kwarto, dumiretso ako sa banyo. Naglinis ng katawan at nagpalit ng pangtulog.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako saglit ng makita kong nakatayo si Cloud sa gilid ng banyo at matamang nakatingin sakin. Tinawag nya ako ngunit dedma parin ako. Dumeretso ako sa kama at kunwari'y abala sa pag aayos ng higaan ko.
Tinawag akong muli ni Cloud, syempre hindi parin ako nagsalita, pero sa totoo lang madami akong gustong sabihin sa kanya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw bumuka ng bibig ko.
"What the f†***, Aliah' speak out hindi ako manghuhula para malaman ang nasa isip mo!"
Marahas akong humarap sa kanya, at sa wakas ay nakapagsalita na rin ako.
"Wala ba akong karapatang magpahinga huh Cloud!, I'm so tired and I want to rest." Sabi ko sabay talikod ko sa kanya. Buti nalang talaga at lampshade lang ang binuksan kong ilaw kung hindi malamang na mapansin ni Cloud ang nanglalambong kong mga mata.
"OK then Aliah you can go to rest now." At umalis na sya sa kwarto. Narinig ko pang isinara nya ang pinto. At hindi ko na talaga na pigilan pa ang pagpatak ng luha ko. Parang ulan na naguunahan pumatak sa kandungan ko. Nasasaktan ako, at parang hindi man lamang iyon nakikita ni Cloud is he blind oh sadyang wala syang pake sa nararamdaman ko.
He didn't bother na ipakilala man lang ako sa Sophie na yon. Dumating lang si Sophie ay para akong hanging hindi pinapansin.
Anu nga naman ang Panama ko sa heredera at napakagandang babaeng tulad ni Sophia.
Nakatulugan ko nalang ang aking pag iyak. Hindi ko na namalayan kong anong oras ako nakatulog, pero isa lang ang naaalala ko nasasaktan ako ngayon. Ang best birthday ever ko ay naging most painfull birthday ever ko na.
Masikat na ang araw ay nakahiga pa rin ako sa kama, wala akong ganang kumilos oh kung anu pa man. Nang tingnan ko ang bahagi kong saan natutulog si Cloud ay napabalikwas ako ng bangon. Sinipat kong mabuti ang bahaging iyon ng kama at natanto kong hindi man lamang iyon nagusot. Ang ibig sabihin ay hindi doon natulog si Cloud. At naisip ko ding baka magkasama sina Cloud at Sophia. Agad kong ipiniling piling ang ulo ko upang alisin sa isip ko ang senaryong iyon ng asawa ko at ng babae.
Mejo nagulat pa ako ng magsalita si Nina na kanina pa pala nandoon sa kwarto. Nakalimutan ko na sya ang personal na nag aasikaso sa pagkain ko twing umaga, lalo na kong ganitong weekend.
"Miss, ok lang po ba kayo. Gusto nyo po bang tumawag ako ng doktor?"
Umiling lang ako sa kanya dahil baka pag nagsalita ako ay lumabas saking bibig ang aking hikbi. At ang isiping kanina ay ayaw kong isipin na nangyari ay kinompirma mismo ni Nina.
" Oh.. Nga po pala miss, kagabi po ay tinapos na kagad ang party, kasi po nakita raw umano ng mga warriors si Sir Vain. At si master po mismo ang naghatid kay miss Sophie. Hindi na nga po nakauwi ang master eh." Mahabang paliwanag ni Nina sakin.
BINABASA MO ANG
my only you
RomanceHindi lahat ng tao nakakahanap ng taong mamahalin at magmamahal sa kanya. Kaya naman pag nakita mo na sya dont be a fool to lose him or her for the sake of your love:) " Alam ko lahat ng ito ay pag kukunwari lang. At lahat ng ito ay upang matupad...
