Chapter 39# getting you back

33 4 0
                                        


Ang sakit ang ulo ko ng gumising ng umagang iyon. Alam kong maliwanag na base sa nakikita kong sinag ng araw sa bintana.

Napansin ko kaagad ang kumot na nakatakip sakin. Ang pagkakatanda ko ay nasa kabilang bahagi ito ng kama at hindi konaman ginalaw. Napabalikwas ako ng maalala ko ang mga pangyayari kahapon.

Bumalik na nga ba talaga si Cloud oh panaginip lang ang mga nangyari. Kinusot ko ang aking mata at huminga ng malalim, paano na ngayon? Yan yong tanong ko sa sarili ko. Paano ko haharapin si Cloud na asawa ko ngunit walang maalala tungkol sakin.

Nagpunta na ako sa banyo at naligo. Mugtong mugto pa rin ang aking mga mata ng tingnan ko sa salamin.

Haysss ang haggard ko:(.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng makita ko si Cloud na nakaupo sa kama habang hinihimas ang kama.

"Good morning"

Bati nya sakin na agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Grabe ang kabog ng dib dib ko at natatakot akong baka marinig nya ang pagkabog nito.

"How's your sleep in my bed?"

Napatingin ako sa kanya dahil iba ang tono ng pagkakasabi nya non. At ng magtama ang aming mga mata ay nakita ko ang kakaibang ngisi sa kanyang labi.

Saka ko lang napuna na nag iba ang uri ng kanyang pananamit at ayos. His look more handsome but dangerous. Ito ba talaga ang asawa ko? Sya ba talaga si Cloud.

At ng makita kong papalapit sya banda sakin ay napaatras ako bigla.

Kinabahan ako ng hindi ko mawari kong bakit. Mataman lang syang nakatingin Sakin, tingin na parang pati kaluluwa ko ay nakikita na nya.

At ng ilang dangkal nalang ang layo naming dalawa ay kusa syang huminto at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa ginawa nya. At ng magtama ang aming mga mata ay napansin kong nakatitig sya saking mga labi.

"If your my wife, so we do things that husband and wife does."

May Pag uuyam sa kanyang tono. At naramdaman ko nalang ang paghipo nya saking braso. Na lubhang ikinagulat ko. Alam kong nangingiti sya dahil nakikita ko iyon sa gilid ng aking mata. Agad kong tinabig ang kanyang kamay at lumayo ng bahagya sa kanya.

"Yes were husband and wife, pero hinding hindi ako --"

natigilan ako sa pagsasalita dahil sa malalim nyang tingin sakin.

"Hindi ako kelan man pinilit ni Cloud, na pinakasakan ko. At wag kang mag isip ng iba dahil ang asawa ko ay iginagalang ako."

Bigla kong naalala ang minsang pagpipigil ni Cloud na angkinin ako.

*I'll better stop this, coz if I won't stop I take you and you'll never get away from me. Pag handa kana at OK na ang lahat I will make you mine*.

my only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon