chapter 46 # think again

27 2 0
                                        

"Huwatttttttt?,No!"

Aray ang sakit sa tenga(- -), si Cloud yon ng sabihin kong magtatrabaho ako.

Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner, yes magkasabay kami sa tinagal-tagal ng panahon. Kaya naman minabuti ko ng sabihin ang balak ko na magtrabaho.

"Anu ba sa tingin mo ang ginagawa mo,huh Aliah? Magtatrabaho for what?"

"Makinig ka kasi muna sakin, Cloud. Part time lang naman yon saka --."

Natigilan ako ng mapatingin ako sa kanya. Nag-iisang guhit na ang kanyang mga mata. Haysssss galit na naman sya.

"At saka--, anu? "

"Anu kasi Cloud kailangan ko ng experience, graduate nako at kailangan ko to' para sa sarili ko."

"Sa sariling mo o dahil andon ang lalaking naghatid sayo nung isang araw."

Anu daw? Tsk.... Nakakainis na talaga tong Cloud na to' anu bang problema kong magtrabaho ako.

"Anu Wife? Dahil nandoon nga ang lalaking yon."

"Nate ang pangalan nya, at Oo andoon sya kasi sya ang may-ari ng pagtatrabahuhan ko."

"At talaga namang sinabi mo pa ang pangalan nya sakin. Tsk!"

Nang titigan ko sya eh hindi ko alam ang madadaramdaman ko, naiinis ako na hindi ko din mapigilan ang mangiti ng palihim. Para kasi syang protective husband at parang nagseselos na Ewan.

"At talaga naman boss mo pa huh. NO–– my answer is no! Your not going anywhere. Wife!"

"At anu ang gusto mong gawin ko dito Cloud,? Iburo ang sariling ko, maghintay kong kelan ka magbabalik sa dati ."

Nagulat ako ng kalabugin nya ang lamesa.

"When I said No! That's means NO!"

"Pero Cloud ––"

"Wag Nang makulit Aliah, oo nga't hindi kita maalala pero hindi ibig sabihin noon ay wala na akong karapatang pagbawalan ka!, at saking pagkakatanda ako parin ang asawa mo."

my only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon