chapter 47 # Aliah's tears

29 2 0
                                        


Pinaupo ako ni Aliah, at mabilis na kumuha ng maliit na palanggana at bimpo. Pagkalapag nya ng mga dala nya ay mabilis ulit umalis.

"Aliah... Saan ka na naman pupun--!"

"Ooppss, stay there Cloud tingnan mo yang kamay mo. Dugo na ng dugo hindi mo man lang pinagkaabalahang gamutin."

"Relax it just a wounds malayo to sa bituka."

At ng titigan ko sya ay natigilan ako sa nakita ko sa kanyang mga mata. May nangingilid na mga luha.

"Relax, that's all you can say huh, Cloud."

"Bakit ba ang OA mo naman, gasgas lang ito Aliah. You don't need to worry that much."

Bumalik sya sa pinaglalagyan ng palanggana at ng bimpo, dinampot ang mga yon at akmang aalis na.

Hinawakan ko sya sa braso, upang mapigilan ang pag-alis nya. Hinarap nya ako ng may nababakas na galit sa mga titig nya.

"Where you think your going? Akala ko ba gagamutin mo ang su--."

"Aalis at bahala ka ng gumamot sa gasgas mo. Tutal sabi mo naman malayo yan sa bituka. At minsan man lang sana Cloud makiramdam ka sa mga tao sa paligid mo. Dahil nag-aalala din sila sayo."

Pumalag na sya at tuluyang umalis. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit o anu ba ang ibig sabihin ni Aliah. Haysss slow ba talaga ako?><

Naiwan ako doon na tinitignan ang papalayong bulto ni Aliah. Itinaas ko ang aking kamay at iginawi ko sa papalayong pigura ni Aliah. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng takot.

Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at naikuyom ng mahigpit. Tama ba ang naramdaman ko? Natatakot nga ba ako? Saan? To many question that didn't answer.

Aliah's POV

Ang kaninang pag aalala ko ay napalitan ng pagdaramdam at takot. Nasasaktan ako sa mga pangyayari. Pinipilit kong maging normal ang lahat pero kahit anung pilit ko parang wala parin.

Ang lapit lapit nya lang, halos nasa harap ko na nga sya pero parang ang anlayo nya.

Ang kaninang paglalakad ko ay nauwi sa marahang pagtakbo. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ay naupo sa likod ng pinto.

Nahahapo ako sa pagod, pagod sa pagtakbo pero mas napagod ata ang puso ko. Pinigilan ko ang napipintong pagpatak ng luha ko ng may kumatok sa pinto.

"Miss, ok lang po ba kayo?"

Si Nina lang pala, hindi ko na sya pinagbuksan ng pinto dahil baka makita nya ang namumuo kong pagluha. At baka hindi ko mapigilan ay maiyak na ako ng tuluyan.

my only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon