"San' ka ng galing......?"Isang boses na halata ang utoridad. Hinagilap ko ang boses at dinala ako ng aking mga mata sa dulo ng hagdan. Nakasalikop ang dalawang braso nito sa dib-dib.
Hayssss. Ang gwapo kong asawa, nasa dulo ng hagdan nakatingin sakin. Mukhang maaga syang dumating. Galing saan? Hindi ko din alam. Since lumipat ako ng kwarto halos ilang linggo nadin ay hindi ko madalas nakikita o nakakausap man lang si Cloud.
Kay Nina nalang ako nakikibalita,ito ang unang nag sasabi about sa asawa ko.
Madalas kasi, pagkatapos palang ng dinner mga alas otso ay sa silid ko na inuubos ang oras.
Kaya madalas hindi na kami nagkikita ni Cloud. At ngayon nga heto sya pababa ng hagdan at hindi natitinag ang pagtitig sakin.
Nasa harap ko na sya ng magbalik ang aking ulirat. At namalayang gadangkal nalang ang layo namin.
Saking pagkabigla ay marahas akong napaatras. Na halos magpawala ng aking balanse. Naagapan naman ako ni Cloud. Kaya mistula kaming naka-pose na animo'y katapusan ng sweet dance.
Nakalagay ang isang kamay nya sa likod ko at ang isa ay sa bewang ko. Titig na titig sya sakin, napalunok naman ako at––
"Ayyy---.......!
Booggggg...
OMG! 0_o dumulas ang paa ko. Kaya ayon nadagdagan ang bigat ko kaya heto bumagsak kaming dalawa.
"Arayy--!
Daing ni Cloud, naalarma ako at agad bumalikwas ng bangon. Ang ipinagtataka ko ay ang kamay nyang kanina ay alam kong nasa likod ko ay naramdaman kong nasa ulo ko na pala.
He save me! >_<
"Grabe ang bigat ng ulo mo, anu pa kaya kung buong katawan mo ang dumag--"
"Ahhhhhhh--"
Napatili ako dahil ayaw kung madinig ang sasabihin nya. Kitang kita ko kung panu nya tinakpan ng dalawang kamay nya ang kanyang tenga.
"What the hell is that Aliah?"
Sabi nya na piniling piling pa nya ang ulo. Mukhang nabasag ko ang eardrums nya. Anu naman?~_~
"Ang bigat muna nga, may balak ka pang basagin ang eardrums ko. Tsk!"
Huminga muna ako ng malalim at balak ng umalis, tatalikod na sana ako ng bigla syang dumaing.
Agad akung napaharap sa kanya. Kitang kita ko ang paghawak nya sa kanyang kamay. Naku po! >< nabalian kaya sya.?
Agad akong bumalik at dinaluhan sya. Hinawakan ko ang kamay nyang tingin ko ay nasaktan.
"Masakit ba?"
Nag-aalangan kong tanong sa kanya.
"Kasi naman, dapat kasi hindi mo nalang ako sinalo yan tuloy nasaktan kapa!"
Agad akong tumayo upang kumuha ng yelo at panyo. Baka kasi mamaga ang kamay nya.
"Cloud may problema ba dito?"

BINABASA MO ANG
my only you
RomanceHindi lahat ng tao nakakahanap ng taong mamahalin at magmamahal sa kanya. Kaya naman pag nakita mo na sya dont be a fool to lose him or her for the sake of your love:) " Alam ko lahat ng ito ay pag kukunwari lang. At lahat ng ito ay upang matupad...