chapter#24 jealous

33 4 0
                                    

Salamat naman at nakapasok na ako ulit.. Ang saya talagang bumalik sa school. Unting panahon nalang gagraduate na ko'.

Malaki ang pinagbago ng mga tao sa paligid ko. Alam ko yong iba ay napipilitang maging friendly lang. Yong iba naman ay halatadong plastic.
May ilang nakikita kong matalim ang tingin sakin, mostly yong mga girls na alam kong patay na patay sa husband ko. Sorry nalang silang lahat coz I'm his wife now. Ang greedy !

halos magdadalawang bwan na kaming kasal ni Cloud, yes we slept together at sa iisang kama. Pero napaka laki ng kamang iyon kaya sa kabilang dulo ako natutulog at hindi ako natutulog hanggat di pa nakakatulog si Cloud. Basta hindi ko lang maintindihan ang sarili ko. At naglalagay pako ng unan sa pagitan namin huh..

Lahat ay parang bumalik na sa normal, At parang hindi kami mag asawa ni Cloud pag nasa school kami, dahil pag gumigising ako sa umaga ay wala na ito sa kwarto namin. At inihahatid nalang ako ng driver at mga body guards, Yes may tatlong body guards ako including Ben.

Nasa labas lang sila ng campus at naghihintay sakin, hindi nako nakakagala man lang kasi pagtapos ng klase deretso uwi na ako. Pag dating ko naman sa bahay ayon wala pa ang magaling kong asawa. Gabi na sya umuuwi at kong minsan ay nakakatulugan ko na yata ay wala padin sya. Pero hindi pa naman sya miminsan hindi umuwi dahil bakat naman sa kama ang bulto nya na natulog din doon ang asawa ko.

Pag nasa school ako ni hindi kami nagkikita ni Cloud, syempre ayaw ko namang puntahan sya sa tambayan nila sa rooftop. Kasi nga nakakahiyang magpunta pako doon para lang makita ang asawa ko. Kaso namimiss ko na si Cloud :(
Ilang araw nadin kaming hindi nagkikita, Nakakainis lang kasi parang sadya nya kong iniiwasan.

"Hey.., friend galawin mo na kaya yang lunch mo, malamig na yan."

Napatingin ako kay Steph at ngumiti. Wala akong ganang kumain ewan ko ba, kahit alam kong wala pang laman ang tyan ko. May napapansin ako sa bff ko ngayon. Madalas syang umuuwi ng mas maaga at ewan ko lang kung sadyang napapansin ko din na parang umiiwas sya pag nakikita nyang dumarating ang mga nights ni Cloud.

Natapos ko din ang kinakain ko sa wakas. Isang oras din kasi ang vacant namin ni Steph kaya minabuti muna naming umupo sa paburito naming lugar, palipas oras ba. Maya maya ay Nagpaalam si Steph at may nakalimutang kong anu daw sa library.
Naiwan akong mag isa at patingin tingin lang sa mga estudyanteng nag rereview, nagkwekwentuhan at kung anu anu pa.

"Baby girl!..."

Narinig kong tawag ng isang tao, pero hindi ko pinansin kasi baka namali lang ako ng dinig, at ng dalawa pang ulit syang tumawag at parang pamilyar na ang boses sakin saka lang ako lumingon sa may ari ng boses. Napakalaki ng ngiti ko ng makilala ko ang taong may ari ng tinig na yon.

Tumakbo sya sakin ng mabilis at napayuko pa ng makarating sa tapat ko. Humihingal at humawak pa sa dib dib. At ng magtama ang mga mata namin ay agad akong tumayo, sinalubong nya ako ng matamis na ngiti at niyakap. Pagalaw galaw pa nya kong niyayakap.

Ako din ay gumanti ng yakap sa kanya. At ng ilayo nya akong bahagya sa kanya ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, At muling niyakap.

"Oh..! I missed you so much baba girl, kala ko talaga hindi kana haharap sa pag tawag ko. Naku magtatampo talaga ako ng sobra." At nagpahaba pa ng nguso.

Oo nga pala, ito nga pala si Nate, childhood friend ko, mas naunang naging friend ko kesa kay Steph. Mga bata palang kami as in super bata eh magkaibigan na kami. Lumipat lang sila ng Australia at doon na tumira, dati every 2years kong umuwi ang pamilya upang magbakasyon dito sa pilipinas ,nito lang mga nakalipas na taon ay hindi umuwi ang kolokoy na to'

my only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon