chapter 43# Nate

25 2 0
                                    

"Sige na Nate, kahit part time job lang.

Pakiusap ko Kay Nathan, a.k.a Nate.

" Baby girl--, kahit dito kana magtrabaho full time.:)"

"Nate naman eh... Pansamantala lang naman hanggang makahanap ako ng magandang trabaho."

"Huh!.... Bakit ka magwowork bff?"

Haysss at sumingit nga iyong bff kong kararating lang at parang hagardness ever. Parang mas may pinoproblema pa kesa sakin.

"Oh ikaw pala Steph, san ka galing at parang sinagasaan ka ng limang truck!"

"There lang, basta jan jan lang friend, change topic bakit ka nga magwo-work dito Kay Nate eh Alam mo nalang kuripot ito.!"

Bigla akong natawa sa sinabi ni Steph na kuripot itong si Nate.

"Hindi kaya ako kuripot, grabe ka Stephanie huh. Pag nagpupunta ka kaya dito sa resto eh ang dami mong kinakain pinababayad ba kita!"

"Hehehe -- peace na Joke lang po yon Nathan, to' naman. Kaya nga Ali napaka generous kaya nitong si Nate diba!, diba."

Napailing nalang ako kay Steph. Bipolar talaga ang taong to'!

Bakit nga ba gusto kong magtrabaho kahit part time lang dito sa resto ni Nate? Kasi gusto kung malibang.

Halos araw araw ay wala si Cloud sa bahay at kung andon man sya ay umiiwas nalang din ako, halos dalawang linggo na kaming ganoon ang set-up

Minsan pa ay nakita ko syang may kasamang babae sa mismong bahay namin huh. Pero sinikap kong wag ipahalata na nasasaktan ako. At ang minsang pagdaka nya ng babae ay naulit pa ng ilang beses.

Ang ikinatutuwa ko lang ay ang kaalamang hindi sa dating kwarto namin pinapatulog ang mga babaeng iyon.

Gusto ko ng kaunting hangin. Gusto ko man na laging makita si Cloud, ay pilit kong iwinawaksi dahil sa kakaibang Cloud na nakikita ko. Napaka iba, ibang iba talaga.

Kaya heto ako ngayon at nagbabakasakaling tanggapin ni Nate.

Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang dalawang taong masasabi kong importante sakin.

"Ang takaw mo naman Steph."

"Hindi kaya, grabe sya"

"Baby girl, sige if part time lang talaga eh di sige. Pero--"

Kinabahan ako ng kaunte sa pero ni Nate.

"Pero--, smile muna jan oh panu kita ilalagay bilang guess associate if Hindi ka nakangiti."

my only youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon