2

67 4 11
                                    

/imagine niyo nalang po na si aishen yan na nasa lap ni sehun..hehe!thanks!/

Sehun's Pov:

Pagkalabas ko nang bahay nila shin,nagtinginan sakin ang mga hyungs ko.

Nagtatanong ang mga mata nila,kung ano ba ang nangyari.

Nagkibit balikat nalang ako at walang kibo na umupo sa bakanteng upuan na iniwan ko kanina.

Tumabi naman agad sakin si sulli.

Tsk!oo na,aamin na ako,kaya nandito si sulli kasi,tuloy pa din ang plano namin na pagselosin si shin.

Si sulli ang nakaisip nito,at pumayag naman ako.

Wag kayong mag alala,matagal nang nakamove on sakin si sulli.

Eto pa,may boyfriend na din siya noh,at si minho hyung yun.

3 yrs. Na din sila,alam din ni hyung ang plano namin ni sulli.

Kaso,mukhang gusto ko nang itigil kasi,wala naman akong nakikitang sign na nagseselos si shin.

Kahit nung sumama sakin si sulli na umuwe nang pilipinas two months ago,wala pa din,hayst!

Katabi naman ni sulli si minho hyung at nagkukwentuhan sila.

Ako naman tahimik lang,habang hinihintay ang mag ina ko na lumabas.

Maya maya pa..

Lumabas na silang mag ina,bagong palit na nang damit si aishen maging si shin.

Kaya dumiskarte na ako para ako ang makatabi nilang mag ina.

Sinenyasan ko si sulli na lumipat na sa kabilang upuan,na katabi pa din si minho hyung.

Si roxie naman ang tiningnan ko,maging si baekhyun hyung.

Isang tinginan at senyasan lang nagets na agad nila ang gusto ko'ng sabihin.

Kumilos na si roxie para salubungin si shin at aishen.

Si baekhyun hyung naman,sinakop ang isa pang bakanteng upuan para di doon umupo sina shin.

"Hayyy!sarap!patong ko muna yung mga paa ko,nakakangawit kasi!"-baekhyun hyung.

" seriously baekhyun,nangawit ka na nyan?"-chen hyung.

Pinalo naman siya ni baekhyun hyung sa balikat at inginuso sina shin na medyo malayo pa sa kinapupuwestuhan namin.

"Haha!oo nga!oo nga,nakakangawit!makapagtaas na nga din ng paa,woooah!sarap!"-chen hyung.

Naguguluhan naman na tiningnan silang dalawa ng ibang hyungs ko.

Napafacepalm naman ako seriuosly?!halatang halata sila.

Sinenyasan din sila nila baekhyun hyung at mukhang nagets naman nila ito.

Hayst!sabay sabay din silang tumawa sabay iling,ginaya din nila sina chen hyung at baekhyun hyung nagsitaasan na din sila ng mga paa sa mga bakanteng upuan,maging ang mga girls,ganon din ang ginawa.

Buti mga nakapantalon sila,kungdi,napagalitan na sila ni tita divina.

Kaya paglapit nina shin,aishen at roxie,wala nang available na upuan,kung di ang nag iisang nasa tabi ko.

Bwahaha!napa-evil laugh nalang ako sa isip ko,pero hindi makikita sa mukha ko ang saya na tagumpay ang plano ko.

At kasabwat ang mga hyungs ko..wahehe!

The Once In A Lifetime Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon