4

48 4 5
                                    

Kai's Pov:

Ang saya ko!promise!sa wakas,nagkalinawan na din kami ni bubbles,after four years.

Ngayon ang first day namin as baby sitter ni aishen,oo,tutulungan ko si sehun mag alaga sa anak nya.

Nandito kami ngayon sa dorm,kagabi nga dito na natulog si aishen,sina kiann at bubbles naman,kanina pa umalis papuntang airport.

Hindi na sila nagpahatid pa,kaya ayun,ang ending nandito lang kami sa dorm.

Sina sehun at aishen naman,mukhang tulog pa.

Mapuntahan na nga sila sa kwarto ni maknae.

Hmm..pagdating ko sa harap ng pintuan nila,kakatok na sana ako nang makita ko na nakaawang ang pinto ng kwarto ni maknae.

Kaya itinulak ko nalang at bumungad sakin sina sehun at aishen.

Natawa ako sa posisyon nila sa pagtulog.

Nakatihaya si sehun habang si aishen naman,nasa ibabaw ng dibdib niya,as in nakadagan sakanya.

Haha!ang cute nilang tingnan,wait mapicturan nga.

At ayun,nang mapicturan ko na,lumabas na ako ng kwarto.

Hihintayin ko nalang na magising sila.

Mukhang mamaya pa eh,nagsama ang matakaw sa tulog.

Hay naku.

Kaya bumalik nalang ako sa kwarto namin ni kyungsoo hyung.

Pagpasok ko,nakita ko si kyungsoo hyung,mukhang malalim ang iniisip.

Kaya tinawag ko siya,hindi niya kasi napansin ang pagpasok ko sa loob ng kwarto namin eh.

"Hyung!"-

" ay uling na nagsasalita!"-gulat na sabi ni kyungsoo hyung!

"Naman hyung,sa dami ng pwedeng sabihin,yan pa talaga naisip mo?!teka nga,mukhang malalim ata ang iniisip mo,na kahit pagpasok ko s kwarto natin kanina,hindi mo napansin."

"Tsk,sorry,kasi naman bigla ka nalang sumusulpot dyan,uhm,hindi pa ba gising yung dalawa?sabagay maaga pa naman."-kyungsoo hyung.

" oo hindi pa,saka hyung wag kang changr topic,bakit nga?ano bang iniisip mo?"

"Hayst!kulit mo talaga,oo na,si trisha na ang iniisip ko,kanina,kasi naman,hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit o anong dahilan kaya siya nakipaghiwalay sakin noon,alam mo yun,apat na taon,pero,ni isang dahilan,wala siyang sinabi sakin,hayst!tapos,nung nasa welcome party tayo nila kiann,kung iwasan niya ako,ganon nalang,minsan naisip ko,may pagkukulang siguro ako sa relasyon namin noon,kaya iniwan niya nalang ako basta."

Kitang kita ko sa mukha niya ang lungkot at sakit.

"Alam mo hyung,hindi dahil sa may pagkukulang ka,kaya ka iniwan nalang basta ni trisha,baka may malalim syang dahilan,malay natin,dumating din yung araw na sasabihin nya sau kung ano yun,konting hintay pa hyung,ano ba naman yung four years na pinaghintay mo,ayan na oh,andito na sya ulit,kaya hintay ka lang hyung,tingnan mo ako,di ako nainip,kasi alam kong dadating din yung time,at dumating na nga,nagkalinawan na kami ni bubbles,kaya hyung,wag ka nang malungkot ha."

"Ewan ko jong in,bahala na,hayst!dyan ka na,magluluto na ako,para paggising nila,may makakakaen na,mukhang matakaw pa naman si aishen,lagot tayo kay kiann kapag ginutom natin ang anak niya."

Tumayo na siya at iniwan ako,kita mo yan si hyung,pinayuhan na,nilayasan pa ako,tsk tsk tsk.

Kaya lumabas na din ako ng kwarto namin at sumunod sakanya at naupo nalang ako sa sopa,binuksan ko yung tv,nanood nalang ako,hindi naman ako marunong magluto eh.

The Once In A Lifetime Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon