19

33 4 6
                                    


Leeteuk's Pov

"What?!paano'ng nagkaproblema sa venue ng kasal namin?akala ko ba finalized na?!bakit sinasabi mo na nagback out yung place na gaganapan ng kasal?!"

"Un na nga sir,pumayag na sila na dun ganapin ang kasala niyo sa place nila,kaso lang po,natapat po na kasal din pala nung may-ari nung resort na yun ang ikakasal,nagkamali po yung tauhan nila,akala po,sa susunod na araw pa,kaya ayun po,last minute nagback out sila."

"Hayst!paano na yan?wala na ba tayong mahahanap na ibang place?!wala na ba'ng ibang resort na pwedeng makuha para sa venue ng kasal namin ni sora?"

"Meron naman po sir,sinabi ko lang po sa inyo yun,para po hindi na kayo mabigla,kung mababago man ang place,may nakuha na po akong ibang resort,kaya problem solve na,binalita ko lang po sa inyo,wag na po kayong mag-alala,settle na po ang lahat,kaya relax na po kayo,baka magmukha po kayong stress sa araw ng kasal niyo."

"Hay,mabuti naman,siguraduhin mo lang,nako,baka si sora ang mastress kapag napostpone ang kasal."

"Ok na ok na sir,kung gusto niyo,pwede na po kayong magstay doon ngayon palang,naipabook ko na po kayo,pero pwede din po na 3days bago ang kasal niyo saka kayo magpunta doon sa resort,nasa sa inyo po yun sir,para makapag family bonding din kayo."

Napaisip ako sa sinabi nya,oo nga noh?bakit nga ba hindi? Mukhang kailangan namin ang magbonding,lalo na sina bubbles at kiann,isama pa sina roxie at trish,si aishen,naku,hindi ko pa gaanong nakakasama ang batang yun,kasi sa pilipinas sila nakasettle,hmm..

"Ok,salamat,kakausapin ko muna ang mga kapatid ko,para malaman kung payag ba sila,salamat."

"Walang anuman sir,trabaho ko po yun,na ayusin lahat ng detalye sa kasal,at sa kung anuman ang magiging problema,saka po para sa bonding ng pamilya niyo."

Pagkatapos nun,binaba ko na ang tawag,hmmm,hayy,salamat naman,at ok na lahat,akala ko magkakaaberya sa kasal namin ni sora,ang tagal din namin pinagplanuhan 'to.

Akala ko,hanggang wgm nalang kami,akala ko,hindi kami aabot sa totoong kasalan.

Umpisa palang na ginawa namin yung wgm 4years ago,tinamaan na ako sakanya,kasi naman,ang ganda nya nung araw nang first meeting namin sa movie theater,stunning talaga sya.

Hanggang sa umabot na matatapos na ang wgm,kasi papasok ako ng military,nag-usap kami ng personal after ng shooting namin,as in kaming dalawa lang,yung wala nang mga camera sa paligid,at umamin ako sakanya na nafall na ako sakanya,habang ginagawa namin yung wgm,at inamin nya din na parehas lang kami ng nararamdaman.

Kaya nung araw na yun,nangako ako sakanya na paglabas ko ng military,babalikan ko sya at magpapakasal kami.

Laking pasalamat ko nga at hinintay nya ako eh.

Hindi sya naghanap ng iba,kasi di ba,actress sya,madami syang makakapereha na actor din,na paniguradong hindi maiiwasan na mainlove sakanya,pero,ayun na nga,ako pa din ang hinintay nya,kaya ora-orada paglabas ko ng military,plinano agad namin ang kasal,ayoko nang maunahan pa ako ng iba.

Natigil ako sa pag iisip ko ng magring ang cellphone ko.

Inabot ko agad ito na nakapatong sa lamesa,at tiningnan kung sino ang caller ko.

Nakita ko'ng si sehun pala,teka,kinabahan ako bigla ang,mukhang may problema na naman.

Nagbuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag niya.

The Once In A Lifetime Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon