Kyungsoo's PovHindi ko napigilan ang sarili ko at sinundan ko na siya palabas.
Naabutan ko siya na umiiyak at tulala lang,habang nakaupo dito sa labas ng kwarto nila kiann.
"Trisha..mag-usap naman tayo oh.."
Nilingon niya naman ako,habang walang humpay ang pagpatak ng luha niya.
Nasasaktan ako sa nakikita kong pag-iyak niya.
"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan kyungsoo?wala na naman di ba?malinaw naman na iniwan kita four years ago."
"Merun tayong dapat pag-usapan,trish,how about us?wala lang ba sayo yun?yan pa,iniwan mo nga ako noon,pero anong dahilan?sa pagkakaalala ko,wala akong ginawa sayo para iwan mo nalang ako ng basta basta."
Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko.
Kasi,kasi,kasi..ah basta yun na yun.
"Us?!merun bang tayo,do kyungsoo?!"
Nagulat ako sa tanong niya.
"Bakit trisha?ako lang ba ang nag-expect noon?na merong tayo?ako lang ba ang nag isip noon na girlfriend kita?ako lang ba ang nagmahal sa ating dalawa?"
Nakayuko ako habang tinatanong ko sya.
Naiiyak na kasi talaga ako,nasasaktan din.
"Wow!just wow!at sayo pa talaga nanggaling yan?hindi ba dapat ako ang magsabi nyan?ang magtanong nyan?kasi sa pagkakaalam ko,ako ang nagamit at naloko dito."
"Ano bang pinagsasasabi mo?!hindi kita maintindihan!anong naloko?anong nagamit?!linawin mo nga sakin yan!"
"Grabe,actor ka nga do kyungsoo,ang galing mo'ng umarte,as if wala kang alam at inosente ka,ang galing,epektib ah,pero,hindi mo ako makukuha sa pag arte mo nang ganyan!"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naman ang masaganang pagpatak ng luha niya,kaya naman napaiyak na din ako ng tuluyan.
Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya.
"Please trisha,once and for all,gusto ko'ng malinawan kung bakit mo ako iniwan,ano ba'ng nagawa ko sayo noon?!"
Pakiusap ko sakanya.
"Itatanong ko lang kyungsoo,totoo ba?totoo ba'ng ginamit mo lang ako para lalo kayong sumikat ng mga kagrupo mo?totoo ba'ng pinaglaruan at niloko mo ako?!"
Nabigla ako sa tanong nya,kaya hindi ako nakasagot agad.
"So,totoo nga,totoo yung narinig ko na pinag uusapan nila luna at krystal sa cr noon,i knew it!sinasabi ko na nga ba,haha!ang tanga ko talaga,bakit ko pa nga ba tinanong sayo,kahit alam ko na ang totoo."
"T-teka!hindi totoo yan,mahal kita kaya niligawan kita!hindi kita ginamit,niloko o pinaglaruan noon,hindi ko magagawa sa'yo yun!"
"Talaga?ayokong paniwalaan ka,sorry,kasi,isipin ko mang mabuti,hindi ko magawang paniwalaan ka eh,alam mo kung bakit?kasi,ikaw daw mismo ang nagsabi kay luna ng plano mo'ng gawin sakin."
"Ganyan ba ang tingin mo sakin?na manggagamit ako ng tao,para lang mas sumikat pa?trisha naman,mas pinaniniwalawn mo ang sinasabi ng ibang tao,kesa sakin?!
Yun ba yung rason,kaya iniwan nya ako?!
" hindi ko alam,kyungsoo,hindi ko alam,at yan ang rason ko kaya iniwan kitq four years ago."
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
FanficAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...