Third Person's Pov:Nagkagulo na nga habang si Kyungsoo ay nakalapit na kay Trisha..
Si Sehun naman nilapitan ang asawa na wala na din malay..
Kinakabahan siya habang sinisipat ang tama ng baril sa katawan ng asawa.
Maging si Kyungsoo ay ganon din ang nararamdaman..
"Tumawag kayo ng ambulansya! Kailangan madala ng asawa ko sa ospital!!!!"
Sigaw ni Sehun habang binubuhat si Kiann na panay ang tulo ng dugo sa parteng dibdib kung saan siya tinaman nung binaril siya ni Sulli.
Ganon din ang ginawa ni Kyungsoo,binuhat niya si Trisha na may tinamaan sa balikat ng bala ng baril.
Nagmamadali na tumakbo sina Sehun at Kyungsoo habang buhat buhat sina Kiann at Trisha.
Alerto naman sina Baekhyun at Chen.
"Sehun,Kyungsoo,sa van nalang,para mas madaling maisugod sila sa ospital."-Baekhyun.
At yun na nga..
Sumakay na sila sa Van at si Chen ang nagdrive..
Kasama sina Bubbles,Roxie at Crystal.
Naiwan naman ang iba para malaman nila ang nangyayari.Sa kaguluhan na nangyari,nahuli sina Sulli at ang tauhan nito na bumaril kay Trisha.
"Hahahahaha! Kahit mahuli niyo ako,mamamatay na din naman si Kiann!!!!Hahahaha!!! Kahit makulong ako,wala na ako'ng pakealam!!!!"- Sulli.
Lumapit sakanya si Cristine at sinamapal ito.
"Para yan sa ginawa mo kay Ate Kiann."
Sinampal ulit ni Cristine si Sulli sa kabilang pisngi nito.
Sa lakas nang pagkakasampal ni Cristine dumugo ang labi ni Sulli.
"At yan para sa kapatid ko na binaril ng tauhan mo!wala ka'ng karapatan na saktan sila!"
Galit na galit na sabi ni Cristine.
"Hahahaha! Wala?! Bakit?! Si Kiann ang may kasalanan ng lahat! Inagaw niya si Sehun sa akin! Mang aagaw siya!!!"
Ganting sabi naman ni Sulli habang hawak siya ng dalawang pulis.
Sasamapalin sana ulit ni Cristine si Sulli pero inawat na siya ni Luhan.
"Babe,tama na,hayaan mo na ang mga pulis na dalhin siya sa presinto,sayang lang ang effort mo sa mga taong katulad niya."-Luhan.
"Hahahaha!mamamatay na si Kiann, ang saya saya! Sakin lang si Sehun!"-Sulli.
Paulit ulit niya'ng sinasabi yan.
"Mr. Lee,pasensya na sa gulong ginawa ng anak ko,kung anuman ang parusang ibibigay niyo sakanya tatanggapin ko,alam ko na may kasalanan ang anak ko sa pangyayaring ito at hindi ko sya kukunsintihin."
Hinging paumanhin nang Daddy ni Cindy sa Uncle ni Kiann.
"Alam ko,mukhang may problema ang anak mo Mr.Cheong na kailangan masulusyonan."Mr.Sooman.
Napatango naman si Mr.Cheong.
Alam niya na may sakit ang anak.
Bipolar disorder.
Kaya nagawa ng anak niya ito.
Ang manakit at maging sakim.
Nasa isip niya na kailangan maipagamot ang anak.
Binalingan naman ni Mr. Cheong ang parents ni Kiann na nakikinig lang sa pag uusap nina Mr. Cheong at Mr. Sooman.
"Mr. and Mrs. Park,im sorry,hindi ko akalain na kasabwat ng anak ko si Sulli,pasensya na talaga."
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
FanfictionAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...