29 (Wedding Day)Part 1

43 3 4
                                    

/imaginin niyo nalang po na yan ang gown na suot ni kiann,and yan naman blue ang motif nang kasal,yan din ang suot ng mga girls,/

>>>>>>

Kiann's Pov

Inaayusan na ako ng isa sa hairstylist na hinire nila mama.

Hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na kami ni sehun.

As in isang oras nalang,magaganap na ang kasal na hindi ko akalain na mangyayari pa.

Nagflashback sa isip ko ang lahat ng nangyari fours years ago.

Kung saan,hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ni sehun.

Ang nag iisang childhood sweetheart ko.

Hindi ko alam na sa pilipinas pa talaga kami muling magkikita.

Na babalik pa ako ng korea noon,pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin..

Dito din pala kami hahantong,sa kasalan din pala ang tuloy namin.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon.

Halo-halo eh!tsss.

Pero,ang pinaka point ko,is hindi nagsawa si sehun na mahalin ako.

Hindi sya sumuko dahil lang sa iniwan ko sya noon.

Kaya nagpapasalamat ako kay lord na ganito ang nangyari.

Napangiti ako,habang nakatingin sa salamin.

Ibang Shinri na ang nakikita ko'ng repleksyon ko sa salamin.

Masayang shinri,yun na yun.

Hayyy..

Hindi ko maiwasan na isipin din kung bakit sya tumawag sakin.

Ano ba ang gusto nya'ng sabihin?

Ano ang hindi ko alam na tungkol kay sehun?

Mali din ako eh,dapat pinatapos ko muna sya sa sasabihin nya sakin.

Tsss..masisisi niyo ba ako?eh matagal ko na sya'ng kinaiinisan.

Noong mga bata pa kami,i mean,highschool pa lang kami.

Sya ang dahilan kung bakit kami nagkalayo ni sese noong trainee days palang nila.

Yep,iisa lang naman at tama kayo ng hinala.

Si sulli,sya ang tumawag sakin.

Tsss..

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nya'ng palabasin.

Manggugulo na naman ba sya?hindi ba may boyfriend na sya,so,ibig sabihin,nakamove on na sya sa pagiging luka-luka nya kay sehun.

Tss..tama na nga,baka ma-stress lang ako,pumanget pa itsura ko mamaya,tss.

Nang makita ko'ng unti-unting bumukas ang pintuan.

Pumasok sina mama at papa,naks,iba pa din sa pakiramdam ko kapag nakikita ko silang magkasama.

Wag kayo,hindi ako galit,kasi matagal ko nang napatawad si papa,at naipaliwanag na naman sakin kung ano ba talaga ang nangyari noon.

Parehas silang nakangiti sakin,halatang masayang masaya sila.

Hindi ko namalayan na tapos na pala akong ayusan,kaya tumayo na ako,para lapitan sina mama.

Sinalubong naman ako agad ng yakap ni mama.

The Once In A Lifetime Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon