Kai's Pov
Sa wakas gising na sila,pero bakit ganon?
Yakap ko si bubbles at tinutulak nya ako..
"T-teka,sino ka ba?kaano ano ba kita?!"
Tanong ni bubbles sakin.
"Ako 'to,si jong in!boyfriend mo ako,hindi mo ba ako natatandaan?!"
Pakilala ko sakanya,anong ibig sabihin nito?!
"Ate kiann..."
"Ate roxie..."
Bigla syang tumayo sa pagkakahiga niya at lumipat sa kama ni kiann.
Yumakap sya dito,at sinabi ang mga salitang nagpaguho sa mundo ko.
"A-ate,sino siya?hindi ko siya kilala,ate,natatakot ako,wala akong maalala,maliban sayo,ate..."
Naiiyak nyang sabi,nangilid ang mga luha sa mata ko.
Akala ko pa naman magiging ok na ang lahat,ngayong gising na siya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Ang babaeng mahal ko,hindi na ako maalala.
"Ppppffftttt..wahahaha!hoy uling ang emo mo talaga kahit kelan!tigilan mo nga yan,kaloka!ang member ng exo at dancing machine ng grupo,umiiyak lang dahil sa sinabi ko!haha!"-bubbles.
Hinila ko siya at niyakap ko ng mahigpit.
Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.
Sa pag aakala ko na hindi niya ako naalala.
Grabe ang kaba sa dibdib ko!sobrang lakas.
" grabe ka,nakuha mo pa akong biruin ng ganon!kabadong kabado na nga ako kahapon pa,akala ko iiwan mo na ako,wag kang ganon."
Umiiyak ko pa ding sabi sakanya,naramdaman ko naman na niyakap niya din ako pabalik.
"Hayyyy,ang iyakin mo pala noh?!pwede ba naman na makalimutan kita?eh sa apat na taon nga,di ko nagawa,sa isang araw pa kaya,tumahan ka na dyan,at ichecheck na ako ni dok."
Umayos naman ako at pinunasan ko na ang mga luha ko.
Grabe talaga ang babaeng 'to,hayyy..kung hindi ko lang mahal 'to,naku!.
Chineck na nga siya ng doktor at ok na rin naman daw si bubbles,pahinga na lang daw katulad ni kiann.
Pag-alis ng doktor at si roxie naman ang ichecheck,hinawakan ko ang kamay ni bubbles.
"Ano bang gusto mong kainin?bibili ako sa canteen."
Sasagot na sana si bubbles nang sumingit sa usapan namin si roxie.
"Ay naku bubbles,mas mabuti pang wag ka nang kumaen o wag mo na payagan yang si kai na bumili ng pagkaen sa canteen,baka mamaya niyan,mahuli mo din na nakikipaghalikan yan sa ibang babae katulad ng ginawa nung isa dyan!bibili daw ng pagkaen,pero makikipaghalikan lang pala sa hallway nitong ospital!at intense pa,kulang nalang,pumasok na sa isang kwarto at gumawa nang milagro."-roxie.
Natahimik naman kami sa sinabi niya,kasi alam namin ang pangyayari na yan.
" jagi naman,hayaan mo kasi akong magpaliwanag,mali ang iniisip mo,hindi ganon yun."-sabat naman ni baekhyun hyung.
"Tumigil ka,hindi ko kailangan ang paliwanag mo,at wag na wag mo na akong tatawagin nang ganyan,dahil break na tayo,kahapon pa!kaya umalis ka dito,ayoko na makita ka pa."-mataray na sabi ni roxie.
" hindi!hindi ako aalis dito hangga't hindi mo pinapakinggan ang paliwanag ko,at mas lalo na hindi ako makakapag na hiwalayan mo ako."-matatag na sabi ni baekhyun hyung.
"Pwes,bahala ka sa buhay mo,basta para sakin,wala nang tayo."-roxie
Sabay talikod ng higa kay baekhyun hyung.Napabuntong hininga naman si baekhyun hyung at tumabi nang higa kay roxie.
" ang kulit mo din noh?!sinabi ko nang umalis ka na,pero,mukhang nananadya ka pa,humiga ka pa talaga dito!alis!"-sabay sinipa si baekhyun hyung,at nalaglag naman ito sa lapag.
"Aray ko huh?!pasalamat ka mahal kita,kung hindi?!"-baekyun hyung.
Inirapan lang siya ni roxie at humiga na ulit sa kama na nakatalikod samin.
Hinayaan nalang namin sila,mahirap makealam kasi,malaki ang kasalanan ni baekhyun hyung at ayaw naman namin na pangunahan si roxie sa desisyon niya.
Binalik ko naman ang tingin ko kay bubbles,tulog na pala siya hindi ko man lang namalayan.
Napangiti na ako,buti nalang maayos na ang lagay niya.
" jong in hyung,mauna ka nang maligo,pagkatapos mo,ako naman,sige na,kumilos ka na hindi mawawala si bubbles,may magbabantay naman sakanya habang wala ka."-sehun.
Tumango naman ako,at hinalikan si bubbles sa lips,wahehe!minsan lang ito..hihi!
Shhhh!wag kayong maingay ah!satin satin lang 'to..hehe!
Langya,kinilig ako dun ah!haha!
"Hoy,uling,mahiya ka nga andito sina tita oh!sukat sa lips mo pa hinalikan,pwede naman sa pisngi o sa noo lang,walangya kinilig tuloy kami,takte na yan!haha!"-tao hyung.
Nahiya naman ako sa sinabi niya,haha!
Tiningnan ko si tita,nakangiti lang siya sakin,si tito naman,seryoso.
" jong in,sasabihin ko na 'to sayo,nagalit ako sayo nung iniwan mo ang anak ko four years ago,sa ospital sa pilipinas,nasaktan siya,pero sana,this time,hindi na maulit un,saka,kung halikan mo ang anak ko,parang kayo na ulit lufet mo uy!manligaw ka muna."-tito robert.
Napatawa naman ako dun.
"Opo tito,gagawin ko po talaga yan,kahit hindi po nyo sabihin,nangangako po ako sa inyo na hindi ko na sasaktan si bubbles,nagkamali po ako talaga nung iniwan ko sya,kaya po ngayon,inaassure ko po sa inyo na aalagaan ko po ang anak niyo at mamahalin,wala na po kayong dapat ipag-alala."
Napangiti naman siya sa sinabi ko,naiintindihan ko siya kaya nya nasabi yan,dahil ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang anak nya.
"Oh,ano pang hinihintay natin,kasalan na,ihanda na ang kalabaw,paghati-hatian na natin!"-crystal.
" oh teka lang bago niyo ipakasal sina jong in at bubbles,kami muna ni shin ang mauuna,ano kayo?!sinuswerte?!"-singit ni sehun sa usapan.
Luh kala ko may sariling mundo siya.
Hay..makaligo na nga..haha!para fresh na ako pagkagising ulit ni bubbles.
Pumasok na ako sa banyo,narinig ko pa na kinakantyawan nila si sehun.
Sana,ganito nalang kami,masaya,sama sama!haha!
"Umalis ka dyan sabi!ang kulit mo!"-roxie.
Nilingon ko pa sya at nakita kong tinutulak niya si baekhyun hyung paalis sa kama niya.
Napatawa nalang ako at pumasok na sa cr para maligo.
=========================================================================================================
Done chapter 7
Sorry kung maikli lang.
Sorry for the typos.
Not edited.
Triple update gagawin ko ngayon.
Tinatapos ko lang ung pov ni baekhyun at iuud ko na.
-chichay-
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
Hayran KurguAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...