61

44 2 8
                                    


Trisha's Pov:

Unti-unti ko'ng minulat ang mga mata ko.

Inilibot ko ang paningin sa kinaroroonan ko at napaga-alaman ko na nandito ako sa hospital at naramdaman ko na may nakahawak sa kanang kamay ko..

Sinulyapan ko ito at nakilala ko kung sino..

Si D.o Kyungsoo..

Ang lalaking sa simula palang mahal na mahal ko na..

Ang lalaking nagsakripisyo para sa akin.

Pero..

Bumalik sa alala ko ang lahat nang nangyari bago pa kami dinala dito sa hospital ngayon.

Kung paano sinaktan ni Cindy si Kiann Unnie.

Kung paanong naging kasabwat ni Cindy si Sulli.

Kung paanong nalaman ko ang lahat..

Lahat nang pangyayari kung bakit napahamak si Roxie Unnie at Bubbles Unnie.

At ang pinakamasaklap ay yung pagkakabaril ni Sulli kay Kiann Unnie

At narealize ko na nang dahil sa akin.

Nang dahil sa galit sa akin ni Cindy kaya nangyari sakanila yun.

Nag-flashback sa akin ang lahat lahat.

Kung paano kami pinakidnap ni Cindy..

Kung paano niya kami sinaktan ni Kiann Unnie.

Dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa sakanya.

Maging si Sulli,walang kasalanan sakanya si Kiann Unnie pero ano'ng ginawa niya?!

Ang pagkakabaril sa amin ni Kiann Unnie ang hinding hindi ko makakalimutan.

Nagmahal lang naman kami ni Kiann Unnie at minahal kami pabalik ng mga taong mahal namin.

Napakitid ng utak nila.

Unti unti ako'ng bumangon.

Sinilip ko si Kyungsoo at nakita ko'ng tulog na tulog siya.

Naramdaman ko din ang pagkirot ng sugat ko gawa ng pagkakabaril sa akin nung tauhan ni Sulli.

Pati na din ang mga pasa sa mukha ko kahit hindi ko pa ito nakikita.

Pati ang ulo ko masakit gawa ng pagkakasabunot ng mahigpit sakin ni Cindy.

Inilibot ko ulit ang paningin ko at nakita ko si Kiann Unnie na tulog na tulog.

Maging si Sehun Oppa,tulog din at nakahawak sa kamay ni Kiann Unnie.

Napangiti naman ako sa ayos nilang dalawa kahit masakit ang gilid ng labi ko.

Kitang kita ko din ang mga pasa sa mukha ni Kiann Unnie.

Pero laking pasasalamat ko na ligtas siya dahil nakikita ko siya.

Hindi niya kami iniwan maging ang baby niya ay ligtas din.

Halata na ang baby bump niya eh.

Kaya ayun.

Sunod ko naman tiningnan ang nasa kabilang kama.

Magkatabi sina Bubbles Unnie at Roxie Unnie.

Tulog na tulog din silang dalawa.

Tapos sina Jong In Oppa at Baekhyun Oppa magkatabi sa sofa.

The Once In A Lifetime Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon