Bubbles PovNag iikot ikot na sina ate kiann at sehun sa bawat lamesa ng mga guest nila,kaya naman kami,naghihintay nalang na lapitan nila.
Magkakasama kami sa iisang lamesa nila ate roxie,as in lahat kaming girls,ang exo naman,nakabukod din ng lamesa.
Panay ang sulyap ni kai dito sa gawi ko.
Hay nako,if i know,gusto na nyan lumapit at dito maupo.
Nang magtama ang paningin namin,nginitian ko nalang sya.
Natigilan naman sya,at tila nahihiya pang ngumiti.
Jusko!pacute eh,haha!
Napailing naman ako sa ginawi nya,hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko na sya ngayon.
Na ok na ulit kami,na nagkakausap na kami.
Minsan din naisip ko kung hindi kami naghiwalay noon,ano na kaya kami ngayon?
Ikinasal na din kaya kami o ano?
Napabuntong hininga nalang ako.
Pinag iisapan ko kung tama ba na bumalik na ako sakanya.
Katulad nang napag usapan namin noon,bago pa ikasal sina ate kiann at sehun.
Pauunahin muna namin sila na magkaayos,after naman ng kasal,saka kami mag uusap.
Sa totoo lang,nagdadalawang isip pa ako,lalo na sa nakikita ko ngayon na ginagawa nya.
Na kausap ang isa sa member ng red velvet na si joy.
Oo kausap lang,pero sa nakikita ko,wala pa man,hindi pa man sila nagcocomeback,inuumpisahan na nila ang pagfafan service.
Kasi kung makangiti sina kai at joy sa isa't isa,eh kala mo,sila lang ang nandun,i mean sila lang dalawa ang tao dun.
Bagay na bagay silang tingnan,promise.
Nang maramdaman ko na parang lilingon si kai sa gawi ko,inalis ko na ang pagkakatingin sakanilang dalawa.
Baka isipin pa ni kai,eh binabantayan ko sila,habang nag uusap,tsss.
Hindi noh,bakit ko naman gagawin un,eh hindi ko naman sya boyfriend,tsss..
Pagbaling ko kay ate roxie,nakasimangot sya,habang nakatingin sa kung saan.
Kaya sinundan ko ang tinitingnan nya,at ayun,nakita ko si taeyeon na nakaupo na sa mesa kung nasaan ang EXO.
At ito pa,kay baekhyun sya nakatabi,habang nakikipag kwentuhan sa ibang members ng EXO.
Kaya pala,todo simangot si ate roxie,haha!ayan kasi,ayaw pa bigyan ng second chance si baekhyun.
Pinagmasdan ko naman si baekhyun na pormal na pormal.
Hmmm..i smell something ah!mukhang pinapatunayan ni baekhyun kay ate roxie na wala na talaga si taeyeon sa puso nya at si ate roxie na talaga ang mahal nya.
Pero hindi yun ang nakikita ni ate roxie,kasi nabubulag sya ng selos,hayyy.
Sa lalim ng pag iisip ko at pagmamasid sa mga nagaganap,hindi ko namalayan na nasa table na pala namin sina ate kiann at sehun.
Todo alalay si sehun kay ate grabe sya~ haha!
"Sehun,makakaalalay kay bhesie wagas?ano yan,di makakapaglakad,haha!"-kantyaw ni ate crystal kay sehun.
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
FanfictionAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...