The Last Chapter 😘😘😘

34 5 2
                                    

(A/N: please play the video on multimedia habang binabasa niyo ito, last chapter na.. kaya salamat sa inyong lahat!)

---------

Kiann's Pov

Malipas ang tatlong oras nandito na kami sa Beach Resort na sinasabi ni Suho.

Akay akay ko si Aishen habang naglalakad kami dito sa tabing dagat.

Iniwan namin kay Sehun ang mga gamit namin at siya na ang bahala na magdala sa Room na para samin.

Naramdaman ko na hinila ni Aishen ang kamay ko.

Kaya napatingin ako sakanya.

"Mom, ang saya ko po."

Todo ang pagkakangiti niya sa akin kaya naging cresant moon ang mga mata ng anak ko.

Napangiti naman ako dahil sa ang cute cute niya.

"Talaga? Gaano ka kasaya? Sige nga sabihin mo kay Mommy."

Binitiwan niya ang kamay ko at idinipa niya ang malilit niya'ng braso.

"Ganito po! Ganito po ako kasaya, una po dahil sa kumpleto na po tayo, may Daddy na po ako, tapos po may Baby Brother/Sister na po ako, tapos po hindi ko na po kayo naririnig na laging umiiyak."

Biglang napalitan ang ekspresyon ni Aishen nang matapos niya'ng sabihin yan.

Lumungkot ito habang nakatingala sa akin.

"P-pero, kanina po, nung bago tayo umalis, nakita ko na naman po na umiiyak kayo, dahil po sa napanood natin si Daddy na may kasama po na girl sa tv, Mom.. alam ko po na nasasaktan kayo, kasi hindi naman po kayo iiyak kung hindi po kayo nasaktan kanina di ba po?"

Napatitig ako sa anak ko.

Hindi ako makapaniwala na ganyan na talaga siya ka-mature mag isip, at napaka-observant niya sa lahat ng nangyayari.

Hindi ko din alam kung ano ang isasagot o sasabihin sakanya.

For the first time na-speechless ako sa harapan ni Aishen.

Kung dati madami akong nakahandang sagot sakanya kapag nagtatanong siya sa akin tungkol sa Daddy niya.

Ngayon wala ako'ng mahagilap na sagot.

Kitang kita sa mga mata ni Aishen na ang lungkot lungkot niya.

"Mommy, sapalagay niyo po ba iiwan tayo ni Daddy? Sasama po ba siya doon sa girl na kasama niya sa Tv? Ayaw na po ba niya sa atin?"

Follow up na question na naman ni Aishen.

Napaiwas ako ng tingin sakanya at inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Nakakita ako na pwede maupuan at dun ko naisip na akayin si Aishen.

Inakay ko si Aishen doon at umupo ako at kinandong ko siya.

Nakayakap ako sakanya habang nakaharap kami sa dagat.

"Aishen, anak, gusto ko na malaman mo ang lahat, siguro bata ka pa, pero alam ko na maiintindihan mo na ang mga pinagdaanan ni Mommy, simula nung umpisa hanggang ngayon, alam mo ba nung panahon na pinagbubuntis palang kita, takot ang una ko'ng naramdaman, kasi alam ko na sa sitwasyon namin ng Daddy mo noon, isa siya sa grupong iniidolo ng lahat, minamahal ng lahat, sa mga nakikita ko sa ibang fan nila maaaring masaktan ka nila anak, hindi na bale ako eh, kaya ko, ayaw ko na may ibang taong mananakit sayo, kaya gumawa ako nang desisyon na pinagsisihan ko, hindi dahil sa pinagbubuntis kita kung hindi dahil sa ang naging desisyon ko noon ay itago kita sa sarili mo'ng ama, iniwan ko ang Daddy mo nang walang pasabi at pinagtaguan ko siya, dahil sa naisip ko na malaking gulo kapag nalaman ng mga taga hanga ng Daddy mo na buntis ako at siya ang ama, nasa peak na siya ng Career nila ng mga tito mo, ayoko naman na tayo ang magiging hadlang sa pangarap nang Daddy mo, ayoko din na masira ang career niya, kaya umalis ako, nagtago, na walang nakakaalam isa man sakanila na pinagbubuntis kita, takot na takot ako that time, pero inalalayan ako nina Tita Bula, Tita Cristine, Tita Roxie at Tita Trisha mo, sila ang kasama ko noon, pati ang Lola at Lolo mo, isama na din si Tito Leeteuk mo, sinuportahan nila ako nung mga panahon na hindi ko alam ang gagawin ko, nang ipinanganak na kita, doon ako mas lalong natakot, dahil sa alam ko na paglaki mo at nasa tamang edad ka na, hindi maiiwasan na hanapin mo ang Daddy mo, yan pa nga lang na apat na taon ka palang nagtatanong ka na, what more kung nasa right age ka na, di ba? So ayun, nung birthday mo at umuwe silang lahat sa Pilipinas, ayoko talaga na mapalapit ka kay Sehun dahil sa takot ko na naman na masaktan ka niya anak, dahil sa naisip ko na iniwan ko siya at kapag nalaman niya ang totoo na anak ka niya hindi ka niya bibigyan man lang ng pansin, pero nagkamali ako, gumawa pa din siya nang paraan para magkalapit kayo, lahat ng pagkakataon kinukuha niya para maging close kayo,pagtapos nun, hindi na kayo ulit nagkita, nakahinga na ako ng maluwag, dahil sa alam ko na matatahimik na ako at mawawala na ang takot ko."

The Once In A Lifetime Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon