Third Person's Pov
Nagising si Kyungsoo at ang una niya'ng tiningnan ay ang kamang kinahihigaan ni Trisha.
Kinukusot-kusot pa niya ang isang mata ng matigilan siya.
Dahil sa wala ang dalaga sa kama nito.
Dali dali siya'ng tumayo at hinanap si Trisha sa loob ng kwarto.
Pero wala ito..
Maging sa Cr wala din.
Inisip niya na lang na baka lumabas lang at babalik din ito.
Pero hindi niya maiwasan kabahan pero pilit niya'ng pinapakalma ang loob niya.
Kaya pumasok muna siya ulit ng Cr at ginawa ang morning rituals niya.
Agad din naman siya'ng lumabas ng Cr pagkatapos.
Inilibot niya ang paningin at nakitang tulog na tulog pa din ang mga kasama niya sa loob.
Nilapitan niya si Baekhyun na nakanganga pa at ginising ito.
"Baekhyun..gising..nawawala si Trisha."-Kyungsoo.
"Ano ba,mamaya ka na manggising Kyungsoo,kita nang puyat tayo pare-pareho eh."-Baekhyun.
Pumiksi pa siya at bumaling sa kabilang panig ng sofa kung saan nakatalikod siya kay Kyungsoo.
"Gumising ka na,ano ba?! Nawawala sabi si Trisha eh!"-Kyungsoo.
Napatayo naman agad si Baekhyun.
Dahil sa sinabi ni Kyungsoo na nawawala daw si Trisha.
Agad din niya'ng tiningnan ang kama kung saan nakahiga si Trisha.
At ayun nga,walang Trisha na nakahiga sa kama.
Bakante talaga ito.
"Paanong nawawala?! Di ba nakabantay ka sakanya buong magdamag?! Nasa tabi ka niya paanong hindi mo mararamdaman na nagising na siya at bumangon?!"
Gulat na tanong ni Baekhyun kay Kyungsoo.
Makikita din sa mukha nilang pareho na kinakabahan na sila.
"Nakatulog kasi ako kagabi,panatag ako na ngayon palang siya'ng umaga magigising,kaya nagpasya ako'ng umidlip muna,saka bago ako makatulog,nakahiga pa siya dyan at hindi pa nagigising!"-Kyungsoo.
"Hala!baka nung nakatulog ka na,saka siya nagising,tsaka baka naman namasyal lang siya dyan sa labas ng ospital."
Panghuhula ni Baekhyun.
Lumapit naman si Kyungsoo sa dextrose na tinanggal ni Trisha bago ito umalis.
"Paano mo ipapaliwanag ang dextrose na ito?! Ano yun bago siya namasyal tinanggal muna niya ang dextrose niya?! Mag isip ka nga Baekhyun! Hindi lang basta namasyal sa labas si Trisha,tumakas siya at iniwan na naman niya ako! Kung kelan okey na ang lahat,saka pa niya gagawin 'to?!"
Galit na sabi ni Kyungsoo,halos sumigaw na siya sa kaba at galit na nararamdaman niya.
Baka kung ano na naman daw ang mangyari kay Trisha at hindi niya man lang maililigtas ang dalaga kung saka-sakali.
Nagagalit siya dahil sa nag aalala siya para sa dalaga.
Alam niya na kahit maipapakulong na nila sina Sulli at Cindy,hindi pa din maiiwasan na mapahamak si Trisha.
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
FanfictionAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...