No One's Pov
Kasalukuyan nang nasa byahe ang Exo at sina Kiann.
Magkatabi si Sehun at Kiann, nakaupo naman sa lap ni Sehun si Aishen.
At tuwang tuwa ang bata dahil sa pupunta sila ng beach na kasama ang Daddy niya.
First family bonding din nila.
Binalingan ni Aishen ang Daddy niya.
Pero sinilip ni Aishen ang Mommy niya na kasalukuyang natutulog na nakasandal sa balikat ng Daddy niya.
Naakbay naman si Sehun kay Kiann.
Para daw hindi mahirapan si Kiann at mangawit sa pagkakatulog.
Wow ang Sweet~
Nang makita niya na tulog ang Mommy niya,nagsalita na si Aishen.
"Daddy Sehun,may sasabihin po ako.."
Yumuko naman si Sehun at binigay ang buong atensyon niya kay Aishen.
"Yes,anak,ano 'yung sasabihin mo?"
Pagtatanong ni Sehun.
Inayos niya ang pagkaka-upo ni Aishen sa lap niya.
"Kasi po kanina,nung nanonood kami ng tv ni Mommy,tapos nakita po namin kayo may kasamang girl,tapos po,ang saya niyo po,tapos po pagkita ko po kay Mommy umiiyak po siya,tapos po tinanong ko po si Mommy kung bakit po siya umiiyak,tapos po sabi niya wala lang daw po,tapos po,tinanong ko din po si Mommy kung nag away po kayo,kasi po nga umiiyak siya,tapos sabi ni Mommy po,hindi daw po kayo nag away,tapos po, dumating na kayo, kasama sina tito Baekhyun at sina Tita Roxie.
Nahilo yata si Sehun sa dami ng "tapos" na sinabi ni Aishen.
Napabuntong hininga si Sehun.
"Daddy Sehun, nag away po ba kayo ni Mommy? Kasi po napansin ko po na hindi ka po kinikibo ni Mommy kanina.. Kaya nga po pumunta muna ako kina Tita Baekhyun at Tita Roxie,para po makapag-usap kayo, alam ko po para sa inyo bata po ako,isang 4 yrs. Old, pero naiintindihan ko na po ang lahat ng nangyayari,kaya please po Daddy,pakisagot po ang tanong ko."
"Hmm..alam mo anak,ganito kasi yun,yung nakita niyo sa tv ni Mommy mo,wala lang yun,what i mean is, trabaho lang yun na kailangan gawin ni Daddy, saka hindi kami nag away ni Mommy mo,anak,alam mo naman na Mahal na Mahal ko ang Mommy mo di ba? So bakit ako gagawa ng pag aawayan namin, di ba? Kaya anak, alisin mo sa isip mo na nag aaway kami ng Mommy mo."
"Pero kasi Daddy, nag aalala po ako kay Mommy eh, kanina ko nalang po siya nakitang umiyak, dahil po simula nung dumating kami dito sa Korea, hindi na po siya umiiyak,kanina lang po talaga."
Napabuntong hininga na naman si Sehun sa pangalawang beses.
Dahil sa napaka-observant daw talaga nang anak niya.
Malakas makiramdam.. ganern..
"Alam ko anak, dahil simula ng ikinasal kami ng Mommy,palagi na siya'ng nakangiti,pero anak, hindi maiiwasan kasi yun, lalo pa buntis si Mommy mo, medyo sensitive kasi siya ngayon, sana maintindihan mo anak."
"Ganon po ba yun Daddy Sehun? Hala dapat po masaya lang ang nakikita ni Mommy para po lagi po siya'ng nakangiti, para po happy lang din si Mommy."
"Oo anak, ganon yun, kaya alisin mo na sa isip mo na nag away kami ng Mommy mo, hinding hindi mangyayari yun.."
"Hmmm"
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
FanfictionAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...