Baekhyun's Pov"Ate Roxie!!!"
Narinig ko'ng sigaw ni Bubbles kaya napalingon ako bago pa man ako makaakyat sa unang baitang nang hagdanan.
Laking gulat ko na makitang walang malay si Roxie habang hirap si Bubbles na nakaalalay sakanya.
Natataranta din sina Kiann at Trisha na lumapit kina Bubbles.
"Kiann Unnie,dalhin natin sya sa Ospital,baka kung ano ang mangyari kay Roxie Unnie at sa Baby nya."-naiiyak na sabi ni Trisha kay Kiann.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Trisha.
A-ano d-daw? B-baby? T-tama
b-ba a-ang p-pagkakarinig
k-ko?!B-baby? A-as i-in s-sanggol?!
Magtatanong na sana ako ng biglang binuhat ni Chanyeol si Roxie at tumakbo palabas ng pintuan.
Nagsisunuran naman sina Kiann,Bubbles at Trisha.
Maging sina Suho Hyung at Sehun sumunod na din.
Samantalang ang iba nakatulala nalang.
Kahit si Taeyeon,nakita ko'ng bahagya pa'ng nakanganga.
Hindi ko na sila inintindi pa.
Kaya napatakbo na din ako,para sumunod sakanila.
Nag aalala ako eh,baka kung ano ang mangyari kay Roxie.
Oo na,palabas ko lang ang pinapakita ko'ng panlalamig habang kaharap ko sya.
Aaminin ko,mahal ko pa din si Roxie at hindi naman nagbago yun.
Nasaktan lang ako nung umalis sya.
Paglabas ko ng dorm,nakita ko na nakasakay na sila sa van namin.
Habang si Roxie naman nakasandal kay Bubbles,wala pa din malay.
Samantala si Chanyeol,nakatingin lang sakin.
Hindi pa sya sumakasakay ng Van.
At tila ba hinihintay nya ako.
Natitigilan pa ako ng sinigawan ako ni Chanyeol.
" ANO BA?TATAYO KA NALANG BA DYAN O SASAMA KA SA AMIN SA OSPITAL?!"-Chanyeol.
Kaya mas nataranta ako lalo at ngtatakbo na papunta sa van.
Pinauna ako ni Chanyeol na sumakay,saka sya sumunod sakin.
Pinaandar na ni Suho Hyung ang Van.
Nasa tabi ako ni Roxie.
Hindi ko sya magawang hawakan.
Ewan ko ba kung bakit.
Saka ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.
Tsk!
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kame sa ospital.
Nakatulala lang kasi ako habang nakatitig kay Roxie na namumutla.
Napansin ko din ang pamumugto ng mga mata nya na tila ba kagagaling nya lang sa pag iyak.
"Bilis,Baekhyun,buhatin mo na Si Roxie,kailangan na nya'ng madala sa loob ng ospital,mamaya mo nalang sya titigan,sus,kunyari pa kasi kanina,naku,ewan ko sayo!"-sabi ni Chanyeol na nakapamewang na,nakababa na pala silang lahat.
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book Two (Completed)
FanfictionAno nga kaya ang mangyayari kina sehun at kiann pagkalipas ng apat na taon? Mananatili na lamang ba na lihim kay aishen na ang ama niya ay si sehun? Magkaayos pa kaya sina kai at bubbles? May second chance ba na magaganap between kyungsoo and trisha...