CHAPTER 4

181 6 2
                                    

Nadine

"Anong ginagawa niyo dito, von?" Tanong ni Ashly sa kanila. Nangungulit na naman siguro. Pero hindi na naman iba yung lima sa amin dahil naging magkaklase kami niyan no'ng kindergarten, preschool, elementary at highschool doon rin sa paaralan na pagmamay-ari ng pamilya ko. In short, mayaman din sila. Kaya nga lang...

"May napag-usapan kasi yung leader ng frat which is me... na baka sasali kayong apat." Ayan. Nangungulit na naman sila diyan. Ilang beses na namin silang tinaggihan tungkol diyan. I hate frats no. Pero, magkakilala na talaga kami.




Si Von Meyer, half american iyan. Gwapo, makulit, palabiro at hindi mo mahahalatang mayaman, may pagkagusgusing bata kasi minsan. Si Trent Basher, half american din at magkapatid sila ni Von sa ibang ama. Pareho silang may dating pero seryosong tao si Trent at parang ang cold pero cool siya for me. Si Asher Laog, palagi niyang nakadikit kay Ashly no'ng kabataan namin dahil nga sa mga pangalan nila, destiny daw yata. Pero, aware naman si Ashly na maraming babaeng nakadikit diyan dahil na rin sa ka-pogi-an nito kaya be careful siya always. Si Leron Gali, cute at may pagka-chubby pero mabait 'yan at siya ang kuya nilang apat. At si Codes Park, 'yan ang mas tinitilian ng lahat. Bukod sa mala-koreanong itsura nito at kahawigan nito kay Luhan ng Exo, mahilig din 'yan sa babae kaya maraming nasasaktan. Heartbreaker kung baga. Tch.

"Ew kayo kambal, mas kinakatakutan pa yata kami sa frat niyo." Komento ni Ashly. Eh, paanong kakatakuyan sila? Eh, hinahabol nga.

"Hindi naman kasi kami kinakatakutan. 'No ba yan. Ang mga mukhang ito?" Pagmamalaki ni Von sabay turo ng mga mukha nilang lima. Napairap na lang kami sa kakapalan nila. Napatingin naman ako kay Trent. Hanggang ngayon ba naman?

"Huy, 'di ka na naimik diyan?" Napansin siguro ni Von na napapatingin ako kay Trent. Eh kasi naman, ang cold niya parin. Tch.

"No. I'm acting cool for those girls." Turo niya gamit ang nguso nito. Napalingon kami sa tinuro niya kaya tinaasan ko lang ng kilay yung mga nagpapapansin kay Trent. Mga higad!

"Babe, 'yang mga tingin mo ha. Tutusukin ko 'yan!" Pagbabanta ni Candie kay Codes. Hindi ko ba nasabing naging sila na since 1st year highschool? Ooops, not my bad.

"Huy, Leron! Ikaw rin!" Banta rin ni Maddie. Haay, pinagpalaan yata yung mga may die sa huli ng mga names at puro may lovelife. Sila naman, bago pa lang sila at kung itatanong niyo kung paano naging sila, aba inuutusan niyo na ako. Swertehan lang? Psh. Pero dahil maganda naman ako, sasabihin ko na lang. Simple lang, they love each other.

"Sorry na, Mad's. Gwapo kasi talaga napingwit mo." Aba'y hindi talaga nawala ang kakapalan. Nakakabingi ang kasweetan nila. Ano ba.

"Whatever. Will the four of you shut up?" Utos ko pa. Nakakainis na kasi sa tenga yung mga babe-babe nila, yung..

"Bitter ka lang, Nad's. Balikan mo na kasi itong si Trent." Komento ni Candie na siyang mas ikinainis ko. Hindi parin napapatingin sa akin ni Trent. Wow ha, pataasan talaga ito ng pride. Hindi pwedeng ako yung gagawa ng move ano. It's not my thing! And yes, I do still know him but I don't remember the feelings anymore since he did that. Tanga na lang ako kung maniniwala pa akong muli sa kanya.

"Alam niyo, may klase pa tayo. Stop talking nonsense. Let's go."

Tumayo na rin kaming tatlo at kanya-kanya namang paalam yung dalawa sa mga jowa nila. Halik dito, doon at kung ano-ano pa. Err. Actually wala na kaming class, palusot ko lang iyun at kumapit naman ang tatlo dahil alam siguro nilang may ilangan na.



Kinabukasan, tumayo na ako at ready na ako para mag-gym. Araw-araw kaming pumupunta doon. Hectic yung schedule namin noon at parati may 7am kaya sinabi kong palitan nila ito kaya always 10 na yung klase namin. Nang makarating ako sa gym, nandoon na rin yung walo. Yung limang lalaki at yung tatlo. Iisa lang kami ng gym na pinapasukan dahil pagmamay-ari din naman ito ni Von, oo sa kanya talaga kaya naman nakakalibre kami dito. I heard na may bago kaming gym Instructor, isa-isa kasi kaming apat ng Instructors kaya ngayon, puro fresh at bago daw yung ipapakilala sa amin. Dahil kaya naman ng boys na i-assist ang sarili nila, hindi nila kailangan pa ng Instructor.

Nang makaakyat kami, nakahilera na doon ang bagong Instructors at napataas agad ako ng kilay ng makita ko yung P.E Instructor namin.

"So, sila yung papalit sa mga Instructors niyo. Can you please, introduce yourselves?" Utos ni Von sa apat.

"Our brains have no more spaces for their names and please Von, do not give an alien one." Gets na niya siguro yung sinasabi ko kasi isa rin naman siyang half alien sa country dahil nga half american siya.

"You mean, Hailey? Ugh.. haha. Naka-assign siya sa'yo, Nadine." Kumunot ang noo ko.

"Why?!" Inis na sabi ko. Please, 'wag na nilang dagdagan yung inis ko.

"Dahil, nakikilibre lang naman kayo, wala na kayong magagawa--"

"I'll pay." Diritsong sabi ko. Ayaw ko talaga sa kanya. Oo, mga 20 pa siguro siya pero ayaw ko.

"Hailey, for instructing Ms. Lazaro, you're current money for that will be 20,000 because she's the richest above all here. If you'll be transfer to another person, maybe you'll get the half of it. So, d'you think, Hailey would not love to stay, Nad's? But, since you're a client, you'll be the boss." Sabi ni Von. Now, bakit ba ako natatakot sa kanya? Hindi naman siya kinakatakutan dahil kami dapat iyun.

---

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon