Maliwanag pa sa sikat ng araw ang unang araw sa Lazaro University. Mula sa kwartong ito'y kita namin ang iba't ibang indibidwal na nag-aakalang ningning na sila nang tapakin ang Unibersidad. 'Grabe, ang dami nila oh!' Anang Maddie na sumiksik pa sa kinatatayuan ko, makita lamang ang mga tao sa baba.
Oo, dumarami sila. Bakit hindi? Kalat na ang balita na ang paaralang ito ay isa sa pinakasikat sa lahat. Kaya naman, nagmimistulang sikat kuno ang pumapasok dito. 'Mga uto-uto.' Bulong ko sa sarili.
Unang araw nga naman ng klasi. Hindi uso ang pasukan ng guro. Eksakto ang paggaygay sa buong kampus.
Samantalang naglalakad sa cafeteria, isang dikit-tingin ang diritsong bumungad sa amin. Paano naman kasi, apat na dyosa ang rumampa nang padaan. Lalo pa't kilala ang apat sa hindi lamang sa buong Unibersidad, kun'di rin ay sa labas. Sino ba naman kasi ang hindi makakikilala sa amin. Ang aming mga puno ay isa sa pinakamakuwalta sa lugar. Ang ama ko ang mismong nagmamay-ari ng tinatapakan namin ngayon. Hindi lang iyon dito nagtutuldok. Ang mga mall ay pagmamay-ari rin namin. Karugtong doon, may iba pang kompanya ang ama ko. Ang tatlong kapisanan ko nama'y hindi huli sa pagmamay-ari.
Hindi na naman importante ang pagmamay-ari namin. Dahil ang mahalaga, tanto nilang mas makuwalta pa kami sa presidente ng bansa.
Talagang daan lang ang sadya namin dito pero dalurok na pala ang aking sikmura.
Huminto ako na sinabayan rin naman ng tatlo. Lumapit kami sa counter na kasalukuyang pinupulot ang order ng nauna. Parehong napahimpil ang dalawa nang maramdamang nasa malapit lamang kami.
Nilingon ako nang nauna at gulantang nang masigurado niyang kami nga ang nasa likuran nila. 'K-kayo na po mauna.' Paubaya niya sa amin at payukong tumabi. Hindi ko makita kung bakit kailangang magpaubaya ng isang tao pero sa puntong ito, wala akong pakialam. Ang ipinuputok ko'y naghahayop na ang sikmura kong handa nang sumabak sa matining laban.
'Hi! What is your order, Ma'am?'
Walang salita ang lumabas sa aking mga labi nang biglang lapitan siya ng kasamahan niya. 'Sorry, Ma'am. Newly hired po kasi siya. Please make your seats and we'll take your order.' Payukong sabi nito. Kita naman sa itsura ng baguhan ang pagkagulo.
Kumuha muna ako ng isang malalim na hangin mula sa sinapupunan ko't kinayang ngumiti, 'Please fire her.' ngiting hindi gusto ng lahat. 'But--'
Hindi uso ang dugtungan sa aming apat. Direkto ang aming pagtalikod bago tuluyang maglabas pa ng panibagong salita ang baguhang yaon.
'Teka!' Harang sa amin ng baguhan. Nanatili pa rin ang blangko kong itsura't hinayaan ang eksenang obra niya na ikinapitas ng atensyon.
'Hindi ka dapat basta-bastang nagfa-fire!' Panimula niya. Lumapit naman ang kaninang humingi ng patawad para sa kanya at sa pangalawang beses ay pinigilan siya. 'Jamie, itigil mo ito!' Mahina pero ma-awtoridad ang tono. 'Hindi! Kailangan ko ang trabahong ito!' Dagdag pa niya at nagsimula nang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko man gusto makakita ng isang taong naluluha pero kahit anuman ang gawin ko'y wala akong awa na nakikita.
'Sa isang taon ko dito... nananahimik ako. Hindi ako gumagawa ng hakbang na makapagpapalapit ng aking kaluluwa sa inyo! Pero, sa unang beses? Sa unang beses na magkaharap tayo, lumabas na bigla ang pag-uugali ninyo?!' Pagmamaktol nito. Muli, hindi lumiwanag ang damdamin ko't reaksyon. Tahimik lamang naming pinagmamasdan ang babaeng tinatawag nilang Jamie.
'Jamie, tama na!' Pigil sa kanyang muli. ' Ano ba, 'wag naman ganito oh.' 'Tumigil ka na. Tara na.' Mahina pero kita mong nagpipigil lamang ito ng boses.
Binigyan niya ako ng isang tingin bago tuluyang magpadala. Nilakad na rin lang namin ang daan papunta sa aming mga upuan - upuan na kung saan tatak na ang aming mga pangalan kahit pa'y laho ito sa mga paningin. Nakapwesto ito sa pinakagilid ng buong cafeteria.
Malayo pa lang ay tanaw na naming apat ang gulugod ng isang lalaki. Hindi ko man balak ang huminto. Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin iyon.
Tahimik akong naunang umupo at blangkong tinignan ang lalaking kumakain.
Dalawang minuto ang lumipas at mistulang multo akong hindi karapatdapat na makita. Nagsimulang kumunot ang aking mga noo. Nagsimulang uminit ang aking katawan.
'Hi!' Bati ni Candie sa kanya. Umupo ito sa gilid niya at si Ashly naman sa kabila. Tumabi naman sa akin si Maddie. 'Bago ka dito?' Tanong nito na ikinatigil niya sa pag-kain. Para yatang hindi ito nakaiintindi ng Filipino at hindi marunong sumagot.
'She's asking if you're new here?' Salin naman ni Ashly. Isang yango naman ang sinagot niya na ikinataas ng isa kong kilay. 'Alam mo ba kung sino ang binabangga mo?' Tanong ko nang hindi man lang siya inaalisan ng tingin. Saglit siyang ngumuya at sinangga ang tingin ko. Mukhang nag-isip siya bigla at nginitian ako ng pahapyaw at daling inubos ang natitirang pagkain.
Nang maubos ay dahan-dahan siyang umalis. Nanatiling nakakunot ang aking mga noo. Sino siya upang tanggapin ang tingin ko nang ganoon? Sino siya upang ngitian ako nang sarkastiko? Sino siya upang hindi sumagot nang maayos sa mga binibitawan nilang tanong? At sino siya upang makiupo sa upuang kilala na ng lahat?
***
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Genç KurguSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.