Nadine
Isang kagimbal-gimbal na entrance ang aming ginawa. Parang nagslo-mo 'yung paligid at manghang-mangha ang mga estudyanteng nakita kami. Gumawa sila ng pathway para makadaan ang naggagandahang dilag sa harapan nila.
Oras ng klase, nilagyan ko ng red paint ang chair ni Jamie. I don't care anymore kung magkapatid sila ni Jinki. Wala na siya sa akin ngayon. Bakit kailangan kong pilitin siyang maniwala sa akin? Ate niya 'yon. Kadugo niya iyon.
Nang makapasok si Jamie, isang ngiti ang bumalot sa aming apat. Naupo na siya ng tuluyan at pinilit naming hindi tumawa dahil kasabay ng pagdating niya ay ang pagdating din ng Prof namin.
"Jamie, please write your answer on the board." Tawag ni Prof. And I was like, wtf! Agad-agad? Tinutukoy niya kasi 'yung assignment namin kaya agad siyang makatawag.
Dahil umabot ng ilang minuto ang pagkaupo ni Jamie, nahirapan siya sa pagtayo. Dumikit kasi 'yung palda niya sa chair. Pintura nga 'yong nilagay namin diba? Hahahaha.
"Jamie?" Tawag muli ni Ma'am. Kami naman ay nagtatago ng tawa.
"Ma'am, hindi po..." Dahil sa pamimilit niyang makuha ang palda'y napunit ito ng tuluyan. Umupo siyang muli para maitago ang kahihiyang nagawa niya. Kaso agad siyang napatingin sa aming apat. 'Yung nagtataka at galit na tingin. Pasimple naman kaming napatingin sa malayo't pinilit talagang hindi tumawa.
"Jamie? Anong nangyari?" Tanong pa ni Ma'am. Napansin niya sigurong hindi makaalis sa upuan si Jamie.
"M-ma'am, wala po akong sagot." Palusot niya.
"Well, you should atleast do your best even this is just a minor subject, you know?" Nagpaparinig na si Ma'am pero iba parin talaga ang tingin ni Jamie kaya sinalubong ko na siya at binigyan siya ng 'anong-tinitingin-tingin-mo-look'.
What a new day to start. I'm having the real me now and it really felt good. Pero, hindi ko talaga inaasahan na mapupunit 'yon. Anong klaseng paint ba gamit namin?
Jinki
Ate texted me na pumunta daw ako sa room niya at magdala ako ng jacket. Since naka-jacket naman ako today, dinala ko na ang buong sarili ko.
Nang makarating, naiiyak na ate agad ang nadatnan ko, mag-isa at nakaupo parin sa upuan niya.
Lumapit ako't niyakap siya. "Anong nangyari, ate?" Tanong ko. "Bin-ully ka na naman ba nila?" Dagdag tanong ko pa.
Hindi siya sumagot, bagkus ay tumayo siya. Napatakip agad ako ng bibig nang makita ang pulang pintura sa upuan niya na may halo pa na tela at ang palda niyang napunit dahil sa pagkakadikit sa pintura.
"Ginawa ba nila ito sa'yo?" Hindi siya sumagot pero yumango lang siya dala ng mga hikbi niya.
Jamie
Mahal ko pa naman itong palda ko pero kailangan ko itong gawin para pumayag na si Jinki sa balak ko.
"Ate! Ano 'yan?" Mahina pero madiin na tanong niya. Nilapitan niya ako't kinuha ang hawak-hawak kong vase. Inaabangan ko si Nadine dito.
"Ate, iyan ba ang plano mo? Ate! No! Iyan ba ang plano mo? Ang ipahamak siya? Sapat na dahilan na ba ang lahat ng ginawa niya para ipahamak mo siya?"
It hits me. Pero, hindi niya alam kung anong paghihirap ang pinagdaanan ko sa kanya kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan para paikutin ang utak ni Jinki.
Kanina, pansin ko na talaga ang upuan ko pero mas pinili kong magbulag-bulagan. Hindi naman talaga mapupunit ang palda ko pero hinawakan ko ang palda ko para kapag tumayo ako, mapupunit siya at magmumukhang ang red paint ang dahilan ng pagkapunit nito o sa madaling salita, ang apat na iyon ang may gawa nito.
"Jinki, kita mo na diba? That's how evil they are. Hindi ako nakatayo, hindi ako nakasagot sa dapat na isasagot ko sa board dahil sa ginawa nila at ang masaklap pa, zero ako sa assignment ko dahil hindi ko ito nagawang ipaglaban." Pero lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang.
"Ate..." Iyon lamang ang nabigkas niya. Awang-awa na siya sa akin.
"'Wag mo na akong pigilan, Jink's. Pagod na ako sa ginagawa nila." Dagdag ko pa. Sa puntong ito, wala siyang masabi. Alam kong nagdadalawang-isip na siya sa binabalak ko.
"Ate..." Pero alam kong malaking pursyento na ang pumayag siya.
"Ate, nagregister ako sa bandawa dance troup, sinali kita. Please, sayawin natin iyon. Sa susunod na linggo na iyon." Pagmamakaawa niya. Ilang buwan na ba akong hindi sumasayaw? Parang patay na ang puso ko pagdating diyan pero kapag hindi ako pumayag, baka mag-iba na naman pakiramdam niya sa akin.
"Let's see." Hindi ako nangangako. Kahit alam na alam ko pa ang steps no'n, hindi ko parin maipapangako na sasayaw ako dahil tatak parin sa buong pagkatao ko na mas lamang siya sa akin. Baka kapag sumayaw kami pareho, siya lang ang makapasa at ako ang uuwing luhaan.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Teen FictionSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.