Chapter 30: The truth reveals

49 1 0
                                    

Nadine's POV

Hanggang ngayon na nakalabas na kami ng hospital ay patuloy paring tumatakbo sa utak ko ang mga tanong kong iyun. Hindi ako makapaniwala na pati si Minhye ay nakidnap kasama namin. Ano naman ang rule niya sa kidnapping na iyun? Bakit siya nasali? Nalilito na talaga ako.

"Baka kailangan pa natin siyang ibalik sa hospital." Narinig ko sila na nag-uusap.

"Yeah right. She's still talking to herself." Aleya.

"Baka naalog brain niya no'ng nakuryente siya. Then, she became crazy." Napalingon naman ako kina Aleya, Vina at Suzy.

"Sira! I'm on a deep thinking." Hinarap ko sila.

"You should help me. I'm really going crazy."

"Sabi ko na nga ba e! Totoo nga!" Aleya.

"Gusto mo palabasin kita dito?" Tanong ko kay Aleya.

"I mean, nalilito na ako sa kakaisip. Minhye, bakit siya nasali sa kidnapping and why does she talks so pity at that time. A-and she even told me that Jason and her are dating. She's nuts." Sabi ko sa kanila. Andito kami ngayon sa bahay ko. Hindi ako pumasok dahil kailangan ko pang magpahinga ng ilang mga araw. At eto sila ngayon, dinadalaw ako.

"I know what're thinking. Maybe, she plans it all." I clapped my hands once.

"Right! Maybe! It's pretty impossible na kikidnapin siya ng ganoon diba? " Sabi ko sa kanila.

"You help me." Turo ko sa kanilang tatlo. Bigla naman pumasok ang butler ko.

"Excuse me, Ma'am. Jason's here." Napangiti ako at umayos ng upo sa higaan ko.

"Let him in." Bumalik naman siya at maya-maya ay nasa harapan na namin si Jason. May dala-dalang flowers.

"Hi. Okay ka na ba?" Ayan, nag-aalala siya sa akin. May flowers pa siyang dala. Kinikilig ako!

"No." Yun lang ang isinigot ko. Bitter daw ako e.

"We'll take care of it, Nad's. Alis na kami." Sabi ni Suzy sa akin ng seryoso. Minsan talaga gusto ko ng isipin na seryosong tao ang babaeng 'to. Tumayo naman sila at lumabas na ng kwarto ko. Lumapit naman si Jason at umupo sa kama ko tapos hinawakan ang noo ko.

"I'm not fine." Sabi ko. Biro lang naman. Okay na naman talaga ako. Sadyang gusto ko lang makita na mag-aalala na naman siya sa akin.

"Dapat hindi ka pa lumabas ng hospital kung hindi ka pa okay." Aniya.

"I hate hospital. Mas okay dito, komportable ako." Nakacross arms na sabi ko. Tinignan ko naman yung flowers sa kamay niya. Wala ba siyang balak ibigay sa akin iyan? Kapag itatanong ko naman baka isipin niya na kanina ko pa inaantay ibigay niya sa akin iyan. At nahalata ko na para sa akin pala iyan.

"Dumalaw lang ako to see if okay ka na. You looked fine. Napadaan lang ako. I better get going now." Tumayo na siya tapos nginitian ako. Tumalikod na siya at lumakad. Hindi!

"Wait!" Pagpipigil ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin ng may nagtatakang mukha.

"Bakit?" Nahihiya akong magsalita. Natagalan pa ako bago magsalita.

"Ano. Ughm. Ang ganda ng flowers na yan a! Magpapabili nga minsan niyan. Sa'n mo ba 'yan nabili?" Pag-iiba ko ng daan upang maibigay na niya sa akin iyan. Malay mo, nalimutan lang niyang ibigay.

"Ah, doon ko lang 'to binili sa isang flower shop malapit sa bahay ko. Actually, kay Daddy ang destination ko ngayon. Dadalhan ko siya ng flowers. But since madadaanan ko naman bahay mo, dumalaw na rin lang ako." Ngumiti siya. Nahiya naman ako sa sarili ko. Kung ganun, sa dad niya pala iyan. Hahaha! Ang shonga ko.

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon