CHAPTER 3

235 5 2
                                    

Hindi ako makapaniwala. Siya ang lalaking magtuturo sa amin ngayon at sa buong sem. 'Nadine Lazaro?' Tawag niya sa akin. 'Present.' Tipid kong sagot nang hindi man lang nagpapataas ng kamay. 'How are you related to the President?' Gilalas na tanong niya. Saglit naman akong napasilip sa kaniya na siya rin naman pa lang nakatanaw sa akin. 'He's my father.' Diritso kong sagot. Siguro kung ibang tao lang ang tumanggap sa sagot ko'y natakot na siya sa kung paano ako sumagot. Sa dismaya ko'y yumango lamang siya ng ilang beses at nagpatuloy sa pag-alam ng liban sa klase.

'Let's see what you've got. Stand up and execute what you've learned. Let's start from the President's daughter.' I can sense na napapangiti siya nang kaunti. Hinahamon niya ang isang Lazaro.

Tumayo ako't nagtungo sa harapan. 'This is a dance class. You picked this, you survive this.' Bulalas niya sa buong klase bago tuluyang nagpunta sa upuan niya.

Nagsimulang tumugtog ang swan lake. Ang daloy ng mismong musika'y hinihigop ang aking pangangatawan at dinadala ako sa kung saan man siya patungo. I am a ballet dancer. Ito ang genre ko. Malambot ang aking pangangatawan at ito ang dahilan nang pagkamangha ng lahat.

Isang palakpakan ang aking natanggap at isang ngiting hindi magugustuhan ang binigay ko sa kanya.

Bumalik na ako sa aking pwesto na siya ring pagbalik niya sa harapan. 'Very well done. Who else does that?' Tanong niya. Dahil nga bago ay ngayon lang din niya nalaman na ako lamang ang ballet dancer dito. 'For your information, your final task which is a group presentation will be hiphop and modern. That means, no execution of ballet for you, Miss Lazaro. I am not doing this for a negative outcome. I am doing this for you to try other type of dance and it is one way to be a better dancer. Dismiss.'

'Where are you going?' Tanong niya nang maabutan ako. 'I quit! I quit!' Sigaw ko. Hindi ko malimutan ang kahihiyang nangyari sa araw na ito. 'What do you mean you quit? It's not like that. It's a lesson for you to take. Don't do this!'

Patuloy lamang ako sa pag-iling at pagluha. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap-tanggap.

'Nad's, d'you have any nice idea?' 'Yeah, how are you going to do it?' Magkabilaang tanong nina Ashly at Maddie. 'Nothing. I am not going to do it.' Baliwala kong sagot. Nasa isang bench kami sa school ground. Buong paglalakbay namin papunta dito ay nanatili akong tahimik. Lutang na lutang ang pag-iisip ko.

'Hey!' Boses pa lamang, alam na namin kung sinong demonyo ang nandidisturbo. 'What do you want?' Baliwala kong tanong. Ang tatlo nama'y hindi makasama sa pagpapaalis ko sa kanila dahil ang mga ka-jowa-an nila'y isa sa nandito.

'I am not in the mood, Von. Get lost.' Nagsimula naman siyang tumabi sa gilid ko. 'I heard you have a tough Instructor. What are you going to do with it? He wanted you to dance again.' Tumahimik ako. He wanted me to dance again. Pabalik-balik iyon sa utak ko na parang isang sirang plaka at hindi ko iyon gusto.

'Can you just please get lost? I am so enough with being nice! Being too friendly is a not good idea because people will take advantage with it. Get lost! Shoo!' Taboy ko sa kanilang lima. 'Awwwe, what the heck, woman! I just got to see him today.' Pagmamaktol ni Maddie.

'Hi! Are you gonna get in or what?' Pukaw sa akin ng isang lalaki. Nakatunganga ako sa harapan ng pinto nang dumating siya. Binuksan niya ito at hinayaan akong mauna sa loob.

'Number 0040.' Napatingin ako sa numerong nakatatak sa kanang dibdib ko. 'It's your cue. Goodluck!' Pagbibigay-lakas niya sa akin. Kaya ko ito. Yumango ako't sinubukang maging malakas sa pagpasok sa kwarto. Nang makapasok ay ibinigay ko na ang aking mga papeles at nagpunta sa gitna.

'You may start.' Yumango ako't hinudyatan ang technical na simulan na ang aking musika.

Nagsimulang dumaloy sa aking katawan ang enerhiya ng musika. Bigla akong uminit at sinabayan ang daloy ng kanyang alindog. Napakasarap sa pakiramdam ang sumama sa kanyang sayaw, sumama sa lipad ng kanyang musika. Napakaganda. Napakaganda.

'You're... a ballet dancer.' Komento ng isang lalaking nasa gitna. Habol ko pa ang aking hininga pero mas lalo itong naging malakas nang hindi ko makita ang reaksyong nakapinta na sa utak ko. 'We'll call you. Next!'

Napasinghap ako't pabalik-balik na tinitigan ang mga judges na abala sa kanilang mga ginagawa samantalang dahan-dahan ko namang inaatras ang aking sarili. 'Oops. It's okay.' Pigil niya sa aking pag-atras. Nginitian niya ako at tuluyan na siyang nilamon  ng kwarto.

Nang tignan ko ang kanyang pagsasayaw, ngayon ko lamang napagtanto na iba ang hinahanap nila. Ang kanyang astiging sayaw ay dinadala ang mga judges sa kani-kanilang mga kangitian.

'Hello? Nad's! Tulala ka na lately. Okay ka lang?' Pukaw muli sa akin ni Candie.

Bakit ba niya ginugulo ang utak ko?

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon