Nadine
Nabubulabog na naman yung utak ko. Matapos niya kasing sabihin yung sagradong salita na iyon, nilisan ko na siya ng tuluyan. Nakokonsensya ako. Parang may pinaghuhugutan yata siya. Parang ayaw niya talaga ang nangyayari. Hindi ko naman talaga gusto pero haay, alam kong ako lang ang makakapagpigil nito.
Nadaanan ko ang office ni Daddy dito sa school. Madadaanan kasi talaga ito kapag pupunta ka ng rooftop. I was heading to the rooftop, I want have a good view para sa pag-iisip nang biglang marinig ko ang boses ni Hailey. Madali naman kasi malaman kasi slang nga siya kahit bihasa na siya sa tagalog.
Tumigil ako saglit at nageavesdrop.
"... that's not true, sir. I was just calling her for something to announce to my class by tomorrow." Dinig kong paliwanag niya. So umabot na kay Daddy? Grabe talaga ang social media!
"Okay. It's good then but stop this. I do not like this, Jojo." Jojo? Tinawag niya bang Jojo si Hailey? No freaking way! Saan ko ba narinig ang pangalan na 'yan? Hmm..
"I'll do my best, sir. Give me a week for this. 'Wag... 'wag niyo lang po akong ifire." Fire? Why fire?
Para namang napukpok yung ulo ko dahil nagets ko na agad ang ibig sabihin ng 'please' niya.
Napaatras akong bigla ng makarinig ako ng footsteps tapos nagtago ako sa isang wall malapit. Shit. Muntikan na iyon! God!
"Help? Wow! The lion needs our help!" Sarcastic na sabi ni Maddie. Kasalukuyan kaming nasa condo unit.
"Shhh. Ano ba kasi iyun, Nads?" Mabuti pa itong si Ashly.
Pinaliwanag ko sa kanila lahat. Mula sa totoong nangyari hanggang sa narinig ko kanina.
"So you mean, natatakot siya dahil baka mawalan siya ng trabaho?" Gulat na tanong ni Candie.
"Yah. You just restated what I've said." Bagot na sabi ko. Napabuntong hininga naman ako. Yeah, I can just announce it but no, baka umabot pa kay Daddy.
"I have an idea. Let's use social media for this and make sure na hindi umabot sa Daddy mo." Suhestyon ni Maddie.
"How?"
Tinignan niya lang kami at tinaas-taas baba pa ang kilay.
[What happened really was just a teacher-student act. Teacher Reid asks for Nadine's help to announce something for his class for a tomorrows event.
P.S. You'll get kick of you pass this message to the owner.] Basa naming apat sa ginawa ni Maddie pero dinelete ko ito at nagtype ng iba.[What a cuttie patotie brain you had and imagined something different after that. Fuck you all for---]
"No. No. No."
"Yes. Yes. Yes."
"It won't help, Hailey. C'mon, Nads. Trust me with this." Okay. Kailangan ko na yatang makinig sa kanila ngayon. But, they're using our account. Magmumukha kaming kawawa. Ayaw kong mangyari iyon. Pero nang tignan ko si Ashly, parang it made me realize na they are willing to help.
"Okay."
Binugay ko na sa kanila ang floor. Paanong naging kaibigan mo sila sa haba ng panahon kunh hindi mo man lang hahayaan ang sarili mong magtiwala.
Hinayaan kong matapos ang araw nang hindi man lang sila pinapansin. Kinabukasan, nang makarating sa school, naiba na agad yung atmosphere. Bumalik na sa dati. I wonder how they did that.
Nang malapitan ang tatlo na nakaupo na sa likuran sa first class namin, binigyan nila ako ng matamis na ngiti.
"What is that look? Okay, you really did a great job. But, how did you do it?" Nagtatakang tanong ko. Kanina pa talaga ako kating-kati na malaman ang pinaggagawa nila. Hindi kasi talaga ako nag-internet kagabi kasi I want to trust them.
"Just look at it." Saad ni Maddie tapos ibinigay niya sa akin ang phone niya.
[If you try to stop the humors, WE, the F4 will no longer do the bad things. Instead, you can now approach us with no hesitation.
P.S. expiration date: 1 week only. ]Napanganga ako sa ginawa nila. Hello?! Ang tanga-tanga naman ng mga tao sa school at naniwala sila doon. One week lang yung pagiging friendly namin tapos tinigil na nila yunh humors about sa amin ni Hailey.
"I know inisip mo rin iyun, Nad's. Ganito kasi iyon. May nagshare kasi... actually, marami na ang nagshare. Then, caption nila do'n... 'wow! Ito na iyon! Kahit one week lang, okay na. Guys! Mali ang magmalisya, hindi naman natin alam ang totoong nangyari'." Paliwanag ni Ashly. Totoo? Ang tanga nila. Psh.
"Stupid, I know." Bulong pa sa akin ni Candie. Natawa na lang ako. Yung totoo? Stupid talaga. Sobra.
Nagseparate way ako sa tatlo dahil ihing-ihi na talaga ako. And again, nadatnan ko na naman si Hailey sa hallway. Nang magkalapit ay bigla itong huminto kaya huminto din ako. Nagtagal pa ng halos isang minuto ang katahimikan. May sasabihin ba siya o ano?
Aakma na sana akong aalis. Nag-aaksaya lang ako ng oras dito. Pero, aakma pa nga lang, hinawakan na niya yun kaliwang braso ko.
"Thank you." Bulong niya. Hindi ko naman iyon pinansin at umalis na din lang. Parang thank you lang, hindi masabi-sabi? Ang oa niya ha. Pero parang may nakita ako sa kanang kamay niya. H&N yung tatoo niya. And it reminds me of someone. Hindi ko lang maalala kasi hindi naman sila magkamukha. Pero bakit magkapareho sila?
Habang nasa banyo, hindi ko parin inaalis sa isip ang tatoo niya at ang tinawag ni Daddy sa kanya. Hindi naman siya si Jojo. Ang layo talaga ng itsura nila. Pero may tatoo din siya kagaya ni Jojo. Isang prof pa iyon. Pero ang layo talaga ng itsura nila.
Siya kaya si Jojo?
***
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Novela JuvenilSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.