Hailey
Tito sent me home. Yes, pero hindi muna ako umalis. I want to see her again. I want to say sorry. I want her to slap me for what I've done.
I'm on my way to Tito's office. Kita ko naman ang pagkagulat ng mga estudyante dahil sa pagdating ko. Aware kasi sila na dapat wala na ako dito.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang biglang makarinig ako ng pag-uusap. Hindi ko sana iyon papansinin nang mabanggit nila si Nadine. Hindi ko naiwasang makiusyuso.
"Ate, ano nang gagawin mo? Napaalis ko na yung dalawang lalaki. Bakit mo ba sila pinapaalis?" Dinig kong tanong ng isang boses babae.
"Well you see, Jinks. Marami na akong balak kay Nadine. Pero palaging nasa daan yung dalawa. Alam mo pa yung nakakainis? Kapag wala yung isa, nandiyan naman yung isa. Palagi silang nakabuntot kay Nadine. Hindi ko magawa ang balak ko kaya good job, Jinks." Pagpapaliwanag naman ng isang boses babae din. Napasinghap ako. Does this mean na may kinalaman sila kung bakit ako pinaalis?
"Ate, ano ba kasing binabalak mo?" Dagdag pang tanong nito.
"Well, Jinks! You did your job. Well done! Ako na ang bahala ngayon okay? Stay cool."
Dinig ko ang yabag ng kanilang mga paa pababa kaya lumayo naman ako sa gawing iyon at nagtago.
She called her Jinki. Si Jinki kaya iyon na naging P.A ni Nadine? And Jinki called her Ate, I knew her, she's Jamie. May binabalak ang dalawa. Ayaw kong umalis kung ito man lang pala ang malalaman ko. Kailangan kong harapin yung dalawa.
Jinki
Nasa labas na akonh door ng office ng Daddy ni Nadine. Ate and I had an agreement. Kailangan kong paalisin si Hailey at Trent. I don't know how on earth will I do that! Kaya sana naman, gumana ito.
Matapos ng tatlong katok ay agad na akong pumasok. Inangat niya ang kanyang ulo't nginitian ako ng bahagya at nilahad ang kamay na nag-iibig sabihing maupo ako.
"Anong maitutulong ko, iha?" He's been so good to me ever since. Muntik na sana akong lumuhod noong una para tanggapin niya ako sa school kahit wala akong pera. Pero matapos kong ipaliwanag ang dahilan ng pagpasok ko'y kinaawaan niya agad ako. He's a total different person from hs daughter.
"Sir, kalat na kalat na po sa buong school na may namamagitan po kay Hailey at Nadine." Panimula ko. Kasabay no'n ay ang kaunting pagkagulat niya.
"Malala na po ito. Nababahala na po si Nadine sa mga nangyayari. As a friend, I think you need to fire Sir Hailey, Sir." Suhestyon ko. Sa puntong ito, magkatapat ang dalawa kong kamay at 'yung utak ko, hindi tumitigil sa pagp-pray na sana'y maniwala siya sa kasinungalingang sinimulan ko.
Saglit pa'y natahimik siya't mukhang nag-iisip. "Well..." At tumikhim ito saglit. "Thank you for informing me. And I agree. Let's do that."
Muntik na akong matapilok sa daan. Lutang kasi 'yung isip ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko iyon. Malapit na sana ako sa classroom nang biglang makita ko si Hailey na dumaan. Agad akong nagtago sa wall at walang isang segundo pa'y tumakbo ako. Papunta sana ako sa office ng Daddy ni Nadine nang biglang hatakin ako sa hagdan ng isang lalaki. Nang matignan ko'y si Hailey ito. Hindi ko magawang makawala dahil ang lakas niya.
"Let go!" Pero hindi siya nakinig at hinigit niya lamang ako papunta sa likod ng hagdan na kung saan malimit lamang ang taong dumadaan dito.
"You listen to me. Anong binabalak niyo ng ate mo ha?!" Mahina pero halata sa boses niya na galit siya. Hawak parin niya yung kanang pulso ko para hindi ako makawala.
"Let go of me!" Mahina ko ring sabi. I need to cool my voice down. Ayaw kong may makakita sa amin.
"Magsalita ka!" Mapilit talaga siya pero hindi ako magsasalita dahil ayaw kong masira ang balak ni ate. Ayaw kong masira kami.
"Sa pagkakaalam ko, wala ka nang babayaran sa school dahil sa kanya. She's good to you at ano itong ibabalik mo?" Pangangaral niya. I know. Totoo ang mga sinasabi niya. Pero mas mahal ko ang ate ko kaysa kay Nadine.
"Yes, mabait nga siya sa akin. Pero, hindi sa iba. She humiliated my sister! Nakita mo iyon!" Kailangan kong maging malakas para sa amin ng kapatid ko.
"So this is revenge, then? Ginagawa mo ang mga gusto niya dahil nakita mong sinasaktan ni Nadine ang ate mo? You're not doing that for yourself, but you're doing that for your sister. Magkapatid kayo diba? Supposedly, dapat mo siyang suportahan. Oo sinoportahan mo nga siya pero sa maling paraan." Mahabang paliwanag niya. Tumatagos sa puso ko ang lahat ng sinabi niya. Pero napailing ako. Hindi! Buo na ang pasya ko.
"Bitawan mo ako!" Pinilit ko pang kumawala hanggang sa nabawi ko na rin ang kamay ko. Tumakbo na rin ako ng tuluyan. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong paikutin ang utak ko at ang mahuli pa ako. Kailangan mapaalis ko nang muli si Hailey. Magagalit sa akin si Ate.
To be Continued....
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Teen FictionSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.