Chapter 29

74 1 0
                                    

Nadine

Nasa gilid ako ng kahoy malapit dito sa building namin. Bitbit ko naman ang cellphone kong kanina pa nag-iingay nang musika.

Sa gitna ng pagmumuni-muni'y isang hinihingal, pawisan at pagod na Jinki ang lumapit sa akin na kinadahilan ng pagtayo ko.

"N-n-nad's! Please, h-help me!" Naiiyak at napapaluhod na na sabi nito. Hindi ko naman alam ang gagawin dahil natataranta na lamang ako sa pangyayari. Hinawakan ko na lang ang magkabila niyang braso at pilit na itinayo.

"Ano bang nangyari?"

"Here..." Sabay bigay niya sa kumpol-kumpol na papel. Binuksan ko naman ito't binasa.

Halos mailuwa ko naman ang mata kong dilat na dilat. Dilikado si Jinki. Sinasabi kasi sa letter na kapag hindi siya makakabayad ng twenty thousand ay susugurin siya't papatayin ng kung sino mang nagpadala nito.

"Hindi ko maintindihan..."

"Nanghiram ako ng pera sa kanila. Almost two weeks na iyon. W-wala akong pera. Nad's, kakapalan ko na talaga mukha ko. Ayaw kong magpakita sa kanila. Please, let me borrow money at ikaw ang magbayad sa kanila. Hindi ko kaya."

Hindi ko alam. Pero sa simpleng iyak at awa niya, nadadala ako. Naituring ko rin kasi siyang kaibigan kaya naman ganito na lamang ang epekto niya sa akin.

Hinigpitan ko ng hawak ang dalawa niyang kamay at seryoso ko siyang tinignan. "This is for betraying you. I'll do this."

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at lakas-loob kong nilakad ang daan papuntang labasan.

Jinki

"This is for betraying you. I'll do this."

Napako ako't hindi man lang siya nagawang pigilan. Kinakain na naman ako ng konsensya. Ang letter na iyon ay gawa ni ate at ang plano niya'y lumapit ako kay Nadine at hayaan siyang siya ang gumawa no'n.

Napailing ako. Kailangan kong gawin ang plano ni ate. Ito lamang ang paraan upang magkaayos kami. Pero, sa sinabing iyon ni Nadine, parang sinasabi na niyang naging kaibigan na niya ako.

Nadine

Isang eskenetang makipot ang aking pinasok, ito ang sinasabi sa GPS ko. Hindi ko naman kasi alam kung saang lupalop ng Pilipinas ba makikita si Kian-- 'yung lalaking inutangan ni Jinki. Madilim na din at wala nang katao-tao sa paligid. Sa layo ng nilakad ko, hindi ko namalayang kinain na pala ng buwan ang araw.

"Aah!" Pasimpleng sigaw ko nang dumapo sa makinis kong balat ang isang maliit na lamok. Wala pang nakakatikim sa dugo ko kaya naman ganyan na lamang ang reaksyon ko.

Matapos mapasok ang eskenita, isang bayan naman ang nadatnan ko. Dinig na dinig ko ang kuliglig sa ilalim ng gabi oati ang mga nagsisiusap na aso.

Kriiing

Isang talon ang bumalot sa akin. Tumaas talaga ang balahibo ko sa gulat. "Hello?!" Inis at may ma-awtoridad na boses kong sagot sa kabilang linya. "Nad's, saan ka ba?" Hindi ko na nagawang tignan kung sinong nilalang man ang tumawag pero boses pa lang niya, dama ko na siya.

"Ashly? I'm looking for a man." Mahinang sabi ko sabay libot ng mata sa paligid. "IKR! Ikaw na lang ang walang boyfriend sa amin!" Excited na sagot no. Hindi pa nga niya sinasabi, alam ko na pero hindi ito ang oras para kiligin ako sa mga drama nila dahil hindi ko na talaga alam kung saan na ako dapat magsimulang lumakad.

"Hello? 'Yung totoo? Nasaan ka ba talaga?" "Jeez, Ashly! May hinahanap ako! I'm here to win Jinki's heart! Do not blame me, my heart softened when she touched me. Hindi niyo ako masisisis."

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon