Hailey
"No! Bakit hindi mo sinabing umalis na siya? Bakit?!" Sigaw ko kay Daddy. He's so evil! Bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Son, you're engage! I already told you." He explained. No! Hindi pwede ito. I- I can't live without her.
"I don't love her! Please, Dad. 'Wag mo akong igaya sa iyo. I know nagawa mong mahalin si Mommy pero dahil iyon sa wala ka ng choice. Dad, p-please.." Pagmamakaawa ko.
He exclaimed, "God! I'm so sorry, son. But Mr. Laz---"
" I will try, Dad. I'll talk to him."
Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at tuluyan nang umalis ng bahay. Nagpunta agad ako sa bahay ni Tito. Napansin ko naman na parang bukas ang pinto nila kaya pumasok na ako agad. Nadatnan ko naman si Tito na pababa ng hagdan.
"Tito! Tito, saan po kayo pupunta?!" Tanong ko. Hindi pa niya ako tinignan at nagpatuloy lang sa pagbaba ng hagdan. Ako naman itong paatras na bumababa.
"We're heading to the Philippines. God, Jojo. Stop this. You're already engage!" Sabi niya na huminto na sa huling hagdan.
"No, Tito! I love your daughter. I will do everything po." Pagmamakaawa ko. 'Wag naman sana gano'n. Padalos-dalos sila masyado.
"But, my baby is already suffering. She can't look at you, anymore." He explained. Nag-aalala talaga siya sa anak niya. Even me, nag-aalala din ako.
"Let me go too, Tito. After a month, pupunta ako. Please, just trust me on this."
Yumango lang siya hudyat na pinapayagan niya ako. Sobra naman akong naging masaya. Atlast, napapayag ko na din sila.
On my way to my crib, an accident happened. Nabangga ako ng isang kotse. I didn't suffered from amnesia but my face broke.... literally, broke.
--
"Thank God, she did something." Sabi ko sa harap ng monitor. Kasalukuyan akong nasa kwarto at nagco-compute na ng midterm grades. Yes, midterm already passed and my Jiji did a great job.
Since, I went here hindi ko talaga alam na sikat siya. Yes, kinakatakutan sila ng mga kaibigan niya. Anak naman kasi siya ng may-ari. Isang maling galaw mo lang, talo ka na.
Akala ko, puro pasikat at patakot lang siya but no, she's a total package. Matalino, maganda... she's different.
Masaya na akong nakakasama ko siya sa klase ko. Masaya na akong nakangiti siya sa harap ng mga kaibigan niya. Masaya na akong tinutulungan siya sa pageehersisyo niya. Oo, naging bastos rin ako but it's part of my plan. Hindi pwedeng malaman niyang ako ito. Kailangan kong magdoble ingat. Ito lang ang kaunting chance ko para makasama siya kahit ako lang ang may alam. Kailangan kong magdoble o kung pwede triplehen pa para hindi ako tuluyang ipatapong muli ni Tito sa Thailand. Kailangan kong kumapit sa kaunting chance na ito.
Narinig kong may namamagitan sa kanila ng Trent na iyon. There are times na sinusundan ko siya at minsan pasimple silang nag-aaway sa tabi. Wala na silang dalawa pero mukhang tamang-tama pa itong si Trent kay Jiji. Hindi ko naman maiwasang magselos. Syempre, pareho kaming may gusto sa isa't-isa noon kaya hindi ko maiwasang magselos! Oo nga, hindi naging kami, walang KAMI noon, pero parang ganoon na rin kami. Mas pinili lamang namin ang walang status dahil uso kasi yung WALANG FOREVER at marami na kaming nahagilap noon na nagkahiwalay lang sa huli. Atleast, kapag nagsawa siya, may pag-asa pa akong ligawan siya.
Habang pinapanuod ko siya sa malayo, habang sinusulyapan ko siya ng tingin sa t'wing nagkaklase kami, napapa-isip ako... iniisip din kaya niya ako? Inaalala niya parin kaya yung panahong magkasama kami? Yung masasayang- araw, yung halos tatlong taong pagkakagustuhan namin na walang estado? Kahit nagkaroon na siya ng boyfriend, kahit wala na sila ngayon, iniisip niya parin kaya ako? Kung sakaling malaman niya na ako ang nasa likod ng mukhang ito, matatanggap niya parin kaya ako? Maibabalik pa kaya namin ang kung ano kami noon?
Haaay... sana hindi lang ako puro pangarap, sana naman kahit kaunting chance, mayroon. Hinding-hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Buong-buo parin ito. Walang labis, walang kulang.
***
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Ficção AdolescenteSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.