Happy new year guys! 2015 na. Magbagong buhay na tayo. Hehehe Xoxo
Jason's POV
Kinagabihan.
"Pre, inom tayo ngayon." Napatingin ako kay Mark, isa sa mga kasama ko dito sa kwarto.
"Alam mo namang bawal." Sagot naman ni Justin, kasama ko rin sa kwarto.
"Okay yan a! Sige na mga baby!" Sabi ni Micky.
"Kita mo na? Tawagin natin yung iba para marami naman tayo. " Dagdag pa ni Mark.
"Siguraduhin niyo lang yan na hindi tayo mahuhuli." Sabi ko sa kanila sabay tayo.
"Oo naman! Tara!" Sabi ni Mark. Sila nalang yung lumabas at nagpaiwan nalang ako sa kwarto.
Ilang minuto pa ay may mga pumasok na. Nagulat naman ako na andoon yung apat. Sino naman kaya nakapagpapayag diyan.
"Micky, you should've-- Jason? Dito pala kwarto mo?" Napatingin ako kay Nadine instead sa nagsalita na si Aleya. Kung gano'n magkaibigan pala si Aleya at Micky. Kaya siguro napapayag sila.
"Sorry, they're all sleeping. Looks like, it's only us, eight." Sabi ni Justin.
Nagsimula namang gumawa ng circle ang lahat at umupo at nasa harapan ni Mark yung drinks. Bali siya yung ganner o yung magsisimula at magbibigay ng drinks.
"Aleya, Nadine, Vina, Suzy.. this is Mark, classmate ko yan. Si Justin naman, sa kabilang klase yan and si Jason. Kilala niyo na siguro siya." Pagpapakilala ni Micky.
"Hi/hello!" Sabi ng dalawa. Nagresponse naman yung apat.
"O ikaw na Micky." Dahil si Micky ang katabi ni Mark, siya yung napasahan ng drinks. Katabi naman ni Micky si Aleya, tapos, Vina, Nadine, Suzy, Justin, ako at ako ang katabi ni Mark.
Ininom na ni Micky yung drinks at ibinalik na kay Mark hanggang sa nalibot na ito.. ng ilang beses.
--
"L-laro tayo! Laro tayooo!" Sigaw ni Nadine. Siya yung unang nalasing sa lahat. Tinignan ko naman si Suzy at sumenyas siya na First time daw ni Nadine ito. Kaya naman pala.
Kinuha ni Nadine ang Bote ng isanh drinks na naubos na at nilagay ito sa gitna.
"Y-you turn it. And if w-who's the first p-point. Will be asked truth or dare! But off curs, the one who'll asked, is the one who-- who turned the- the bottle. GOT IT?!" Sabi ni Nadine na lasing.
Habang naglalaro ay patuloy parin ang pag-ikot ng drinks. First nagpaikot ay si Micky at naturo nito si Mark.
"Dare!" Sigaw ni Mark na hindi naman gaanong malakas.
"Kiss me in the cheeks, baby." Ngingiti-ngiting sabi ni Micky. Ay dahil magkatabi lang sila ay agad namang ginawa ni Mark ang dare.
"Wooooo!" Sigaw ng lahat. Natatawa naman ako kasi lasing narin pala si Mark.
Si Mark naman ang sunod na nagpaikot ng bottle at naituro ito kay Aleya.
"Truth!" Sagot ni Aleya.
"Ilang lalaki na naikama mo?" Tanong ni Mark.
"Siraulo ka ba?! Oo I'm the type na kahit sinong lalaki yung kinakasama but damn! I'm not a slut!" Sagot ni Aleya. Nasa katinuan pa naman siya.
Si Aleya naman ang nagpaikot at napunta sa kay Nadine yung pointer ng bottle.
"Truth." Sagot niya.
"Ilang baso na nabasag mo?" Anong klasing tanong ba iyan?
"Marami na! Yung nagalit ako.. y-yung nainis ako. Marami!" Sagot ni Nadine. Siya naman ang nagpaikot nito at ako nga naman yung naturo. Sa totoo hindi naman talaga dapat ako e, si Justin dapat yun kaso inayoa niya yung bottle at itinuro sa akin. Natawa nga ako e. May sayad na 'to.
"Jason! Saktong-sakto lang a! Jason, bakla ka ba?" Umiling ako. Ako bakla? Siraulo, wala pang nakapagsabi sa akin niyan a.
"E bakit hindi mo ako magustuhan?" Natahimik ang lahat.
"Sige nga, kung hindi ka bakla, iprove mo sa akin. i-PROVE MO!" Sigaw niya. Andaya naman nito, truth and dare na pinapagawa niya a.
Shit! Ayaw ko talaga mapagsabihan ng bakla. Tang-ina, si Micky lang bakla dito.
"I-prove? Walang angalan?" Umoo naman siya. Ay! naghahanap ng inis ang taong 'to a.
Tumayo ako at doon ko lang nalaman na may tama na rin pala ako. Pasuray-suray akong nagtungo sa kinauupuan ni Nadine at umupo ako sa gitna nila ni Suzy.
"Nad's."
"Mm?" Inilibot niya ang tingin sa akin at sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan ko siya. Smack lang naman.
Lumaki yung mata niya at sinampal ako and the next thing I know is natumba siya sa akin at nakatulog na.
Nadine's POV
Sinong siraulo ba yung humalik sa panaginip ko kagabi? Walanjo! Sinampal ko a! Pero bakit ang sakit ng ulo ko?
Umupo ako mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak yung ulo ko. Feeling ko pa e nasa ibang kwarto ako kasi iba yung lamig at amoy.
Iminulat ko mata ko at sinuri ang paligid. Nakita ko yung tatlo na nasa iba't-ibang kama. Pero pagtingin ko sa sahig ay nakakalat na yung apat na lalaki sa paghiga. May tulo laway pa. Tama! Picturan ko sila! HAHA!
Kinuha ko cp ko sa bulsa ko at tig-iisa silang pinicturan. Pft! Naghihilik si Jason. Ivi-video ko 'to!
Bumalik naman ako sa kama at tinignan ulit ang mga kinuha kong litrato kaso nalowbat agad kaya tumayo ako at binuksan ang drawer ko. Pero laking gulat ko na breif yung nakita ko.
"Waaaaaaaaaaah!" Sumigaw ako.
Jason's POV
Bigla akong nagisiblng dahil sa isang sigaw. Lahat pala kami nagising sa sigaw at napatingin sa sumigaw.
"KANINONG KWARTO ITO?!" Gulat naming tinignan si Nadine na nakatutok sa tinitignan nito. Nakatalikod siya sa amin kaya tumayo ako at tinignan ang tinitignan niya.
Nagulat ako ng breif ko ang tinititigan niya kaya agad ko itong sinarado at humarang ako sa kanya.
"Mambubuso ka ba? Breif ko tinititigan mo." Sabi ko sa kanya.
"Malay ko ba kung breif ang nadiyan. Nasaan ba kami, Jason? ha? Pinagsamantalahan niyo ba kami? Ha?" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ha! Excuse me! Halik lang yun!" Lumaki mata niya at parang may inalala.
"H-halik..IKAW?!" Sigaw niya ulit. Aaaa! Bakit ba ang lakas sumigaw ng mga babae? Ang sakit sa tenga.
----
#Justice -- basahin niyo naman yung new story ko. Iyan po yung title. Hehehe xoxo
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Teen FictionSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.