The F4 (The female four)

1K 13 4
                                    

Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa aking mga labi samantalang yakap ko ang litratong pumupukaw sa nakaraan kong gunita. Sa isang malawak na kwartong ito, damang-dama ko ang tawa't hinagpis na mayroon kami noon. Sadya nga namang tumatakbo sa bilis ang panahon at heto na't tungtong ko ang hindi ko inaasahang kinabukasan ng buhay ko.

'Miss Nadine, nandito na po sila.' Pukaw sa akin ng aking sekretarya. 'Susunod ako. Salamat.' Muli ay binigyan ko ng isang namamaalam na tingin ang buong kwarto bago tuluyang nilisan.

'Nadine, bakit mo naisipan ang magtayo ng isang coffee shop na katulad nang ganoon?' Panimulang tanong ng isang interviewer nang tumapak ang mga paa ko sa labas.

Huminto ako't napangiti ng mapait at hinarap siya. 'Because, I was too dumb.'

****

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon