Nadine
Galit niya kaming tinignan pero wala namang lumalabas sa bibig niya. Nakatitig lang din ako sa kanya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko ito maexpress.
Bigla na lamang siyang tumalikod. She's perfectly dissapointed right now.
"Woah! Tinignan niya ba talaga tayo ng ganoon? Pinaganda mo lang ang buhay niya dito, gano'n na siya?" Hindi makapaniwalang sabi ni Maddie.
"Pero, hindi ko alam na magkapatid pala sila." Sabi naman ni Candie.
"Yah. Hindi ko kasi sila nakikitang magkasama." Pag-agree pa ni Ashley.
Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila, bagkus ay naglakad ako palayo. Hindi ko lang talaga alam ang nararamdaman ko. Naramdaman ko na ito noon, yung minsang nag-away kaming apat. Hindi ko rin maexpress yung naramdaman ko noon, I just stayed silent.
"Nad's, kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Tanong ni Ashley out of nowhere pero hindi parin ako makasagot. Nasa gitna kami ng klase at ni isa, walang pumasok sa utak ko.
"Baka nagulat siya sa inakto ni Jinki kanina." Opinyon naman ni Candie.
"No way. Naging ganyan siya noon! Nads! Nagiging ganyan ka lang sa mga nakaalitan mong kaibigan!" Mahina pero gulat na sabi ni Ashley. Hindi kami pwedeng mag-ibgay masyado dahil nasa klase nga kami.
Napatingin naman ako sa kanila. Nagulat ako sa sinabi ni Ashley.
"Omg! This is first, treating a stranger as a friend." Sabi pa ni Maddie.
Hindi parin ako sumagot. Ganoon na ba talaga yun? Kasi sa puntong ito, gustong-gusto ko siyang kausapin at magsorry. Hindi ko alam pero nakokonsensya ako. Wala kasi talaga akong alam na yung tinutukoy niyang ate ay si Jamie.
Pagkatapos ng klase, sinubukan kong hanapin si Jinki. Hindi din kasi siya pumasok sa isa naming klase. Nasaan na ba 'yon?
Naisipan ko siyang puntahan sa SH. Nang makarating ay mahina kong binuksan ang isang pinto ng double door. Hindi maingay sa loob kaya sigurado akong walang tao pero nagkamali ako. Nang maaninag ko na ang buong SH, nakita ko si Hailey. He's dancing to the beats. I jaw-dropped. He's a good dancer, he waves like a professional. It's a lie saying na hindi ako namangha sa galaw niya. He's a pro!
Nagulantang ako nang mapansin niya ako sa malaking mirror na kung saan siya nakatingin the whole time kaya naman napahinto siya at nilingon ako. Sinarado ko agad yung pinto at umalis. Phew! Kinabahan ako do'n ah.
"Hey!" Tawag niya sa akin. Napalingon ako bigla. Lumapit siya ng nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Kitang-kita ko pa ang pawisan niyang katawan. I mean, nakasleevless lang kasi siya kaya halata yung pawis niya sa puti niyang suot. He looks cool while walking towards me hanggang sa makaharap na niya ako. Wait! What am I doing? Bakit ako nakayuko? I am not me!
I looked at him with my chin up. Hindi ko pinakitang may pinagdadaanan ako ngayon. Wait, mayroon talaga?
"What are doing there?" Seryosong tanong niya. Bakit ba ganyan siya? Tch. Siguro panget siya kapag nakangiti. I never seen him smile.
"I'm looking for someone. It's not what you think." Sabi ko sabay irap sa kanya. Akala niya siguro, siya ang pinunta ko dito. Hell, no!
"Okay. Follow me to my office." Mahinang sabi niya tapos tumalikod na't lumakad. Did I heard it right?
Hindi ako gumalaw at tinignan lang ang pawisan niyang likod. Nakakunot ang noo ko. Pero, lumingon siya sa akin at sininyasan ako na sumunod sa kanya. Then, I cussed.
Sumunod ako sa kanya sa hindi malamang dahilan.
Nang makarating sa offcie niya. He suddenly wear off his sleevless. What the fvck! Agad akong napatalikod sa ginawa niya pero nakakainis! May malaking mirror din pala sa tinalikuran ko pero half lang ito ng katawan kaya nakikita ko parin siya so I just closed my eyes.
Nang tumikhim siya'y agad naman bumuka ang maganda kong mata. Nakaupo na siya at mukhang fresh pa. Oh! Don't mind what I just said.
Humarap ako sa kanya. Medyo malayo pa yung distansya ko sa desk niya.
"Please sit down." Utos niya pero hindi ako nagpatinag at nakatayo parin sa pwesto ko. Tinignan niya ako at nagtaka kung bakit hindi ko siya sinunod pero parang naintindihan naman yata niyang spoil brat ako kaya nagpatuloy siya sa ginagawa niya sa kaharap niyang mga papel.
"I won't be here tomorrow. Take this."
Hindi na ako nagpaligoy pa't kinuha ang binigay niya. Hindi ko naman maabot iyun kung hindi ako lalapit. Hindi ako tanga no.
"Nakasulat na lahat diyan. Announce it tomorrow. Makakaalis ka na." Sabi niya nang hindi man lang ako tinitignan. What?! Inuutusan niya ba ako? I've never done this before!
"Where are you going, sir?" Tanong ko out of nowhere. Omg! Napatakip ako ng bibig. Natanong ko ba talaga iyon? Nakita ko naman siyang nagsmirk.
"Don't worry. I'll take care of myself." Pang-iinis niya. What the heck! Kaysa madagdagan pa yung masabi kong walang kwenta, lumabas na ako agad.
Napasandal ako sa pinto, kinabahan ako do'n ah. Omg! This is not me!
Lumabas ako ng SH at naglakad na papunta sa condo unit malapit sa school. Nandoon naman silang tatlo, they already texted me.
Sa gitna ng paglalakad ay biglang nagbeep ang phone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang sinend na photo ni Ashley.
[Nads! It's all over the campus! You're viral!] Caption ni Ashley sa sinend niyang photo.
Napangiwi ako. Ano naman kaya ito? Ang hina kasi ng signal kaya nagloload pa siya.
Muntik ko nang maihulog ang cellphone dahil sa nakita ko. As in, nilapit ko talaga siya ng tuluyan sa mukha ko. It's me and that alien Hailey. Wait, kanina 'to ha? Ito yung time na sumunod na ako sa kanya. May picture din no'ng nasa labas na ako ng office ni Hailey, hawak ko ang dibdib ko dito. They misunderstood it!
***
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Genç KurguSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.