CHAPTER 5

170 5 2
                                    

Nadine

"Good morning, Ma'am. I will be your Instructor starting today. I am Hailey Reid." Sabi nito na usually namang introduction sa amin ng mga baguhang instructors. Napangisi ako dahil sa Ma'am na sinabi niya. Hindi ko pa siya tinawag na Sir pero siya, iyun na agad ang natawag sa akin. Ha! That's a points for me.

"So, magsisimula tayo ngayon sa stretching, Ma'am." Kung nagulat ako kanina, mas nagulat ako ngayon kasi nagtatagalog pala siya.

"Nagtatagalog ka?" Gulat na tanong ko.

"Yes, Ma'am." Magalang na sagot nito at sabayan mo pa ng ngiti. Napayango na lang ako sa nalaman. Ibang klase.

Ini-ins-truct niya sa akin yung mga stretching niya at halos mabali ang buto ko dahil panay ang pag-aadjust niya sa katawan ko.

"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa ginagawa mo?!" Iritang sabi ko. Nasasaktan na kasi ako sa ginagawa niya. Kung may galit siya sa akin, 'wag niya idamay yung maganda kong katawan dahil mahal na mahal ko ito.

"Sorry, Ma'am." Yun lang ang nasabi niya.

Nagsimula na ako sa pagtakbo at nakabantay naman siya sa gilid ko at mino-monitor yung bilis ng takbo at oras. Tagaktak na yung pawis ko at ganoon din siya. Alam kong hindi bawal sa kanila ang maghubad dito kaya hindi naman siya nagpahuli at hinubad ang damit nito.

Habang itinataas niya yung damit niya, napako naman ang tingin ko doon sa abs niya hanggang sa itaas. May abs siya? Oo nga naman, Instructor nga siya eh.

"Ma'am." Tawag niya sa akin.

"Huh? Aaaah!" Natangay na ako ng takbo ng machine kaya napaatras ako at natumba. Nakahilata ako ngayon at nakatingin sa kisame. Nakakahiya! Did I just stare at his body? And did I just saw him smirk? No!

Tutulungan na sana niya akong tumayo pero tinabig ko ito at itinayo ko yung sarili ko. Ayaw kong madapo ang ano mang parte ng katawan ko sa katawan niya.

Sumunod naman yung boxing. Nakita ko pa si Trent doon na nag-sha-shadow boxing. Tumaas ang kilay ko no'ng naisip ko na siya pala ang sasagang sa akin. Napangisi ako habang inaayos niya yung gloves sa mga kamay ko. Nasa gitna kami ng ring dahil mas gusto ko dito. Nagsimula na rin kami at simula pa lang, hinahabol ko na siya, panay naman ang pag-ilag niya dahil hindi mismo yung mga kamay niya ang tinatamaan ko kung hindi ay siya mismo. Gumagamit na rin ako ng mga kicks at oo, magaling talaga siyang umilag pero hindi parin ako tumigil. Naagaw na yata namin yung atensyon at mata ng mga nasa gym pero wala akong pakialam dahil gusto ko lang naman masapak kahit isa ang kaharap ko ngayon pero ang galing niya paring umilag.

"This is a good show. May alitan ba sa dalawa?" Dinig kong tanong ni Von kay Ashly.

"Oo, binasted kasi si Nadine ng Instructor namin kaya ganyan yung galit niya." Hindi ko naman masyadong narinig iyun dahil naghiyawan na yung iba.

"Hahahaha! Go lang, Nad's. Ipagtanggol mo yung pagmamahal mo!" Sigaw ni Von na siyang ikinatigil ko kaya naman nabangga ko si Hailey dahil hindi ako tumitingin sa kung saan man siya. Muntikan na akong matumba kaya naman sinalo niya ako. Kaya no'ng magkalapit yung mukha namin, agad ko siyang tinulak ng malakas na para bang doon ko nilabas ang galit at inis ko sa kanya. Lumabas ako ng ring at nagpunta sa locker room. Kumuha ako ng tuwalya sa locker ko at ng isarado ko ito, si Trent agad ang bumungad sa akin.

"Sh*t! Ano ba! Nanggugulat ka!" Inis na sabi ko. Umupo naman ako at nagpunas ng pawis.

"So pumapatol ka na pala ngayon ng guro?" Tanong nito habang naglalakad papunta sa locker niya.

"What?!" Gulat na tanong ko. Ano bang pinagsasabi niya?

"That Hailey. Diba Instructor niyo rin iyun sa P.E niyo?" Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Pwede bang diritsuhin mo ako? Ang dami mo kasing nililiko. Ano bang ipinuputok ng botsi mo?" Nakakunot-noong tanong ko. Out of nowhere na lang kasi, bigla siyang nagsalita. 4 months na naman kaming break pero hindi parin kami makapag-closure dahil sa iyan, dahil ganyan siya. Napakalabo.

"You're flirting with that man!" Diritsang sabi niya. Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Nabasa niya siguro na hindi ko maintindihan kaya pinaliwanag niya ito.

"I heard it from, Ashly. Ganoon ka na lang kung lumaban sa kanya dahil binasted ka niya. Ganyan ka na pala ka-desperada para makahanap ng iba? Para takpan mo yung nararamdaman mo? Bakit hindi mo sabihin sa akin na mahal mo parin ako? Babalikan kita. Hindi mo na kailangan pang makipaglandian sa lalaking--" Bago pa man niya matapos ang sasabihin, sinampal ko na siya.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin na malandi ako? Eh, ano ngayon kung gusto ko siya? Ikaw? Mahal ko pa? Tanga ba ako, Trent? Hindi! Hindi ako tanga para mahalin ka pa simula no'ng araw na 'yun! Tama na. Tigilan na natin ito." Mahinang sabi ko. Hindi ko na pala namalayang umiiyak na pala ako. Ang sakit lang eh. Ang sakit lang talaga.

---

The F4 (The Female Four)(Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon