Hailey
Kakagising ko lang nang tumunog ang phone ko. By just looking kung sino yung tumatawag, napapabuntong-hininga na lamang ako. Ano na naman ang kailangan niya?
"Dad." Walang reaksyong sagot ko. Kinuha ko naman yung towel na nakasabit sa likuran ng door ko at naglakad papuntang banyo.
[Son, Pima followed you.] Hindi makalama-kalmang sabi niya. Agad ko namang na-off yung phone. Hindi ko malamon ang balita ni Dad. I already told her na hindi ko siya mahal. Bulag na bulag talaga siya. Pakiramdam niya, wala nang magmamahal sa kanya. Napakaganda niyang babae pero kumakapit siya sa isang gagong tulad ko.
Nadine
I told her to wait at the receiving area na malapit sa office ni Dad. While leaving her, I felt something inside my chest. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Wala lang naman si Hailey sa akin at hindi siya si Jojo. Proven na iyun. Pero, nang dumating si Pima, isang Thailand citizen, Hailey's fiance, it makes me think na siya nga si Jojo.
I am so confused right now. Sobrang nalilito na ang utak ko.
Habang tinatahak ko ang daan papuntang social hall, nakita ko agad si Hailey na papalabas doon. Tumungo akong lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nakatungo.
"Your fiance's looking for you. Nasa receiving area siya." Then I left without even looking at him.
It is wrong to eavesdrop. Maling-mali pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Mali yata! Mali yatang nakinig ako.
Hindi ko namalayan. Umiiyak na pala akong tinatakbo ang hallway.
Jinki
"Ate.. may namamagitan sa kanila ni Hailey." Balita ko sa kanya. Padaan sana ako sa office kanina nang makita kong may pinapakinggan si Nadine sa receiving area. Naghintay akong makaalis siya. Nang makaalis ay lumapit ako doon at pinihit ng kaunti ang doorknob. I was shocked nang makitang si Hailey ang nandoon at ang babaeng yumayakap sa kanya. I now understand.
Hailey
Nang makapasok sa receiving area, agad akong nilapitan ni Pima at niyakap. Tinulak ko siya ng mahina at umupo kaming magkatapat.
"What are you doing here?" Tanong ko. Ang ganda niya parin talaga.
"Jojo, you can't just leave me like that. I love you so much!" Sa isang iglap lang ay tumulo na nang kusa ang luha niya. Oh God! I hate to see her cry. Oo, hindi ko siya mahal pero hindi ko kayang makakita nang babaeng umiiyak.
"Pima, d'you want me to love you even though my heart belongs to someone else? You're too beautiful, why do you keep on knocking my heart? I can't open it for you."
"Jiji, I saw her." Sabi niya sa gitna ng kanyang mga hikbi. Pinipilit niya namang kumalma.
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Nagkita sila? So kaya pala ako pinuntahan ni Jiji?
"She's the one who sent me here." Dagdag pa niya.
"C'mon, Pima. Please, don't do something stupid. She didn't even know that it's me... Jojo." Kinakabahan kong sabi. Hindi naman siya yung tipong gumagawa ng kalokohan pero natatakot ako na baka dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'kin, may gawin siya.
"I didn't came here to do that. I-- even if it hurts, I wanna let you go. But I want to stay with you. Please, just give me a week." Kahit ayaw ko'y pumayag ako. Tumayo ako pero lumapit siya't agad akong niyakap. Hinayaan ko na lang siya.
Nadine
Hindi na ako pumasok sa susunod kong klasi. I directly went home. Pumasok agad ako ng kwarto at doon nagmukmok. I, then texted them. Lagi naman kaming nag-aalahanan sa t'wing dumadating ang ganitong unos.
Ilang minuto ko pa lamang sila natext pero ayan na't dinig ko na ang pagdating nila.
"Nad's!" Agad akong niyakap ni Ashly. Lahat kami ngayo'y nasa kama ko.
"Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Maddie. Hindi sila sanay na nakikita akong umiiyak.
Agad ko namang ipinaliwanag sa kanila ang dahilan ng biglaang pag-iyak ko. Naintindihan naman nila agad ako.
"Bakit hindi siya nagsalita?"
"Pero, how come na naging siya si Jojo? Pinakita mo sa amin yung picture niya noon pero, Hailey doesn't looked like Jojo."
"May nangyari kaya?"
"O baka pinagti-tripan ka lang no'n."
"Hello? Mukha bang nanti-trio ang itsura no'n? Baka may nangyari nga. Diba, uso na yung plastic surgery ngayon?"
"Eh bakit naman siya magpa-plastic surgery? Ang gwapo na niya noon no."
Andami nilang opinyon. Miski ako, naguguluhan din. Hindi ko alam kung ano talaga ang katotohanan dito.
"Youn know, Nad's. May isang solusyon ka lang diyan eh."
Hindi paman niya sinasabi, alam ko na din iyan. Hindi naman masasagot ang lahat ng tanong ko kung hindi kami mag-uusap. I just need to face him. Kailangan kong humugot ng maraming lakas ng loob para kausapin siya. Para akong multong pagala-gala ngayon, hinding-hindi matatahimik. Kailangan ko siyang kausapin.
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Teen FictionSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.