Nadine
I don't really know what happened yesterday. I just left at his office nang walang pasabi. I mean, matapos niya akong yakapin, matapos akong manigas at umiyak, tumalikod na lamang ako't tumakbo palayo. Oo, mulat na ako ngayon. Mulat na ako sa katotohanan pero hindi ako bato. Tao ako at may puso. Sugat na sugat ang puso ko. Minahal ko siya ng sobra. Hindi ganoon kadaling malagyan ng band aid ang butas kong puso. Hindi ganoon kadali iyon!
Ewan. Hindi ko na alam ang gagawin.
Candie
I decided to date myself. Nakakapagod din kayang makadate ang lalaking 'yon. Feeling ko, tataba ako sa t'wing kasama ko siya kaya naman todo workout talaga ako.
Naglakad-lakad lang akong iniikot ang mga convenient stores, malls, seven eleven at iba't ibang mapapasukan pa. I don't know, gusto ko lang mapag-isa tonight.
Nang mapagod sa kakaikot, sa seven eleven parin pala ang bagsak ko. Nag-slurpee lang ako. Kahit mayaman ay, I know how to eat these kind of foods naman.
While I was sipping my slurpee, nakita ko si Trent na dumaan. Dali-dali naman akong tunayo't hinabol siya ng lakad. Bigla siyang pumasok sa isang Coffee shop. I was about to enter the shop na rin sana when I suddenly saw him with a girl. No, it's not just a girl, it was Jinki. May nangyayari ba ditong hindi namin nalalaman?
Tumutunog na yung pagsisigop ko ng slurpee. Lutang ang utak nang maglakad ako out of nowhere. Naglakad lang talaga ako kahit saan sa lugar dito.
Wala ako sa isip nang biglang may nabangga ako. Mula paa hanggang ulo ko talaga siya tinignan dahil sa tindig niya at para akong nakakita ng multo sa itsura ko. He's mad. Uh-oh.
**
"Gooosh! I already said my sorry na nga diba?" Pamimilit ko. Matapos no'ng kanina, bigla na lamang siyang naglakad palayo. Hinabol ko siya ng hinabol at pinilit kausapin pero hindi niya parin ako kinikibo.
"My God, Codes! Napapagod na ako kaka-sorry sa'yo. Kung ayaw mong tanggapin, edi 'wag! Diyan ka na!" At ako naman ang nagwalk out ngayon. Halos mamaos na ako kakasigaw ng sorry sa kanya. Kung ayaw edi ayaw.
"Hey!" Sigaw din naman niya. Bumaliktad yata bigla yung nundo't siya naman ngayon ang naghahabol.
"Ewan ko sa'yo. 'Wag mo'ko kausapin!" Naiinis kong sabi. Hinihingal na nga ako sa kakalakad.
"Ikaw pang galit? Eh diba ako 'yong galit sa atin? Gumala ka ng hindi ka nagpapaalam! Buti't nalaman ko sa kaibigan mo kung saang lupalop ka na ng mundo!" Pagpapaliwanag niya. I din't egen care!
"Ano?! Magsalita ka naman! Ako nga dapag yung galit eh!" Dagdag pa niya.
"Nasaan ang paki ko?!" Sumbat ko pa. Pero imbis na maglakad pa ng maglakad palayo, hinarangan niya ako bigla dahilan nang paghinto ko.
"I just want your sorry, you know?" Sabi pa niya. Dahio nga matangkad siya, kailangan ko pang i-angat ng todo-todo ang ulo ko.
"And I just want your sorry too! Muntik na akong mamaos sa kakasigaw sa'yo! Eh hindi mo man lang ako pinansin! Pinagod mo pa ako ng sobra!" Naiinis ko paring sabi. I hate him talaga.
"What?! Ako nga 'yong unang gali--- aaaaarg!" Pagpipigip niya ng inis. Hindi ko talaga siya maintindihan. Tignan mo, napapahawak na naman siya sa buhok niya. I hate him doing that, he looks hot.
"Fine! I'm sorry!" Pasigaw niyang sabi. Aba! Aba!
"Ganyan ka mag-sorry? Sumisigaw? So sinisigawan mo na ako?! Ganyan ka?!" Hindi pa niya ako kailanman sinigawan sa tagal ng samahan namin. Baka may babae na 'tong mokong na 'to. Napapa-brush na naman siya sa buhok niya. Omg! Stop it!
"Siguro may babae ka na no?" Dagdag ko pa.
"Ano bang date ngayon?!" Naiinis niyang tanong. Aba! Date lang tinatanong, sumisigaw parin?
"Ewan! 23 yata!" Pasigaw ko ring sagot. 23? Omg! Nag-iba naman bigla yung itsura ko nang malaman ang date ngayon.
"So that's why! C'mon!"
Hinila niya ako papasok sa malapit na convenient store. Naghintay lang ako doon sa may mahabang table sa gilid at umupo sa stool. Isang saglit pa'y pumupuso na sa saya ang mga mata ko.
"Thank you!" At isa-isa ko na silang kinain. I love chocolates!
"I think, I need to put a reminder on my phone. 23, angry bird coming through..." Natatawa niyang sabi. Muntik ko nang malimutan!
"Put them on, you wild freak." Natatawa parin niyang saad sabay turo sa isang box ng napkin na whisper. Nakakahiya! Ano ba 'yan.
Hindi ko naman alam na nagkakaganito ako sa t'wing dinadalaw ako eh. Ewan, bigla na lamang akong dinadalaw ng inis. Bigla-bigla na lamang akong nagagalit nang hindi ko nalalaman. Buti na rin at andiyan si Codes para intindihin ako. Mismong ako, hindi ko alam na may dalaw ako. Suportadong jowa talaga siya. Kaya mahal na mahal ko ang taong 'yan.
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Teen FictionSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.