Advance Merry Christmas sa inyoow. Galing po ang greet sa akin at kay domo.
---
Flashback"Nad's! doon tayo sa gitna!" Sigaw ni Aleya.
"Nooo! sa likod nalang tayooo!' Sigaw naman ni Nadine kaya ay pumunta kaming apat sa pinakalikod.
Nagkukulitan kaming apat habang umaandar na yung bus. School trip ng mga grade 4 ngayon kaya lahat nandito. Habang nagkukulitan kami...
BOOOM
May pagsabog akong narinig. Iminulat ko ang mata ko. Nakakita ako ng napakaraming dugo, wasak na mga upuan at nakahandusay na mga bata sa sahig sa gitna ng bus.
"Aleya! Suzy!" Napalingon ako kay Vina na siyang tumawag sa amin.
"Si Nadine!" Lahat kaming tatlo ay napatingin sa kay Nadine--tulala, nakatingin sa gitna ng bus, namumutla at nanginginig. Nilapitan namin siya.
"Nad's!" Ganoon parin siya.
"I-I s-saw what h-hap-pen.." Nanginginig na sabi niya.
End of Flashback
"Well, it turned out na dalawang bus pala yung nagexplode. Yung sa kabilang klase and ang amin. We all thought na kagagawam ito ng isa sa mga estudyante sa school namin but galing iyun sa mga NPA. They want revenge. It was said na nanghingi daw sila ng tulong sa mga daddy namin but they refused kaya ganoon ang nangyari. "
Jason's POV
Grabe naman mag-isip 'to. Isa sa mga kaklase niya agad? E mga bata yun e. Pero grabe naman ang nangyari na iyun.
"Anong nangyari doon sa nagpasabog?" Tanong ko. She looked at me without expression.
"They're dead." At umiwas siya ng tingin sa akin.
Dead? Nagulat ako sa sinabi niya. Oo nga naman, makapangyarihan naman mga magulang niya.
"But how come si Nadine lang yung parang natakot? E diba, andoon rin naman kayo?" Isa pang tanong ko. Nagiging tsismoso na rin ata ako e.
"Well, siya lang kasi yung nakasaksi. Nandoon nga kami but our attention is to somebody else. Kaya gano'n." Natahimik ako at napaisip. Tumayo ako ng bahagya at nilingon si Nadine na nandoon pala sa back portion ng bus. I looked at Suzy for awhile but she just shrugged.
"Excuse me." Umalis ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa inuupuan ni Nadine. Kaming dalawa lang ang nandito sa back kasi hindi naman ganoon karami ang estudyante.
Nasa gitna siya but she went to the edge. Umurong siya at nagpunta malapit sa bintana. Pa'nu ko ito kakausapin?
Kinuha ko cellphone ko at tinext siya.
"Hey" Sent. I saw her na kinuha ang cellphone niya and read the text but she just turned it off.
"Heeeeeeey!" Sent. Isa pang text ko. Tinignan niya ulit ito pero binaliwala lang niya.
"If you won't talk to me. How can this problem be solve? Don't be so cold, Nad's. Let me explain." Isa pang text ko. Binasa naman niya ito at parang natagalan sa pagbasa. She looked at me without any reaction kaya nagulat ako.
Nagtype naman siya sa phone niya kaya hawak-hawak ko na ang cellphone ko, ready na para basahin ito.
"You don't understand. Please, just leave me alone." Napa-pout ako sa nireply niya. Damn! Akala ko magiging okay na. Mapapasubo ata ako ng wala sa oras nito e. Dapat ata may gawin ako. Hay Nadine! Naiintindihan kita e.
BINABASA MO ANG
The F4 (The Female Four)(Under Renovation)
Teen FictionSiguro kailangan ko nang magbago. Pero kung mahal ka talaga, hindi mo na siguro iindain kung anong klasing tao ka.