"Serina Salazar" tawag sakin ng prof habang nagaattendance.Sa mga sumunod naman na klase hindi ko na kaklase si Xander, kaso may isa akong kaklaseng kanina pa kulit ng kulit sakin
"Tapos alam mo ba nakita ko siyang tumae sa short haha" Kanina pa niya ko kinukwentuhan ng tungkol ata sa buhay niya.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng libro at kwento parin siya ng kwento "kanina pa ko nagkukwento hindi ka naman pala nakikinig" sinara ko naman yung libro ko at umalis ganyan naman yung paraan nila para makuha nila ang gusto nila kunwari gusto makipagfriends sunod kukunin ang number at magiging textmate at sunod liligawan at sasagutin agad tapos sa huli lolokohin lang baka nga hindi na nila nililigawan at sila na agad dahil madali nilang nakukuha ang gusto nila.
"SERENA!" Sigaw niya huminto naman ako at humarapn " naiwan mo to oh" sabay abot niya ng panyo ko at kinuha.
"Serina hindi Serena" diin na sabi ko
"You're Welcome" lumingon naman ako at inirapan siya nakangiti parin siya baliw siguro yun.
Wala namang akong klase kaya uuwi na ko baka kasi hinahanap na ko ni mama.
Naghintay ako ng jeep na masasakyan kaso parang wala ata. Kung meron puro puno naman kaya naglakad na lang ako pauwi, napansin ko naman kanina pa may sumusunod sakin kaya lingon ako ng lingon pero wala naman.
Medyo kinakabahan na ko at nanlalamig na yung pawis ko kaya binibilisan ko na ang lakad ko, kinuha ko na yung maliit metal na matulis at hinawakan ko ng mabuti palagi ko itong dala kung sakanilang may mangyaring masama.Nararamdaman ko talang may sumusunod sakin kaya mas binilisan ko ng biglang may humawak ng balikat ko. Kaya napalingon ako at tinutok ko sakanya yung hawak ko.
"Woah, what's that?" siya nanaman?
"Bakit mo ba ako sinusundan?" Iritang tanong ko.
"Masama ba, tsaka dito rin naman yung daan ko" pacool niyang sabi, inirapan ko lang siya tsaka nauna na.
"Hey, hintayin mo naman ako" hindi ko lang siya pinapansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Dahil sa sobrang bilis niyang maglakad naunahan niya pa ko kaya naglalakad siya paatras habang nakaharap sakin.
"Alam mo never pa ko napagsungitan ng isang babae, kaya bilid ako sayo. Akalain mo Si Travis Montenegro na isang Basketball player nasungitan lang ng isang babae"
Kung nakakamatay lang ang tingin ko kanina pa siya nakabulagta sa harap ko."hindi mo ba talaga ako papansinin?" Tuloy parin na sabi niya
"I'll tell everyone na nakikipagdate kana sakin at nililigawan mo ko, at sasabihin ko rin na kinuha mo yung virginity ko" napahinto naman ako, siraulo ba siya? Sino namang maniniwala sakanya na ginawa ko yun at lalong hindi ako kasing sikat niya.
Isang simpleng estudyante lang ako na gustong makapagtapos ng pag-aaral.
"Baliw ka ba? Tanga ka ba? Sino namang maniniwala sayo na nagawa ko yun. Duh hindi ako kasing sikat mo no. Tsaka wala akong pake" tuloy tuloy na sabi ko, tumawa naman siya baliw nga talaga.
"Well, let's see bye" gagawin niya ba talaga yun? Siguro naman hindi dahil magsasayang lang siya ng oras sa isang tulad ko.
Sinalubong ako ni mama at mukhang nag-aalala na siya.
"Naku kang bata ka saan ka ba ngpupunta kanina pa kita hinihintay" alalang tanong niya.
"Medyo natagalan lang po sa pagsakay sa jeep pasensya na po" tinabi ko naman yung hawak kong bag at kumain na. Nagpaalam naman na ko na matutulog na at maaga pa ang pasok ko bukas.
Binagsak ko yung katawan ko sa kama. Naalala ko nanaman yung sinabi nung Travis.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?