Chapter 9

15.7K 315 5
                                    


Sabado ngayon kaya tumutulong ako sa gawaing bahay.

"Serina anak, pakiabot naman ng mga damit dyan sa itaas" sigaw ni mama. Kinuha ko naman ang mga labahan tsaka ibinigay kay mama.

Nginitian naman ako ni mama. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Konting tiis na lang anak. Gagraduate kana" ngumiti naman ako kay mama.

"Kapag nakahanap ako ng trabaho mama hindi kana tatanggap ng labahan galing sa mga kapitbahay natin" Alam kong mahirap ang ginagawa ni mama araw araw para lang may ipangtustos sa pag aaral ko dahil sa mataas na unibersidad pa ako nag aaral. Mahirap para saking makita si mama na naghihirap para lang sakin.

Tumingin naman ako sa kamay ni mama na nagsusugat na dahil sa sobrang dami niyang tinanggap na labahan para may konting pera kami.

"Salamat Ma" bulong ko dahil konting kurap na lang tutulo na ang luha ko.

Bigla naman ako niyakap ni mama

"Para sa pinakamaganda kong anak lahat gagawin ko" natawa naman ako sa sinabi ni mama.

"Mama naman! Di ako maganda"
Kinurot naman niya ko sa pisngi.

"Mana ka kaya sakin" natawa na lang ako sa sinabi ni mama tsaka tinulungan na siya sa mga labahan niya.

Alas Dyis ng umaga ng matapos kami ni mama sa paglalaba.

Nandito lang ako sa kwarto ko at gumagawa ng mga homeworks.

"Serina anak may naghahanap sayo" sigaw ni mama mula sa ibaba.

Naghahanap sakin? Sino naman iyon. Bumaba ako tsaka nakita si mama na nasa kusina. Maliit lang naman ang bahay namin kaya kita agad ang kabuoan ng loob.

"Nasa labas ang naghahanap sayo. Kaklase mo daw siya. Inalok ko naman pumasok pero tumanggi" sambit ni mama tsaka ako tumango. Wala namang ibang nakakaalam ng bahay ko na classmate bukod kay Travis.

Binuksan ko naman ang pinto tsaka may nakitang lalaking nakatayo sa gilid ng sasakyan. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko maaninag ang mukha.

"Sino ka?"

Lumingon naman agad ito. At tinanggal ang shades niya.

"Hindi mo na ba ko agad kilala?" Sabay tawa nito. Napakunot naman ang noo ko. Pano ka niya nalaman ang bahay ko

"Anong ginagawa mo dito"

"Bumibisita, Ang hirap pala hanapin ng bahay niyo" inikot naman ng mata niya yung buong palagid ng bahay namin.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko ulit sakanya. Agad naman siyang tumingin sakin.

"Nahulog mo yung ID mo sa kahapon. Hindi ko agad nabigay kasi wala ka na pala sa school" Inabot naman niya sakin yung ID ko. "Kung hindi ako nakapulot ng ID mo siguradong di kana makakapasok" sabay ngisi niya.

"Oo na! Salamat" sabay agaw ko ng ID ko.

"Tsk. Hindi man lang sincere" ang kulit din talaga ng isang to.
"Oo nga pala alam ko namang hindi ka pupunta pero ipapaalam ko parin sayo para maging updated ka naman sa buhay mo. Mukhang napaglulumaan kana kasi" sinamaan ko lang siya ng tingin.

"May magaganap na party sa school natin. Kung gusto mo lang pumunta"

Hindi naman ako mahilig sa mga party at kahit isang beses ay wala pa kong napupuntahan. Tingin ko kasi hindi bagay sakin ang mga ganong pagsasaya. Masaya na ko kahit buong buhay ko ay nakatuon lang sa pagaaral ko. Hindi na ko humiling pa ng iba.

Bigla naman binato ni Xander ang envelope na maliit agad ko naman tong sinalo. Ang tamad talaga ng lalaking to.

"Pagisipan mo. Kung sakaling gusto mo, Sige una ko. Pakisalamat na lang sa mama mo" Tumango naman ako tsaka tumalikod na siya.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon