Chapter 27

14.1K 273 17
                                    


"Gutom ka na ba?" tanong ni Travis sakin habang nasa kusina. Naka apron pa siya na kulay pink kaya tinawanan ko siya kanina. Pinapanood ko lang siya habang nagluluto at ngayon ko lang nalaman na nagluluto pala ang lokong to. Hindi kasi halata sa mukha niya. Marunong din naman ako magluto dahil tinuruan ako ni Mama. Sumikip nanaman ang dibdib ko dahil naalala ko nanaman si Mama. Ano kayang ginagawa niya ngayon doon. Namimiss ko na agad siya kahit isang araw palang akong nawawala. Nasanay na akong palaging kasama si mama kaya parang naninibago pa ako ngayon na wala siya.

"Tapos na! Tara na kain na tayo" nilapag naman ni Travis ang adobong manok. Nananadya ba ang isang to at adobong manok pa ang hinain niya. Mas lalo ko tuloy na namiss si Mama sakanya na siguro ang may pinakamasarap na adobo.

"Ayan lang ang alam kong lutuin. Tinuruan kasi ako ni Tita. Pero wag kang magexpect na kasing sarap yan ng sa mama mo. Masasaktan ka lang" tumatawang sambit niya saka sinamaan siya ng tingin. Hindi ko gusto ang adobong manok ngayon dahil siguro sa pagbubuntis ko. Mas gugustuhin ko pang kumain ng pizza pero wala naman akong magagawa dahil nakikitira na lang at gastos pa ni Travis ang pagbili ng kakainin namin.

Kumuha naman ako ng plato at naglagay ng kanin doon. Kumuha ako ng kapirasong manok at tinikman ito.

"Bakit maasim?!" Nakangiwing sabi ko sakanya at agad naman niyang tinikman.

"Nadamihan ko siguro ng suka. Sorry" tumatawang sabi niya. Tatayo na sana siya ng hawakan ko ang wrist niya.

"Hayaan mo na. Masarap naman eh" tumatawang sambit ko sakanya kaya umupo na lang din siya at sabay na kami kumain.

"Nagpacheck up ka na ba?" Napatingin naman ako kay Travis at umiling iling. "Magpapacheck up tayo bukas. Baka kung anong itsura na nyan ni baby" seryosong sabi niya kaya muntik ko ng mabuga ang kinakain ko.

"Ano ka ba! Hindi pa buo to. Tsaka wag kang ngang atat. Isang buwan palang si baby" nakasimangot naman siyang tumingin sakin.

"Nagaalala lang ako. Lalo na at hindi nagpapakita sayo si Xander. Alam mo kapag nakita ko ang kupal na yon. Baka mabugbog ko na talaga siya. Matagal na akong nagtitimpi sa isang yon" ramdam ko ang inis sa pananalita ni Travis. Kahit ako ay naiinis rin dahil kahit anino niya ay hindi ko makita. Alam kong nandun rin siya kanina noong pumunta ako. Dahil narinig ko doon sa girlfriend niya. Ang gusto ko lang naman ay malaman niyang ama na siya at may anak na naghihintay sakanya.

"Wag na nga nating pagusapan ang lalaking yon. Baka paglabas ni baby ay nakasimangot agad siya dahil sa inis ko sakanya" tumango tango naman siya at pinagpatuloy na ang pagkain niya.

Natapos na rin kami sa pagkain at ako na ang nagprisintang maghuhugas ng plato. Nahihiya na rin ako kay Travis dahil sa tulong niya sakin. Sobra sobra na ito.

"I'll be back tomorrow. Make sure na nalock mong mabuti ang pinto. Tsaka wag na wag kang lalabas lalo na at gabi. Makakasama kay baby. Okay?" napangiti na lang ako sa mga sinasabi ni Travis.

"Naiintindihan ko" tugon ko sakanya binigay naman niya sakin ang susi ng apartment.

"Goodnight and bye" sabi niya at lumabas na ng pinto. Napabuntong hininga naman lang ako. Agad naman bumukas ang pinto na kinagulat ko at lumabad doon nakasilip na ulo ni Travis

"Tsaka may gatas diyan sa fridge inumin mo bago matulog. Bye" dagdag niya pa at muling sinarado ang pinto.

Napatingin naman ako sa buong kwarto na napakalat. Aish hindi talaga marunong maglinis ang lalaking yun. Niligpit ko muna ang sala niya at inayos ang mga magazine na nagkalat doon. Pagkatapos kong linisin ang sala ay agad ang nagtungo sa kwarto ni Travis. Ang kwarto lang niya ang malinis sa buong apartment na to. Hindi daw madalas gamitin ito dahil mas gusto niya raw na nasa bahay siya at nababantayan niya ang mga kapatid niya. Sobrang alaga pala ni Travis sa pamilya niya. Kaya siguro ganoon din siya sakin.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon