Chapter 24

12.8K 270 24
                                    

Pagkabukas ko pa lamang ng pinto isang malakas na sampal agad ang dumapo sa pisngi ko. Agad nawala ang saya ko kanina.

"Kapal ng mukha mo! Anong ginawa kong mali para gawin mo sakin to? Lahat ng trabaho pinasok ko para makapagaral ka lang sa magandang unibersidad tapos ito ang igaganti mo? Walang hiya ka. Napakapal ng mukha mo! Serina ilang buwan na lang gagraduate kana! Pinagkatiwalaan kita. Kung gusto mo lang sana magpabuntis sana hindi na kita pinagaral! Sana pinabayaan na lang kita tulad ng ama mo! Pero hindi kasi alam kong kahit wala ang ama mo kayang kaya mo. Napakawalang hiya mo. Napakawalang kwenta mong anak! Lumayas ka sa pamamahay ko!"

Ilang sampal ang dumapo sa pisngi ko ngunit parang namanhid na ang buong katawan ko habang patuloy na bumabagsak ang luha ko. Hindi ako makagalaw na parang napako na ang paa ko sa sahig. Napahagulgol na lamang si mama at napaupo sa sahig. Pinilit kong umupo upang hawakan ang kamay niya pero tinabig niya lang ito.

"Wag mo akong hahawakan! Napakadumi mo!" Iyakan na lang naririnig ko sa loob ng bahay panay ang hikbi ko habang nakaupo sa sahig. Napatingin ako sa mesa namin na punong puno ng pagkain. Meron ding kahon na nakalagay doon at may balot pa na pang pasko. Sobrang sikip ng dibdib ko ng makita sa sahig ang ginamit kong pregnancy test. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi ako naging tanga sana hindi mangyayari ito. Napakatanga mo talaga Serina. Sinira mo ang buhay mo para sa isang gabing kaligayahan lang. Wala akong karapatang magalit sa lahat ng sinabi ni mama dahil tama siya. Napakawalang kwenta kong anak. Patuloy parin ang pagbagsak ng luha ko ng maramdaman ko ang pagtama ng mga gamit ko sakin.

"Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Simula ngayon kakalimutan ko na may anak ako. Wala ka ng karapatan pang mamalagi dito sa bahay ko" Lumapit ako kay mama habang nakaluhod sakanya. Patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi ko pero hindi ko pinansin ito at lumuhod lamang sa harap ni mama.

"Ma. Sorry hindi ko po alam na mangyayari yun. Patawarin mo ako ma. M-ma hindi ko kayang wala ka. M-mama" kahit hirap ay pinilit kong magsalita habang nakaluhod sakanya.

"Wala na akong pakialam sa desisyon mo. Ang gusto ko ay lumayas ka sa bahay ko!" Napahagulgol na ako ng tuluyan ng itulak niya ako sa patungo sa labas ng bahay. Pinagbabato niya rin lahat ng gamit ko na nagkalat na sa lupa. Napayuko nalang ako at narinig ko nalang ang pagsara ng malakas sa pinto. Sobrang sikip ng dibdib ko at hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Sana ay isang masamang panaginip lang ito at binabangungot lang ako at nakahiga parin ako sa kwarto ko. Pinilit kong tumayo upang kunin lahat ng damit ko na nagkalat at inilagay ko sa bag ko. Matapos kong malagay lahat ng gamit ko sa bag ko ay napatingin ako sa bahay namin. Paskong pasko pero walang kailaw ilaw sa loob ng bahay namin. Napakatahimik lang nito at parang walang tao sa loob. Alam kong galit na galit sa akin si Mama at alam kong hindi niya agad ako mapapatawad sa kamaliang ginawa ko. Sinulyapan ko pa ang pinto namin at iniisip na lalabas mula roon si Mama at sasabihin joke lang lahat ng ito. Pero hindi kasi alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sakanya. Sabi nga nila laging nasa huli ang pagsisisi at eto ako ngayong sising sisi sa lahat ng ginawa ko. Wala na ang pagaaral ko na pinapangarap ko. Wala na ang Mama ko. Wala na sakin lahat.

Huminga ako ng malalim at pinilit umalis sa harap ng bahay namin. Sobrang bigat ng paghakbang ko at hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Wala akong matutuluyan na kahit sino. Ayoko namang humingi ng tulong kila Zoey at Travis dahil ako ang may kasalanan nito. Kaibigan ko lang sila at hindi sila damay sa problema kong ito. Magisa ko itong haharapin. Pwera na lang kung makikita ko ulit si Xander. Pero mukhang malabo na dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. Alam niya kayang magiging ama na siya?

Napatingin ako sa kalangitan ngunit wala akong nakitang butuin kahit isa. Makapal na ulap lang ang nakikita ko. Dumeretso ako sa swing at umupo doon. Pwede naman sigurong magpalipas ng gabi dito diba. Wala namang magtatangka sakin dito dahil panget nga ako. Lukot lukot na ang suot kong damit at madumi na rin ito. Pagkakamalan lang nilang baliw ang babae na nakaupo sa swing. Madilim sa bahagi kung saan ako naroroon kaya hindi malalaman ng mga tao na umiiyak ako. Hindi ganoon kadami ang tao dito ngayon sa park dahil panigurado ay nasa kanya kanya silang bahay habang masayang kumakain at nagkukwentuhan. Akala ko pa naman isa ito sa pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Sabi nga nila kapag sobrang saya mo raw ay may kapalit na lungkot sa kabila nito. Maraming mga iba't ibang kulay na ilaw sa parke na ito at kasabay pa nito ang mga tugtuging pasko. Pinagmamasdan ko lang ang mga tao na masayang naglalakad kasama ang mahal nila sa buhay. Bigla naman silang nagtakbuhan kaya nagtaka ako ang iba ay naglabas ng kanya kanya nilang payong. Natawa na lamang dahil napakamanhid ko para hindi maramdaman ang malakas na pagbagsak ng ulan. Minsan talaga ay nakikiayon sa akin ang panahon. Palakas na ng palakas ang ulan at basang basa na rin ako kaya napagpasyahan ko ng tumayo at humanap ng masisilungan. Hindi sapat ang pera ko para makarenta ng matutuluyan. Pwede naman siguro akong matulog sa gilid ng kalsada habang wala pa akong trabaho. Simula bukas ay maghahanap na agad ako.

Nakakita ako ng isang convenience store at agad akong sumilong dahil tuluyan na ngang lumakas ang ulan. Napapatingin din ang ibang nakasilong sakin marahil ay iniisip nilang baliw ako dahil sa itsura ko ngayon. Medyo nababawasan na ang basa ng buhok at damit ko ng nagpasya akong pumasok sa loob. Napatingin naman ako sa orasan nila at alas dyis na pala ng gabi. Kumakalam na rin ang sikmura ko at mukhang gutom na rin ang bata sa loob. Teka kumakain ba sila kahit dugo palang. Magiisang buwan pa lamang naman kaya siguradong dugo pa lang ito. Pero kailangan ko paring kumain. Baka pumanget din ang baby ko kapag hindi ako kumain. Kumuha lang ako ng dalawang tinapay at isang tubig at agad na binayaran. Hindi ko naman maipinta ang itsura ng mukha ng babaeng cashier na parang nandidiri sakin. Umupo muna ako sa at pinagmasdan ang malakas parin na ulan. Mukhang hindi ito titila hanggang mamaya at mahihirapan akong maghanap ng matutulugan. Kinain ko na rin ang binili ko at nawala ng kaonti ang gutom ko.

"Ma'am magsasara na po kami" nagulat ako sa pagkalabit ng lalaking nakatayo sa gilid ko. Napatingin ako sa orasan at magaala una na pala ng madaling araw. Natuyo na rin ng aircon ang basa kong damit kanina. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako. Wala ng katao tao sa loob ng tindahan at mukhang ang gwardya na ito ang magsasara.

"Pasensya na po." Sambit ko at agad na tumayo sa pagkakaupo ko. Tumango naman ang gwardya at tuluyan na akong lumabas ng tindahan. Umaambon na lang kaya naglakad na ako kahit hindi ko alam kung saan ako tutuloy.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon