Chapter 6

18K 359 17
                                    


Kasalukuyang nandito ako sa bench ng field. Vacant ko ngayon kaya nagpapalipas muna ko ng oras.

"SERINA!" napalingon ako sa gawing kanan ng makita ko si Zoey na tumatakbo. Napakaganda talaga ng babaeng ito.

Ngumiti naman ako sakanya at ganon din siya. Mabait na nga maganda pa. So ano na ko? Kuko na lang niya? Hays

"Serina may gagawin ka ba ngayong araw?" Sambit niya habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro.

Napaisip naman ako. Bukod sa mag aaral ako wala naman.

"Hmm. Wala, bakit nga pala?"
Sagot ko.

"Gusto sana kita ipakilala kila Mom and Dad. Nasabi ko kasing may new friend na ako dito sa bago kong school" Pagpapaliwanag ni Zoey.

"Naku, nakakahiya" ang tanging nasabi ko.

"Bakit naman? mabait naman sila. Kaya sumama ka na sakin please?" Ngayon ay naka puppy eyes na siya. Omyghad.

"Sige. Haha" natawa na lang ako dahil sakanya. Tumawa rin siya at mas lalo pa siyang gumanda. Nagiging tomboy na ba ko? Syempre joke lang.

"Uy si Zoey yun diba?"
"Ang ganda ni pre"
"Ang panget nung kasama niya"

Tumaas naman ang kilay ko sa narinig ko. Kalma Serina.

"Tara na Zoey" Aya ko sakanya tumango naman siya tsaka naglakad na kami palayo sa mga shokoy na yun. Ginigigil nila ko.

Naghiwalay naman na kami ng direksyon ni Zoey dahil iba ang kurso niya at nasa kabilang building pa iyon.

"Look who's here" Bigla naman nag init ang ulo ko ng makita ko ang lalaking kampon ng kahanginan. Naalala ko naman yung ginawa niya sakin. Grr. Nakakainis siya.

Derederetso lang ako sa paglalakad at sumasabay naman siya. Bwisit. Ano ba ang kailangan ng lalaking ito?

"ANO BA?!" tumingin naman yung ibang estudyante samin. Nakakainis.

"Bakit ka ba naninigaw?!" inis na sabi niya.

"Bakit ang hilig mong mang asar. Bwisit" Nauna na kong maglakad patungo sa room namin.

"Guys may magaganap na Foundation Week sa school natin. Ang gusto namin ay magparticipate lahat ng students. So magbibigay kami ng iaasign sainyo. Okay ba yun?" Masiglang sabi ng Guro namin. May binigay naman siyang mga papel kung ano ang activity na gagawin namin para sa foundation week. Maraming magaganap na activity tulad ng Battle of the Bands, Booths at iba pang pwedeng lahukan ng mga estudyante dito.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon