Chapter 29

14.6K 304 15
                                    

"Sigurado ka bang dito na lang?" sambit ni Travis ng makarating kami sa kanto ng tinutuluyan kong bahay. Medyo malapit lang ito na pwede namang lakaring papunta sa pinagtatrabahuhan ko pero nagpumilit parin si Travis na ihatid ako gamit ang sasakyan niya.

"Oo naman. Tsaka mababait yung mga tao dyan. Wag kang mag-alala" nakangiting sambit ko sakanya kaya ngumiti na rin siya.

"Oo na. Sige magiingat ka ha? Goodnight" nakangiting sambit niya.

"Goodnight"

Tuluyan ng pumasok sa kotse niya si Travis. Kumaway pa ito sakin saka mabilis na pinaandar ang kotse niya. Napabuntong hininga naman ako at naalala ko nanaman ang pagkikita namin ni Xander. Ewan ko ba. Ginugulo nanaman niya ang isip ko. Sa susunod na linggo ang pasukan nanaman namin. Hindi ko pa alam kung papasok pa ako o hindi na. Hindi pa naman malaki ang tyan ko kaya siguro hindi naman nila mapapansin. Mahirap na dahil alam kong mga tsismoso at tsismosa ang mga tao roon. Isang maling pagkakamali mo lang huhusgahan at tatapakan na agad ang pagkatao mo. Iisiping malandi ka agad dahil nabuntis ka agad. Hays.

Tinahak ko na ang kalye na papunta sa apartment na inuupahan ko. At dahil mabait ang landlady sa pinakataas pa niya ako binigay ang kwartong tutuluyan ko. Limang palapag ito at nasa fifth floor pa ang tutuluyan ko at nasa pinakadulo pa.

"Miss" napalingon ako ng makita ko ang tumpok ng mga kalalakihan na nagiinuman sa harap ng tindahan. Iniwas ko agad ang tingin ko sakanila ng tawagin ko sila. Kinikilabutan na ako kaya mas binilisan ko ang paglakad ko. Pakiramdam ko kasi ay sinusundan nila ako ng tingin.

"Snob si ate" rinig kong sambit ng isa sakanila saka sila nagtawanan. Kinakabahan na ako kaya doble pa ang paglalakad ko pero rinig na rinig ko pari ang tawanan nila na parang napakalapit ko parin. Biglang nanigas ang katawan ko ng may humawak sa pulsuhan ko.

"Miss, Ang sungit mo naman" sambit ng isang lalaki na nakahawak sa akin. Pinilit kong tinatanggal ang hawak niya pero mas lalo niya pa itong diniinan.

"Aray! Ano ba nasasaktan ako" sambit ko dahil mas humihigpit ang pagkahawak niya sa akin.

"Pakipot ka naman! Sumama ka muna samin panigurado sasaya ang gabi mo" nakangising sambit nito at namumula na rin siya dahil sa kalasingan.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakanya ngunit mali ata ang ginawa ko dahil bigla niyang hinila ako palapit sakanya. Naaamoy ko na ang hininga niyang amoy alak at katawan niyang amoy araw. Gabi na amoy araw parin ang bwisit na to.

"Nakakainis kana ah! Napakapakipot mo!" Sigaw niya kaya agad akong napapikit dahil takot na takot na ako. Narinig ko namang naghihiyawan ang mga kainuman niya at parang chinicheer pa ang unggoy na to. Sobrang lakas naman ng pintig ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Nakahawak parin siya ng mahigpit sakin at wala ata siyang balak bitawan ako. Sana bumalik si Travis. Sana iligtas niya ako sa mga unggoy na to. Nilapit niya ang mukha niya sakin na kinatayo ng balahibo ko. Tumapat naman ang labi niya sa tenga ko ang bumulong. Napapikit na lang ako sa sobrang kaba at takot.

"Saglit lang naman miss. Wag kan-"

"Tarantado!"

Isang malakas na sigaw at kalabog ang narinig ko kaya agad akong napadilat ng makita ang lalaki na nakahandusay na sa lupa. Kitang kita ko rin ang pagdurugo ng ilong niya. Napatingin ako sa lalaking sumuntok sakanya na kinalaki ng mata ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Parang boltaboltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Sari saring emosyon ang raramdaman ko ng makita ko siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kanina dahil sa takot pero mas dumoble ito ng makita ko siya. Hindi na ako makagalaw sa tinatayuan ko dahil na sakanya lang ang atensyon ko. Halos isang buwan na hindi ko siya nakita pero ganon ang parin ang itsura niya. Siya parin yung taong minahal ko at ang ama ng batang dinadala ko.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon