Napangiwi na lang ako sa mga pagkaing nakikita ko sa harap ko. 2 months na simula ng grumaduate kami. Medyo malaki laki na rin ang tyan ko. Feeling ko nga tumataba ako dahil sa mga hinahain sakin ni Mama araw araw. Para akong bibitayin sa mga pagkain.
"Serina, ubusin mo lahat yan. Hindi mo ba tinatandaan yung bilin ni Xander sayo?" naiinis na sambit ni Mama. Si Xander ay nagtatrabaho na at dito na rin siya natutulog, ayaw kasi ni Mama na malayo ako sakanya dahil malulungkot lang daw siya kung magisa lang daw siya dito sa bahay. Naintindihan ko naman kaya pumayag ako. Ayoko rin namang iwan si Mama dito.
Maggagabi na at parating na rin siguro yun si Xander. Kumain na lang ako kahit wala akong gana. Mas gusto ko lang humiga at magpahinga feeling ko kasi ang bigat bigat na ng tyan ko kahit limang buwan palang ito.
Bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko agad si Xander. Ngumiti agad siya ng nakita ako at lumapit sakin. Bigla naman siya akong hinalikan sa pisngi na lagi niyang ginagawa tuwing paguwi niya. Argh! Kinikilig parin ako kahit kailan. Hindi na 'ko nasanay sa mga ginagawa ni Xander.
"Kamusta ang baby 'ko?" Ngumiti siya sakin at binaling ang tingin sa tyan ko. Agad naman nawala ang ngiti ko kanina. Akala ko tuloy ako ang sinasabi niyang 'baby'
"Tignan mo baby oh, nagseselos si Mommy Serina." Pangaasar niya sakin. Inirapan ko lang siya at kumain ulit. Hinarap naman niya ang mukha ko sakanya kahit ngumunguya pa ako.
"I love you" bigla naman naginit ang pisngi ko sa sinabi ni Xander. Muntik ko pang mabuga yung kinakain ko sa mukha niya buti na lang napigilan ko pa. Pano kasi bigla bigla na lang nagsasabi ng ikakakilig ako.
Nilunok ko naman agad ang nginunguya ko saka pinalo siya sa braso. Tumawa lang siya at nakikain na rin.
"Mama, sumabay na po kayo samin kumain" sambit ni Xander kaya lumapit na samin si Mama. Napangiti ako dahil nandito ang mga mahal ko. Wala na nga talaga akong hihilingin pa.
Matapos kaming kumain feeling ko sobrang bigat ko. Kaya nauna na akong umakyat para magpahinga. Bawal daw kasing magpuyat baka daw makasama kay Baby. Kaya maaga ako parating natutulog. Naghalf bath lang ako tsaka dumeresto na sa kama.
Napatingin ako sa kisame at inaalala lahat ng mga nangyari sa akin. Akala ko hindi ko kakayanin lahat ng sakit at pagod na naranasan ko noon. Hindi ko inakala na magiging maayos ang lahat hindi pala maayos kundi naging perpekto na. Hindi ko man nakita si Papa nagpapasalamat na rin ako sakanya dahil alam kong mahal na mahal niya kami ni Mama at babantayan niya lang kami.
Lalong lalo na si Xander. Hindi ko inaakala na makikilala ko ang kagaya niya. Akala ko puro kalokohan lang ang alam niya sa buhay. Hindi ko rin inakala na mamahalin ko ang lalaking iyon. Oo bwisit na bwisit talaga ako sa pangtitrip niya sa 'kin noon pero sa pangtitrip niya na yun ay nahulog ako. Nahulog ako sakanya ng hindi ko namamalayan. At masayang masaya ako ngayon dahil kasama ko na siya.
"Wag mo na akong isipin, nandito naman ako" napatingin ako sa pinto at nakita ko si Xander na nakashorts lang at walang pangitaas na damit.
"Magdamit ka nga!" sigaw ko sakanya at binato ko yung unan na katabi ko. Tumawa lang siya at parang hindi narinig ang sinabi ko, kundi lumapit pa siya sakin.
"Bakit pa ako magdadamit, nakita mo na—" hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad kong nasuntok ang ilong niya.
"Hala. Xander hindi ko sinasadya, sorry" napatakip ako ng bibig ko ng makita ko siyang hawak hawak ang ilong at nakayuko. Napakalakas ata ang suntok ko siya at parang namimilipit siya sa sakit. Nilapitan ko siya at pilit tinatanggal ang kamay niya.
"Xander, sorry.." Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakayuko parin siya. "Sorry.." Napayuko na rin ako.
Nakarinig naman ako ng mahinang tawa kaya napatingala ako. Tumatawa lang siya kaya agad ko siyang inirapan dahil pinagtitripan nanaman niya ako.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?