"Pinapamigay po nung lalaki sayo" napatingin naman ako sa batang babae na nasa harap ko."Sinong lalaki?" Umiling lang ito tapos tumakbo na palayo. Kanino naman kaya galing ito. Tsaka undas na ba para bigyan ako ng bulaklak. Inamoy ko naman ito.
"Ang bango" sambit ko.
"Woah. Kanino galing yan?" Pinalo ko naman siya. Grabe talaga ang Travis na ito
"Ano ka ba aatakihin ako sayo eh. Hmm, Hindi ko alam eh. Gusto mo sayo na?" Sabay abot ko sakanya. Inilayo niya naman agad sa akin ang pulang rosas.
"No thanks. Malayo pa ang undas para bigyan mo ako niyan" Sambit niya at sumabay nanaman sa akin. Nakagawian niya na ngang sumabay sa akin lagi tuwing papasok ako at uuwi. Tinago ko naman agad ang hawak kong rosas ng makapasok na kami sa loob ng school. Baka kasi isipin pa nilang galing iyon kay Travis at sugurin nanaman ako ng mga fangirls niya. Ayoko ng mangyari ulit yon.
"Wag mo na akong ihatid sa room namin. Noong isang araw ay hinatid mo ko nagsitinginan tuloy yung mga babae. Tapos sasabihin pa nilang inigaw kita sakanila. Hindi na no!" Sambit ko kaya agad naman siyang tumawa.
"Ano naman kung ihatid kita araw araw? Hindi ba pwede yon?" Napatingin agad ako kay Travis. Parang seryoso kasi siya sa mga sinasabi niya. Kahit ang hilig niyang mang asar.
"Che! Dun kana malelate ka pa sa unang class mo" tutulakin ko na sana si Travis ng biglang may bumangga sakanya. Buti na lang ay hindi siya natumba.
"Dun kayo maglandian sa walang tao" Napalingon naman agad ako sa nagsalita. Umupo na siya sa likod at si Xander nga iyon. Nagkatinginan kami ni Travis at nag 'huh-look' kami.
"Anong problema non?" Tanong niya. Bigla naman nagbell kaya hindi ko na sinagot ang tanong niya.
"Late kana"
"Sige bye" tumakbo na siya at pumasok na ako sa loob ng room. Oo nga ano kayang problema non ni Xander. Tsaka hindi naman kami naglalandian ni Travis no. Hays nakakainis talaga ang Xander na to.
Pumasok naman na ang Prof namin saka nakinig na ako. Nakikita ko sa peripheral vision ko na seryoso sa pakikinig si Xander. Aba minsan lang to ah. Siguro ay may motivation na siya para magaral ng mabuti. Pagkalingon ko ay biglang may tumamang papel sa mukha. Napatingin ako kay Xander na palihim na tumatawa. Bwisit ka talagang lalaki ka. Siguro nga ay pinagtitripan niya lang talaga ako sa mga sinasabi niya noong dinala niya ako sa bahay niya. Tinignan ko naman siya ng masama. Argh! Pinulot ko naman yung papel na nakalukot. Kahit kailan talaga ang bully ng lalaking ito. Nakalukot ito pero may nakasulat.
"Kahit anong anggulo ang panget mo parin hahaha"
Napakunot ang noo ko. Saka pinunit ng pirapiraso ang papel na hawak ko. Kumuha naman ako ng pirasong papel ang sinulatan din ito.
"Bwisit kang Xander kaaaaa!!" kahit sa pagsulat ko ay may gigil na inis sakanya. Nilukot ko ito at tumingin muna sa unahan kung nakatingin ba ang prof namin buti na lang ay busy siya habang nagsusulat lang. Tatargetin ko na sana siya ng biglang lumingon yung katabi namin medyo weirdo na nakasuot ng harry potter na eyeglass. Omg. Ang sama naman ng tingin nito sa akin dahil siya ang natamaan ng binato kong papel bakit kasi kailangan niyang lumingon ayan siya tuloy ang natamaan.
"Hehe, Sorry po" napatingin naman ako kay Xander na tawa na ng tawa. Mabilaukan ka sana ng laway mong bwisit ka.
"Anong problema mo diyan Mr.Green?" Sambit ng prof namin kaya nagsitinginan na ang mga kaklase namin sakanya. Ang ibang babae ay kumuha ng kanya kanya nilang camera at pinagpipicturan si Xander na parang artista. Hays grabe talaga sila kaya lumalaki ang ulo nitong Xander na to at feeling pogi.
"Wala" Tanging sagot niya kaya nagpatuloy nanaman sa pagsusulat ang Prof namin. Napatingin naman siya sa akin at tinignan ko nananaman siya masama. Halatang pinipigilan niya lang ang tawa niya kaya mas lalo akong naiinis.
"Dismiss" natuwa naman ako ng matapos na ang unang class ko. Sa wakas ay hindi ko na makikita ang pagmumukha ni Xander. Nagmamadali naman akong ligpitin ang mga notes ko ng biglang kunin ni Xander ang bag ko.
"Hoy! Xander ibalik mo yan!" Sigaw ko. Lumabas naman na ako ng room sakto ay naglalakd lang siya pero para sakin ay tumatakbo na siya napakahaba naman kasi ng binti niya.
"Xandeeeerrrrrrrr!" Sigaw ko ulit kaya nagsitinginan naman yung tao karamihan ang mga babae ang iba ay nagbubulungan pa. Sanay na ako na diyan kaya hindi ko na sila pinansin. Napalingon naman si Xander saka tumawa ng pang asar.
"Habulin mo ko!" Sigaw niya at bigla ng tumakbo. Argh! Nakakainis. Wala naman na akong nagawa. Mapapagod din siya at ibabalik niya rin sa akin yon. Dahil sakanya nagugutom n tuloy agad ako. Nagpasya na akong pumunta sa next class ko na kaklase ko naman si Travis.
"Boo!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Atatakihin talaga ako ng wala sa oras sa pinaggagawa nitong Travis na to. "Nagulat ba kita?" Tanong nito sabay tawa.
"Hindi ba obvious?" Pagtataray ko sakanya.
"Wow sungit" Pumasok naman na ako at sumunod siya. Mabuti na lang ay may dala akong notes dito para pagsulatan at isasalin ko na lang sa isang notebook ko. Bwisit kasing Xander yun. Saan naman kaya niya dinala ang bag ko.
"Bakit wala kang dalang bag?" Pagtatanong ni Travis.
"Kinuha ng demonyo" walang gana kong sabi.
"Hala? Hindi nga?" Napalingon naman ako sakanya at hindi ko madescribe ang itsura niya. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang siyang tanga o ganon talaga siya. Bakit ang gulo ng mga lalaki.
Nasaan kaya si Zoey, Parang kanina ko pa kasi siya hindi nakikita. Nandito lang naman ako sa palagi naming tambayan ang field. Ayoko namang tanungin ang mga kaklase niya dahil nahihiya ako. Ako lang tuloy magisa dito. Hays sanay naman akong magisa eh. Naramdaman ko naman may bumato sakin. Napatingala ako at nakita ko si Xander at ang bag ko sa tabi ko. Sabi na eh mapapagod lang din siya.
"Bakit hindi mo ko hinabol?" Parang bata niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko at tumingin ulit sa mga naglalaro ng soccer. Ayoko ng pansinin siya dahil baka mainis nanaman ako.
Naramdaman ko namang may kinuha siya at umupo sa tabi ko. Seriously? Ang arte talaga ang lalaking to. Nilagyan niya pa kasi ng dyaryo ang uupuan niya. Hays grabe. Ganon ba talaga kapag mayayaman?"Bakit ikaw lang magisa?" Tanong niya habang nakatingin din sa mga naglalaro.
"Kasi isa lang ako" pamimilosopo ko sakanya.
Oo nga pala hindi pa pala ako nakakaganti sa pagtawa at bato niya sa akin kanina. May namuo namang ngiti sa aking mga labi ng makaisip ako ng paghihiganti. Tumingin tingin ako sa palagid ng may makita akong tipaklong sa damuhan. Lagot ka sakin ngayon Xander. Dahan dahan ko itong kinuha at success naman dahil nasa loob ng ito ng kamay ko. Wala akong ideya kung takot ba siya sa mga insekto pero gusto ko subukan malay mo effective.
"Xander" napalingon naman siya sa akin ng seryoso. Nagseryoso din ako ng mukha tsaka inayos ko ang pagkakaupo ko. "Kapag nakuha mo yung nasa loob ng kamay ko. Aakyatin ko yung punong yon" sabay nguso ko doon sa puno ng mangga. Mataas yon kaya mahirap umakyat. Ngumiti naman siya ayun nama ang gusto niya ang pagtripan ako.
"Sige" Pagsasang ayon niya. Huminga muna ng malalim.
"Pagbilang ko ng tatlo bubuksan ko na to" tumango tango nama siya at ready na ang kamay niya para kunin ang tipaklong sa kamay ko.
"Isa..." Gusto kong matawa sa mukha niya. Mukha kasi siyang tipaklong.
"Dalawa..."
"Tatlo!!" Pagkabukas ko ay nanlaki ang mata niya kasabay non ay ang paghagis ko sa damit niya ng tipaklong. Kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo ng mabilis
"SERINAAAAAAAAAAA!!!" Sigaw siya ng sigaw na may tipaklong sa damit niya. Tawa naman ako ng tawa sa itsura ng mukha niya. Takot na takot siya at parang natatae. Nagsintinginan na rin ang mga tao sa field sakanya sa lakas ng boses niya. Ang laki laki niyang tao tapos takot pala siya sa tipaklong.
Nakaganti na rin ako sayo haha.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?