Chapter 22

12.9K 263 20
                                    

"Anak kanina ka pa kumakain ng pizza, hindi ka ba nagsasawa?"

Napatingin ako kay mama habang inaayos ang mga nilabhan niya. Nakaupo lang ako sa sofa at nanonood ng tv habang kumakain ng pizza. Ewan ko ba hindi ko naman gusto ang lasa nito dati pero sarap na sarap na ako dito ngayon. Halos maubos ko na nga ang itinabi kong pera para makabili lang nito. Dalawang araw na lang ay pasko na. Wala na kaming pasok pero madalas parin kaming magkakasama nila Travis at Zoey. Minsan ay nandito sila sa bahay kaya tuwang tuwa tuloy si Mama. Hays minsan lang kasi kami magkabisita kaya ganon na lang kasaya si mama tuwing nandito sila. Napatingin naman ako sa box ng pizza na nasa harap ko. Sa tuwing nakikita ko sila ay parang mas lalo pa kong gustong bumili.

Umiling lang ako kay mama bilang sagot sa tanong niya.

"Tita!" Simula ng palaging pumupunta si Travis dito ay hindi na siya marunong kumatok. Feel at home talaga ang loko.

"Hi Serina" sambit niya at agad na umupo sa sofa na inuupuan ko. Inirapan ko lang siya at itinuon ulit atensyon ko sa tv.

"Bakit ba ang sungit mo nitong mga nakaraang araw? Araw araw ka bang meron?" Napatingin ako kay Travis na nagkakamot ng ulo niya. Natigilan naman ako sa pagkagat ng pizza. Dahil ata sa sobrang dami kong nakaing pizza ay nasusuka na ako. Dali dali akong tumakbo sa banyo at pinilit isuka ang kinain kong pizza.

"Anak okay ka lang?" Alalang tanong ni Mama.

"Nalalason na po ng pizza ang anak niyo"

Pinapakinggan ko lang sila sa labas habang naguusap. Napatingin naman ako sa salamin at agad na naghilamos.

"Hala! Baka nabuntis ng pizza si Serina" sigaw ni Travis sa labas ng banyo. Dahil doon ay agad akong napahinto sa ginagawa ko. Nanginginig ang kamay ko. Hindi maaari. Napatingin ako sa salamin ng pamansin ko ang tumutulong luha sa mga mata ko. Magtatlong linggo na ng mangyari ang bagay na iyon. Hindi pwede.

"Anak? Ayos ka lang ba diyan? May masakit ba sayo?" Sabi ni mama at agad kong pinunasan ang mukha ko.

"Wala po" kahit hirap ay pinilit ko paring magsalita. Tuluyan na akong lumabas ng banyo nagulat naman ako na nasa harap sila ng banyo. Nginitian ko na lang si mama.

"Halika na at baka nagugutom na kayo" dumeretso naman na kami sa mesa. Pinilit kong wag silang magtanong ng kung ano. Pero si Travis ay tingin ng tingin sakin. Sinamaan ko lang din siya ng tingin.

"Tita, paborito po ito ni Serina diba?" napatingin naman ako kay Travis habang tinuturo ang adobong manok. Agad na tumawa si Mama at tumango.
"Hehe paborito ko na rin po kasi. Ang sarap kasi ng luto niyo" dagdag pa niya at kumuha pa ng marami.

"Oh anak bakit hindi ka kumakain? Mukhang mauubos na ni Travis" tumatawang sabi ni Mama. Sumikip naman ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang masaya.

"Kulang pa po yan kay Travis" biro ko sakanila at kumain na lang. Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng plato kaya lang tumulong si Travis kaya agad kaming natapos.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Travis. Agad naman siyang napatingin sa relo niya.

"Oo nga pala. Serina bukas pala hindi ako makakapunta. Sige babye"

"Kahit wag ka ng bumalik" biro ko sakanya.

"Hindi pwede yon. Mamimiss kita eh, Sige alis na ko" tumatawang sabi niya at agad na rin umalis.

Simula ng makita ko si Xander sa kanto namin ay hindi ko na siya ulit nakita. Hindi na rin siya pumapasok. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako. O baka kasama niya ang girlfriend niya. Mukhang masaya naman sila kaya wala na akong magagawa dun. Sana ay hindi na lang ako naniwala sa mga sinabi niya. Kumikirot nanaman ang dibdib ko. Bakit sa tuwing naalala ko si Xander ganito na lang ang nangyayari sakin. Minsan ay tumutulo na lang ang luha ko ng hindi namamalayan. Ganto ba ang epekto sakin ni Xander. Hindi ko man lang nasabi sakanya kung ano ang nararamdaman ko dahil bigla na lang siyang nawala. Ang unfair niya.

Kinuha ko ang tsinelas ko at lumabas ng bahay. Maaga pa naman at mukhang natutulog na rin si Mama. Dumeretso ako sa park na palagi kong pinupuntahan. Gabi na kaya wala ng tao dito. Umupo agad ako sa swing. Tumingala ako tumingin sa madilim na kalangitan. Kitang kita na rin ang mga bituin na sobrang dami. Unti unti na lang bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan na bumagsak. Hindi ba dadating ang ulan para damayan ako para hindi naman nila mapansin na may baliw na umiiyak dito. Nakakainis bakit ba kasi hindi makisama ang mga luha na to. Hindi ba kayo nagsasawang hindi tumulo.

"Gusto mong ice cream?" Sa gulat ko ay agad kong pinunasan ang basa sa pisngi ko at agad na napatingin sa nagsalita. Nakakahiya ka Serina baka marami ng nakakita sayong dumadaan at nakita kang umiiyak. Aish. "Wag kang magalala walang nakakita" ngumiti naman si Travis at lumapit sakin. "Pasensya kana wala akong dalang panyo. Kung alam ko lang na iiyak ka sana nagdala na ako ng sampu" biro niya kaya napangiti naman ako.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko sakanya agad naman siyang umupo sa kabilang swing.

"Nakakatamad eh. Ikaw bakit ka pa nandito ng ganitong oras. Hindi mo ba alam na delikado na lalo na at babae ka. Tigas talaga ng ulo mo" nakatingin lang ako kay Travis habang siya ay nakatingin lang sa madilim na kalangitan.

"Umiiyak ka nanaman ba dahil sakanya?" Tanong niya at agad na tumingin sakin. "Nasasayang lang ang luha mo sa walang kwentang tao, Sana huli na tong makikita kitang umiyak. Kasi hindi ko na kakayanin. Konti na lang. Konti na lang madudurog na ko" isa lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Puno ng sakit. Maging ako ay nasasaktan din. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na siya.

"Gusto mo pa ba ng ice cream? Wag na pala nagbago na isip ko" sabi niya at agad na tumawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tumayo na rin ako at ako na ang humila sakanya. Nagugutom na rin kasi ako at mukhang masarap kumain ng ice cream ngayon.

"Mukhang mababankrupt nanaman ako sayo" sabi niya kaya tumawa na lang ako.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon