Dumaan ang mga araw. Byernes na ngayon at bukas na ang pinakahihintay ng lahat. Ang iba ay sobrang excited. Ako naman ay walang pake. Pero deep inside gustong gusto kong sumama."Serina may damit ka na ba para bukas?" Tanong sakin ni Zoey.
"Wala. Okay lang naman kahit wala ako dun. Mageenjoy parin kayo" mapait kong sabi.
"Ano ka ba! Syempre wala akong makakausap doon"
Sa paguusap namin ni Zoey nagsimula ng magbell. Kaya nagpaalam na rin kami sa isat isa.
"Boo!"
"Aahhh"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
napalingon ako sa lalaking gumulat sakin at hinampas hampas ko siya ng librong dala ko.
"Bwisit ka!" Sigaw ko kay Xander. Umiilag naman siya sa hampas ko at mas lalo akong naiinis dahil hindi ko siya matamaan.
Tawa parin siya ng tawa. Anong nakakatuwa dun? Parang aatakihin ako sa puso ng dahil sakanya. Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sakanya at naging ganyan siya.
Iniwan ko naman siyang tawa ng tawa dun. Para siyang nababaliw. Nakakatakot.
Pumunta naman na ko sa mfa sumunod na klase. Pati rin ang mga prof ay excited din kaya kalahati ng oras nila ay pinagusapan rin ang party na magaganap bukas. Parang naiinggit tuloy ako.
Maaga kaming pinauwi ngayon para daw makapag beauty rest ang iba. Nahuli naman akong lumabas ng room. Nilinis ko pa kasi ang mga mesa ng mga kaklase ko ay binura ang nakasulat sa white board. Pagkatapos kong maglinis ay dumeretso na ako sa locker para iwan ang ibang libro ko na hindi ko gagamitin.
Naglakad naman ako pauwi na nakagawian ko na para makatipid ako. Sais pesos din yun malaking tulong para sa pangtustos namin araw araw.
"Serina!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Si Travis. Hingal na hingal naman itong lumapit sakin.
"May problema ba?"
"Ah. W-wala. Hinahanap kasi kita kanina nauna ka na palang lumabas" hingal parin na sabi niya. Tumakbo siguro ang isang to.
"Oo nga pala Serina. May party na magaganap bukas. Makakapunta ka ba?" Tanong niya sakin at sumabay na sa paglalakad. Kahit matangkad ako ay mas malaki parin ang agwat nitong Travis na ito.
"Hindi" maikling sagot ko.
"Bakit?"
"Wala kaming pera" totoong sabi ko. Ayun naman ang dahilan bakit pa ako magsisinungaling.
"Tara sabay na ko sayo"
"Maglalakad ka nanaman?"
"Oo naman. Para makapagexercise naman ako kahit hapon" natatawang sabi niya.
Marami pang siyang ikinukwento. Siya na ata ang pinakamadaldal na nakilala ko. Pati kasi ang kapitbahay nilang pusa ay kinukwento niya rin.
Malapit na kami sa bahay ng makita ko si Aling Gloria na nasa harap ng bahay namin.
"Hoy!Rina kailangan ko na ngayon ng pera!" Sigaw ni Aling Gloria habang si mama ay nakaluhod sa harap niya. Tumulo na lang ang luha ko ng makita ang sinasapit ni mama. Tumakbo naman ako palapit kay mama at itinayo siya.
"Aling Gloria sa susunod na po. Mababayaran naman namin ang utang" pagmamakaawa ko.
"Aba! Parehas talaga kayo ng nanay mo. Mga hampaslupa. Kung hindi niyo mababayaran ang utang niyo ay kukunin ko na lang ang bahay niyo!" Mas lalong umiyak si mama na pinipilit kong itayo pero nagpupumilit parin siyang lumuhod kay Aling Gloria.
BINABASA MO ANG
Hello, Daddy
Teen FictionPano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala mo. Pano mo sasabihin sakanya ang lahat? Magtatago ka na lang ba o Ipagpapatuloy ang lahat?